Chapter 59

3 1 0
                                    

Natigil ang mainit naming paghahalikan nang may narinig kaming sunod-sunod na putok ng baril.Napatakip ako sa aking taenga at binalot ako ni Am-jay ng yakap.Nagsitilian ang mga bata at ang ilan sa mga tagabantay.Sumilip ako sa malapit na bintana,mga armadong lalaki na nakamask ang nakita ko sa labas.Nagtakbuhan sila at lumingalinga na parang may hinahanap.Kumalabog ang puso ko.

Hinila ako ni Am-jay pababa.Mas lalong lumakas ang tambol sa aking puso.Nakatago kami ngayon sa likod ng sofa.

"Pupuntahan ko ang mga bata" si Am-jay.Umiiyak na ngayon ang mga bata.Hinila ko ang dulo ng t-shirt ni Am-jay para pigilan sya sa pagtayo.

"Baka mapano ka...mga armado sila" hinihingal na sabi ko sa kanya.Hinawakan nya nang mahigpit ang aking kamay.Naluluha na ako sa sobrang takot.

"Babalik ako" tuluyan na syang tumayo at nagkatinginan kami.Nangungusap ang mga mata.May dinukot sya sa kanyang pantalon at napanganga ako.

Baril.May dala syang baril!Sari-sari na ang mga tanong ko.Bakit may dala syang baril?May bumaril sa direksyon namin kaya napaupo sya.Tumayo din sya at pinutukan din ito ng baril.Sumilip ako at nakitang duguan at mukhang patay na ang isang armadong lalaki.Kinalabit ako ni Am-jay at nilingon ko sya.Hinalikan nya ako sa noo.

"Huwag kang aalis dito,Fin.At huwag ka naring sumilip at baka may makakita sayo dito,pupuntahan ko na sina sister.Babalik ako" tumayo na sya at tuluyan na syang nakalayo.Dinig ko parin ang tilian ng mga bata at pagmamakaawa ni Sister.Marami sila at si Am-jay lang mag-isa ang lumalaban.Saka ko lang naalala na may dala pala akong cp.Kinuha ko ito habang nangiginig.Nagdadalawang isip pa ako kung tatawagan ko si Mama.Sa huli ay tinawagan ko si Wil.Napayuko ako nang makarinig uli ako ng mga putok.Gusto kong pumunta doon pero inaalala ko ang paalala ni Am-jay sa akin.

"WILTULUNGANMOKAMI" mahina lang ang pagkakasabi ko at alam kung hindi nya ako naintindihan.

"What,Fin?"

"Tulungan mo k-kami,Wil"nanginginig na ako.
Magsasalita na sana ako nang biglang nagshut down ang cp ko.Malas namn oh!Ngayon pa talaga!Paano na yan?Hindi ko nasabi sa kanya kung nasaaan kami?Sunod-sunod na ang putok ng baril na mas nagpakaba sa akin.Nasabunutan ko ang aking sarili.Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito! Dapat may gawin ako.Nilakasan ko ang aking loob.Sorry Am-jay pero hindi ko kayang maghintay lang dito,gusto kong tumulong.

Gumapang ako papunta sa isang sofa para doon uli magtago.May isang lalaki na nakatayo sa may pintuan,malalaki ang dala nitong baril at siguradong mabigat yun.Luminga-linga ito sa paligid kaya muli akong nagtago.Hinabol ko ang aking paghinga.Kailangan kong malusutan ang isang to para.Wala akong plano,ang gusto ko lang ay may gawin ako.May kausap na ngayon ang lalaki kaya dahan-dahan akong gumapang at sinikap na hindi makagawa ng ingay.Tumutulo na ang pawis ko sa sobrang kaba.Nagpunas ako sandali.Nagpatuloy ako sa paggapang.

" Atching!!"nanlaki ang mga mata ko habang takip ang aking bibig.Lumingon ang dalawang lalaki sa akin at pinatayo nila ako.Hindi ko kita ang mga mukha nila.Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero ayaw makisama ng bibig ko.Nagkatinginan sila at nag-usap.Ibang lenggwahe ang gamit nila.Spanish. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.May naririnig pa rin akong putok ng baril.

