Chapter 57

2 0 0
                                    

"Sigurado ka ba talaga,Fin." Tanong ni Am-jay.Hindi parin sya makapaniwala na pumayag ako na dadalo kami sa debut ng kapatid ni Trixie.

"Paulit-ulit?"
Kinamot nya ang kanyang ulo.Nakatuxedo sya ngayon at napakagwapo nya talaga.Mas lalong nakadagdag ang hairstyle nya. Ako na ang humila sa kanya dahil wala atang balak na gumalaw to.

Maganda ang celebration.Nakaupo kami ni Am-jay ngayon habang hinahanda ko ang cp ko para kuhanan sya ng pictures.Puro bigating celebrities ang nandito,may mga foreigners na mayayaman,at may mga magaganda ding model.Palihim kong kinuhanan si Trixie habang nags-speech ito.Kulay pula ang gown nito at litaw na litaw ang kanyang ganda.Pinatong ko sa aking tuhod ang cp ko.Isa na ang stolen picture na nakuha ko.Napabuntong hininga ako.Pinagpawisan talaga ako nang husto.Nakanganga sya sa picture pero maganda parin naman sya.

Sampu na ang nakuha ko at sinend ko kay Alivei lahat.Para narin maerase ko na ito!Nagpasalamat si Bes sakin.Natapos na ang mahabang speech ni Trixie kaya tumayo na ang nagpakilalang Mr.Mendoza.May pinagmanahan rin naman pala ang magkapatid.Sa tatay nila namana ang asul nilang mga mata.Nagpapalakpakan kami matapos nyang ipasa ang microphone sa mama  ng magkapatid.Color brown ang mga mata nya at maganda rin ito.Ipinakita sa big screen ang mga litrato ni Rixie.Naging emosyonal ang pamilya.Nagpasalamat si Rixie at pasimple ko syang kinuhanan ng tatlong shots.Nagsimula na ang sayawan.Nagpaalam si Am-jay sakin dahil babatiin nya si Rixie.Hindi ko magawang mag enjoy dahil nakita kong nag-uusap si Trixie at Am-jay.Nanliit ang mga mata ko nang tinampal nya ang braso ni Am-jay. At kung hindi ako namamalikmata,nakita kung pinisil nya pa yun.Di ko marinig kung ano ang pinag-uusapan nila dahil may kalayuan ang distansya namin.Ilang minuto bago nagtagpo ang mga mata namin.Kumaway sya sakin at sinenyasan akong lumapit sa kanila.May kausap na isang businessman si Am-jay.

"Mabuti at nakapunta ka,Finnesse!Akala ko di ka papayagan ng mommy mo!" Kusang tumaas ang kaliwang kilay ko.Anong akala nya sakin?May curfew.Di ko talaga gusto ang mga pananalita nya.May mga napapadaan na model kaya binabati nya ito.Nakatayo lang ako sa kanila na parang tanga.Busy sya sa pakikipag-usap sa kapwa nya model.

"By the way,this is Finnesse Alejandro my friend" kailan ko sya naging friend,aber?

"Finnesse,this is Dhumbvie" sincere na ngumiti ang modelo kaya sinuklian ko rin sya.Kakaiba ang kulay ng mata nya.Green.Bumagay ang gown na color green sa kanya.

"You're so pretty Finnesse" nahiya ako ng kaunti.Tumawa ng mahina si Trixie.

Nagpaalam na ang modelo dahil hinahanap pa nya ang kanyang boyfriend. Kaming dalawa nalang ni Trixie ngayon.

"Maiwan muna kita dito huh!May kakausapin lang ako" hindi pa ako nakakasagot nang tinalikuran nya na ako.Napabuga nalang ako ng hangin at hinanap na si Am-jay.

