chapter 12

6 3 0
                                    

Sabay kaming pumasok ni Alivei at salamat sa diyos at hindi kami na-late.Pano ba naman kasi?Walang sasakyan na dumadaan mabuti nalang at napakiusapan namin ang kapit-bahay na may motor.Tulog pa naman sila ng katokin namin ang gate nila.

Ilang minuto nalang, magsisimula na ang first subject.Habang nagmumuni sa loob ng classroom nakita ko sa labas si Drake at Roxanne na seryosong nag-uusap.Kung ano man ang pinag-uusapan ng dalawa pwes wala akong alam.Napansin kong nakatingin si Drake sa akin.Assumera na kung assumera pero feel ko na ako ang pinag-uusapan ng dalawa.Biglang hinawakan ni Drake ang kamay ni Roxanne at tinabig naman ito ni Roxanne.

L.Q. siguro

Pumasok si Roxanne at iniwan si Drake na nasa labas.Makalipas ng ilang segundo pumasok na rin si Drake at may pagkakataon na nakikita ko syang nakatingin sa akin.

Probla nun?
May biglang umakbay sa akin.Kitang-kita ang mapuputi at pantay na ngipin ni Am-jay dahil sa laki ng ngisi nya sa akin.

"Good morning ,beautiful" sabay tapik sa ulo ko.Ano ako bata?
"Good Morning....Sabi ng mga kaklase natin wala daw yung subject teacher ngayong first period...totoo? " Sya kasi ang classroom president namin kaya sa kanya na ako nagtanong para sure.

"Oo.....nag text si ma'am kanina lang at nag-chat narin sya sa gc" sagot nya.Wala nga naman akong touchscreen na cellphone kaya wala akong kaalam-alam sa mga gc gc nayan.Napansin nya naman na parang nalilito ako kaya tinananong nya ako kung ano ang problema

"Sorry pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng gc.Wala kasi akong touchscreen na cellphone eh.Sorry" Natigilan sya sa sinabi ko at bigla syang tumawa nang malakas.As in super lakas.Sumimangot ako sa kanya.

"Porket di ko alam ang gc.....pagtatawanan mo na ako ng ganyan..asan ang hudtiya pre"

Huminga muna sya ng malalim at saglit na tumigil sa kakatawa.Tiningnan nya ako at bigla nanaman syang tumawa ng malakas.Ano ba kasi ang gc? naman oh!!!

"Hoy....tumigil ka nga dyan" natatawang saway ko sa kanya sabay palo sa kanyang braso.Yummmmm ang tigas.

"Hindi naman kita pinagtatawan dahil sa hindi mo alam ang gc eh.Alam mo kung ano ang nakakatawa?"

"ano?"

"yung expression ng mukha mo kanina hahahah .....epic"nagtaka ako.Baliw ata to eh.Sinimangutan ko na naman sya.

" Eto na,,,hindi na ako tatawa"sabay action nya na zinizipper ang bibig nya.Bakit ang gwapo ng nilalang nato?Eh kasi kahit anong ginagawa nya palagi parin syang nakakaakit tingnan.

"Alam mo ...sabihin mo lang kung may pagnanasa ka sakin...hindi yung titigan mo lang ang mala Adonis kong mukha" haler!!!!pagnanasa?sino?ako?Inirapan ko nalang sya.

"Sabay tayong kumain ng lunch mamaya" Nabigla ako nang may nagsalita sa likuran ko.Sabay naming hinarap ni Am-jay ang pinagmulan ng mala-anghel na tinig.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now