Chapter 26

2 1 0
                                    

Drake P.OV.

Lahat gagawin ko para kay Roxanne.Matagal ko na syang nililigawan.Dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay may maaapektuhang inosenteng tao.I don't like her idea na paibigin si Finnesse but I have no choice kundi sundin sya.....mahal ko eh.Kita ko na nagulat sya nung hapon na nagpakilala ako sa kanya.Alam ko rin na may pagdududa si Am-jay sa mga kilos ko.Bihira lang kasi ako makipagsalamuha sa mga babae.

"So babe,kailan mo sya liligawan" bungad sakin ni Roxanne.Tinawagan nya ako sa cellphone. Hindi ko pa nasasaktan si Finnesse kinakain na ako ng konsensya ko.Ano ba kasing atraso ni Finnesse sa kanya?Bakit nya ito pinagtriripan?Napabuntong hininga ako.

"Malapit na" I said in an undertone voice

"Paki dalian babe,I can't wait na makita syang nasasaktan hahaha"Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong.

" Bakit mo ito ginagawa"naawa ako kay Finnesse.

" Wala lang trip ko lang syang paglaruan"

"Naaawa ako sa kanya.Mas magada siguro na wag mo syang isali sa mga trip mo" I can't control my self.

"Diba you love me?.....so gawin mo nalang ang pinapagawa ko"

"Yes,I love you Roxanne.But I can't help it...Naaawa ako sa kanya"

"Naaawa?Seriously?.......Huwag ka ngang maawa sa babaeng yun!"Tumaas ang boses nya.

" Nagbabait-baitan lang iyan for sure kaya wag kang magpadala sa babaeng yan!"

"Plastik sya okay.....plastik lang yang Finnesse Alejandro na iyan!"

"Fine......liligawan ko sya sa lalong madaling panahon"

"Okay that's good......"aniya

"Bye,Roxanne"

"Bye,I love you Drakey baby"

Palagi akong pumupunta sa bahay nila na may dalang bulaklak at chocolates.Nakilala ko ang Tita nya na sobrang masiyahin.Nakilala ko nang husto si Finnesse....kasalungat ng mga sinasabi ni Roxanne sakin tungkol sa kanya.Sobrang saya kasama si Finnesse yung tipong hindi mo na namamalayan ang oras kapag nag-uusap kami.Simple lang din sya.Walang arte sa katawan pero sobrang ganda pa rin.

I asked her if she want to be my girlfriend and she answered yes.May agreement kami na dapat sekreto muna ang relationship namin.Gusto ko syang maging girlfriend hindi dahil sa iyon ang gusto ni Roxanne kundi dahil iyon ang isinisigaw ng puso ko.Cheesy na kung cheesy pero yun ang totoo.Plano kong sabihin kay Roxanne na magbaback-out na ako para maging matiwasay kami ni Finnesse. That time, ipagsisigawan ko na mahal ko si Finnesse.Hindi na ako magdadalawang isip na ipakita sa maraming tao kung gaano ko sya kamahal.

Niyaya kong mag-date kami ni Finnesse. Napansin kong tahimik sya kaya nagtanong ako sa kanya.

"May iniisip lang"tiningnan ko syang nang palihim at uminit ang pisngi ko.Yan ang epekto nya sakin!!

"Ano to?" kumunot ang noo ko habang tinuturo ang mga bilog-bilog na nakalutang sa mainit na mantika.

"Fish balls"sagot nya.Unfamiliar.

"Fish balls?like isda?then bola?" tinawanan nya ako.Kinunutan ko sya noo.

"Hey....anong nakakatawa?"pasalamat ka mahal kita kung hindi....

"Wala...ang mabuti pa ay tikman mo" nag-abot sya ng 10 pesos sa tindero.Nag-abot din ako pero pinigilan nya ako.Aamba syang susubuan ako pero pinigilan ko sya.Malinis ba to?

"Wait?Malinis ba yan?" napalunok ako

"Yes,,,tingnan mo..." sumubo sya ng isa at nginuya.Nag-thumbs up sya sakin.Natulala na naman ako sa ganda nya at namula.What's happening to you,Drake?!!