"Huwag..." Piglas ko.Tinalian nila ang mga kamay ko.Sinampal ako ng isang sa kanila.Pwersahan nila akong tinali sa isang upuan.Dinuraan ko sila kaya sinuntok nila ako nang ilang beses.Nanghihina na ang katawan ko.Umalis silang dalawa at hinayaan akong nakatali doon.Batid kung duguan na ako pero pinapatatag ko lang ang sarili ko.Tumigil na ang putukan kaya minulat ko ang aking mga mata.Karga ng isang armadong lalaki si Miracle.Malabo na ang paningin ko pero kitang-kita ko ang pagkidnap nila kay Miracle.Sabay silang naglaho.Nakarinig ako ng mga iyak ng mga bata kaya napabaling ako sa kanila.Nakakalakad sila pero may tape ang mga bibig nila at nakatali ang kanilang mga kamay.Gulong-gulo ang buhok ni Sister at umiiyak.Hinanap ko si Am-jay. Nabunutan ako ng tinik sa bibig ng makita sya.Marami syang sugat, lalong lalo na sa braso.Naging kulay pula ang puti nyang t-shirt.Ika ika syang lumapit sa akin at kinalagan ako.

"Sh*t,Fin!" Nakalas na ang tali sa mga kamay ko kaya kinalagan nya na naman ako sa paa.Tinanggal nya ang tape sa bunganga ko.
Naaawa ako sa kalagayan ni Am-jay ngayon.Patuloy ang pag-agos ng kanyang dugo.

"Ok ka lang?" Ako parin ang inaalala nya.Dumating ang mga police at sinundan naman yun ng pagdating ng isang ambulance.Sinakay si Am-jay sa ambulasya at nag-iimbestiga na ang mga pulis.Wala sa sarili si Sister kaya hindi ito makausap ng maayos.

Si Miracle!Kinidnap nila si Miracle!Ininterview ako ng isang pulis.

"Kilala nyo ba ang mga yun?" May dala itong maliit na notebook at ballpen.Tanging iling lang ang naisagot ko.

"Nakita mo bang may kinuha sila?Ninakaw?"

"Kinidnap nila si Miracle!" Nagsulat sya sa kanyang notebook.

"Bata?Ilang taon?"

"Baby pa sya!" Tumango at umalis na.May mga First Aider na nag-aassist sa amin.Inaasikaso na si Sister na tulala pa rin.Ginagamot na ang mga sugat ko sa mukha.

"Fin!"

"Anak!"

"Bes!"

Nasa tapat ko na si Mama,Wil,at bes.

"Anong nangyari,Anak?!Nasaktan ka ba?" Sinuri ako ni Mama mula ulo hanggang paa.

"Bes,kilala mo ba ang mga yun?"

"H-hindi bes"

"Don't worry,Fin.Kumikilos na ang mga pulis ngayon.Naghire narin ako ng isang private investigator"

"Kinidnap nila si Miracle"

"Ano?!" Sabay si Mama at Alivei.Nag taas-baba ang dibdib ni Mama.

"Upo ka muna,Ma"

"Si Am-jay,Anak?" naalala ko naman ang duguan nyang itsura.Kailangan ko pa syang sundan sa hospital.

"Duguan si Am-jay mama"

"Diyos ko!"

"M-miracle....." Napabaling kami kay  sister.Nilapitan namin sya at dinaluhan.

"A-am-jay..."

"Nagpapagaling na po si Am-jay ngayon,Sister" nasa malayo ang tingin nito.

Pinatulog na ang mga bata.Umalis na kami.Dumiretso ako sa hospital kung saan dinala si Am-jay. Nakausap ko ang doktor at sinabing kailangan lang ng pahinga ni Am-jay. Naging controversial ang nangyari sa bahay-ampunan.Dalawang araw na ang nagdaan at patuloy parin sa pagpapagaling si Am-jay.

His Sweet EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon