Chapter 47

0 0 0
                                    

"Bisita ako sa inyo mamaya huh!" Magkausap kami ngayon ni bes at di ko pa sya nasasabihan about sa pagkikita namin ni Am-jay.Di ko mapigilang mapangiti habang inaalala yun.Yung boses nyang puno ng concern.

"Smiley ka ata ngayon"

"Ano ngang sinabi mo kanina bes?"

"Punta ako sa inyo mamaya.Bibisitahin ko si Tita" wala akong balak na sabihin kay Alivei tungkol sa pagkikita namin mamaya.Alam kong aasarin nya lang ako.Kung bibisita sya mamaya....

"Pwede bang bukas ka nalang pumunta sa amin?" Iniwasan kong magkatitigan kami.Pinanliitan nya ako ng mata at ngumuso.

"Why?"

"H-hmmmm"

"Sige.Bukas nalang ako pupunta" humina ang boses nya.Kilala ko si Bes kaya alam kong may binabalak na naman ito.Kapag ganito sya na tahimik....may masama na tong binabalak.

_____________

Nagdress ako ngayon.Sinungaling ako kung sasabihin kong di ako excited ngayon.Nilagyan ko ng manipis na lipstick ang aking labi at nagblush-on.Tiningnan ko nang maayos ang sarili sa salamin.Minsan lang ako makapag-ayos ng ganito.Pagbaba ko ay sumalubong ang mapanuring tingin ni Mama at Mary.Ang isa naming kasambahay ay nagwawalis.Nagmartsa na ako pababa.

"Ayos na ayos Ma'am ah!"

"May date ka nak?"Sorry ma.Kailangan ko ring itago sayo to dahil siguradong magtatanong si Bes sa kanya.

"May kaibigan lang akong kikitain" Simula nang nalaman ni Mama na nandito na si Am-jay, palagi nya nalang akong kinukumusta minu-minuto.Kakaiba na rin ang paraan ng pagtingin ni Mama sakin.

"Lalaki,Ma'am?" Masyado talagang matanong si Mary,  reason kung bakit sila close ni Mama.

"Babae" sinubukan kong gawing malumanay ang pagsagot para maniwala sila.Tumango naman si Mary at pumunta na sa kusina.

"Ma,pagdumating si Bes mamaya,pakisabi na may kikitain lang ako"

"Sige,Nak...ingat"

___________

Sa isang restaurant kami nagkita.I decided na dito nalang kami magtagpo malayo sa restaurant ni Mama.Maraming mga staff na mag-uusisa sakin at makarating pa kay Mama.Isang oras ang naging biyahe ko.Ten minutes late na ako!Nagbayad na ako sa taxi driver at bumaba.Ewan ko pero kinikilig ako sa sitwasyon namin.Pakiramdam ko,para akong teenager na nakikipagkita nang palihim sa boyfriend nya.Lumingon pa ako bago pumasok sa restaurant. And then I saw Am-jay. Preskong nakaupo habang may ginagawa sa cp nya.

Mas lalo syang gumuwapo ngayon.Mas lalong nadepina ang soft feature nya.Pagkakita mo lang sa kanya di mo talaga aakalaing may asawa at anak na.Marami ring babae ang nakatingin sa kanya na balewala lang sa kanya.Huminga ako nang malalim at tinahak ang daan papunta sa table nya.Nang nakita nya ako ay lumiwanag ang itsura nya.Haisst...dati nang maliwanag ang itsura nya.

"Sorry, I'm late" nginitian nya lang ako.Sinuri ko ang buong lugar at marami pa rin ang nakatingin sa kanya..let's say,nakatitig sa kanya.

"Ok lang" umorder na kami ng foods at drinks.Pinaalalahan ko ang sarili na dapat maging pormal.Wag kang pahalata na sobra mo syang na-miss,Finnesse!

"Anong pag-uusapan natin?" Nilapag nya ang kanyang kamay sa table kaya napatingin ako dun.Halata na sobrang mahal ng suot nyang relo.Tumikhim sya kaya bumaling ako sa kanya.

"Una sa lahat,gusto kong magsorry" he said sincerely. Napatingin ako nang diretso sa magaganda nyang mata.

"Sorry?"

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now