"Ang sarap grabe!!!Dali ikaw naman" inilapit nya sa akin ang stick.I have no choice but to open my mouth.

"Hoy!nakailan kana nyan?ang arte-arte mo kanina tapos ngayon halos maubos mo na ang tinda ni manong" tumawa sya nang malakas.What a melody!!!Ang sarap pakinggan ng tawa nya.

Hindi ko alam na may ganito palang pagkain.Mura lang at nakakabusog.

"Grabe... busog ako dun hahh!!"

"Sabi ko naman sayo diba?"yeah....thank you Finnesse.Nang dahil sayo naranasan ko to.

"Anong tawag dun sa huli nating kinain....yung may itlog ta-"hindi nya ako pinatapos sa pagtatanong.

"Kwek-kwek" at ngumiti sya sakin

"Salamat sa pagyaya,Drake...napasaya mo ako"sobrang napasaya mo rin ako Finnesse.Hindi ko pinagsisihan ang araw na nakilala kita dahil nung araw na yun nagsimulang magbago ang mundo ko.

"Napasaya mo rin ako,Fin... kaya salamat" Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa noo.I blushed.

"Sir...hinahanap ka nung kaibigan mo....Si Am-jay.... Nasa baba sir"

"Sige" Anong kailangan nun sakin?Nag-away kami dahil nalaman nya yung plano namin ni Roxanne. Its really obvious na may gusto sya kay Finnesse. Over protective sya kay Finnesse.

"Anong ginagawa mo dito"napatingin sya sakin.

" I love Finnesse "deklara nya.Boy!!!Alam ko!!

" I know"

"Alam mo?" Nagtaka sya

"Obvious na obvious pre" napangisi ako sa kanya.

"Huwag mo syang sasaktan ...binabalaan kita"

"Are you threatening me?"I smirked at him.

" Are you threaten? "Balik nya.

" Huwag mo syang saktan,mahal na mahal ko iyon"dugtong nya.

"Pumunta ka dito para lang dyan?"

Pupunta ako ng ibang bansa.Dun kay mommy.Doon ko ipagpapatuloy ang pag-aaral next year." Binalewala nya ang tanong ko.

"Hindi ko sasaktan si Finnesse. Dahil kung sasaktan ko sya,para ko na ring pinapatay ang sarili ko"

"You love her?" I saw different emotions in his eyes.Pagmamahal,sakit ,lungkot.Umiwas sya ng tingin.

"Good for her"

"Babalik ka?" I'm curious

"Yes.At sa oras na malaman ko na sinaktan mo sya...Babawiin ko sya sayo at hinding-hindi ko na papakawalan"asik nya

" Yung plano nyo ni Roxanne?"sumama ang timpla ng mukha nya.

"Hindi ko na ipagpapatuloy yun.Hindi deserve ni Finnesse na masaktan"

"Nakamove-on kana kay Roxanne?.... Baliw na baliw ka dun"

"Wala na akong nararamdaman para sa kanya.Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil sya ang naging dahilan para magkakilala at magkalapit kami ni Finnesse"

"Mahal mo si Finnesse diba? Bakit mo sya iiwan kung ganun?Bat dimo ipaglaban?"I asked him.

" Mahal ko sya pero hindi nya ako mahal.Magmumukha lang akong tanga."seryoso nyang saad

"At alam ko na ikaw ang tunay nyang mahal" sabi nya

"Pero gaya ng sinabi ko kanina,Babalik ako at babawiin ko sya sayo once na saktan mo sya"

Nagpaalam sya sakin na uuwi na sya.Nag-ring ang cellphone ko.

"Hello babe,kumusta ang panliligaw" si Roxanne. Sorry pero natauhan na ako.

"Hindi ko na itutuloy at plano Roxanne... Back-out na ako." I said with finality

"Per-" binaba ko na ang tawag.Simula ngayon....hindi ko na hahayaang saktan si Finnesse ninuman.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now