Chapter 19

6 1 0
                                    

Am-jay P.O.V.

Gusto kong sabihin lahat sayo Fin,pero mas pipiliin kong tumahimik nalang para hindi ka masaktan.

Nag-iinit ang ulo ko sa tuwing naaalala ang nangyari kahapon.

Flashback

     Nasa corridor ako nang may narinig akong pamilyar na boses ng babae.

"So babe,kailan mo sya liligawan" maarteng saad nito sa kausap.Parang may pwersang nag-uudyok sakin para lumapit at makinig sa pag-uusap nila.

Lumapit ako at dahan-dahang nagtago sa may bandang likuran nya.Kumilid sya ng kunti at nalaman kong si Roxanne pala ito.

"Paki dalian babe,I can't wait na makita syang nasasaktan hahaha"Wait...sino ang katawagan nito?

" Wala lang trip ko lang syang paglaruan"tumingin sya sa paligid at dali-dali akong nagtago lalo na nung tumingin sya sa may banda ko.

"Diba you love me?.....so gawin mo nalang ang pinapagawa ko"

Nakaramdam ako ng awa sa taong bibiktimahin nito.Mas nag focus ako sa pakikinig.

"Naaawa?Seriously?.......Huwag ka ngang maawa sa babaeng yun!"Tumaas ang boses nya at umalingawngaw sa buong floor.Babae?babae ang biktima nila.Wala bang konsensya ang isang to.Nirerespeto ko si Roxanne dahil mahal sya ng kaibagan ko.Pero sa naririnig ko ngayon?unti-unti ng nawawala ang respeto ko sa kanya.

" Nagbabait-baitan lang iyan for sure kaya wag kang magpadala sa babaeng yan!"Ginulo nya ang kanyang buhok.

"Plastik sya okay.....plastik lang yang Finnesse Alejandro na iyan!"

Nagulat ako.Gusto ko na sanang sumugod pero pinigilan ko ang sarili para malaman ko kung sino ang kausap nito.Bakit si Finnesse pa?Bakit yung mahal ko pa?

"Okay that's good......"

"Bye,I love you Drakey baby"

END OF FLASHBACK

Finnesse P.O.V

Halos manisay na ako sa kilig dahil kausap ko ngayon si Drake at yinaya nya akong maging girlfriend !!!Hindi man pareho sa imagination ko na sa crowd nya ko yayain.....Ok parin sakin!!Nasa cloud nine na ulit ako!!

As usual,may dala syang chocolates at fresh na flowers.

"So Finnesse,payag ka na?" bumalik ako sa aking sarili nang tinanong na naman nya ako.Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa!!!

"Yes"

Ngumiti sya at niyakap ako.Heaven!!!Sya ang unang kumalas.

"I love you Drake"tumango sya

" Finnesse? "tawag nya

" Mmm"

"Pwede ba tayong magkaroon ng agreement?"Napahinto ako.Agreement?

" Anong agreement?"mahina kong tanong

"Gusto ko sanang itago ang relasyon nation.Hindi sa ikinahihiya kita....Gusto ko lang maprotektahan ka sa mga taong may galit sakin.Baka ikaw ang pagbuntongan nila ng galit."

"Sure" Ang sweet naman ng boyfriend ko......kapakanan ko parin ang iniisip nya.

"Alam kong magkaibigan kayo ni Am-jay,pero sana itago mo rin ang tungkol sa atin." Tumango ako at ngumuti syang muli.

Kanina tinanong ko sya kung bakit sila nag-away ni Am-jay pero sabi nya ay nagkaroon lang sila kunting misunderstanding.










His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now