Kanina pa ako naghahanap pero hindi ko parin makita ang boyfriend ko.Nagtanong na rin ako sa kausap nyang businessman man kanina pero di daw nya napansin.Kanina pa nagvivibrate ang cp ko pero di ko pinapansin dahil busy ako kakahanap kay Am-jay.Nasaan na kaya yun?Sumasakit na ang mga paa ko kakalakad.Nandidito lang yun sigurado.

Tinahak ko ang isang lugar kung saan tahimik at wala ni isang tao.My swimming pool sa gitna.Maraming magagandang bulaklak ang nakapalagid dito.Wala namang tao dito,eh tahimik.Tatalikod na sana ako nang may narinig akong dalawang tao na nag-uusap.Pamilyar ang boses ng babae.Kinabahan ako sa di malamang dahilan.Nilapitan ko sila at nagtago sa isang halaman.Si Trixie lang pala.Nakatalikod sakin ang kausap nyang lalaki.Salita ng salita si Trixie pero tahimik parin ang lalaki.Pamilyar ang likod ng lalaki.Ang ayos buhok nya.

"Salamat at nakipagkita ka sakin dito!Ang ingay doon eh,mas maganda dito....tahimik"

"Anong pag-uusap-" Boses ni Am-jay ang nagpalandas ng mga luha ko.Umiiyak na naman ako!Pinatigil nya sa pagsasalita si Am-jay sa pamamagitan ng paghalik sa Boyfriend ko.Nasasaktan ako sa nakikita ko.Hindi man lang nya tinulak si Trixie.Nakatayo lamang ito at hinahayaan nyang halikan ng ibang babae.Narinig nilang dalawa ang iyak ko kaya parehong gulat ang ekspresyon nila.Namumula pa ang labi ni Am-jay at bakas ang lipstick doon.Blurred na ang paningin ko dahil sa luha.

"F-fin?" Si Am-jay. Sandali syang natulala bago ako nilapitan.Sinampal ko sya.Galit na galit ako sa kanya!

"L-let me explain..." Nakakatawa talaga.Di ako makapaniwala na mangyayari sa buhay ko ang mga nababasa ko sa libro.Di ako makapaniwalang may magsasabi sakin ng"let me explain"natawa ako habang patuloy ang buhos ng aking mga luha.

"Fin" lumapit na rin ang walang hiya sakin kaya sinampal ko narin.Ang hirap ibuka ng bibig ko.Ganun parin ang reaksyon nya.Gulat.

"Masaya ka na?" Binaba nya ang kanyang tingin.Masaya ka na baka na makita akong nasasaktan dahil nakuha mo na ang boyfriend ko.

"F-fin" sinigawan ko na si Am-jay.Wala na akong pake kahit umiiyak na rin sya.

"Walang kasalanan si Am-jay,Fin.Pinili-" sinampal ko ulit sya.Mas lalong namula ang pisngi nya.Mukhang nasarapan nga si Am-jay sakin halik mo eh!Di nanlaban!Ginusto nya rin!Isang tabo na ata ang iniyak ko.Napakawalanghiya nila!Dito pa talaga sila nagkita!Ako lang pala ang pinapaikot nila!

"F-fin.Umuwi na tayo.Pagod ka na ba?" mapait akong tumawa.

"Uuwi na ako"

"Ihahatid na kita" gabi na pero may masasakyan pa naman siguro ako.Maghahanap nalang ako.Di ko maatim na sumabay sa kanya.

"Wag na.Baka maabala pa kita.Baka maabala ko pa kayo"gusto kong maawa sa kanya ngayon.Gusto kong bumigay dahil sa paghihirap na nakikita ko sa itsura nya,pero hindi pwede.Kailangan ko syang tiisin.Kailangan ko ng panahon at pahinga bago gumaling to.

"U-uwi na tayo,Fin" umiling ako.Problemadong problemado na sya.Kinuha ko ang aking cp at nakita ko ang tadtad na messages ni Wil sakin.Tinawagan ko sya sa harap ng dalawa.Kailangan ko ng makalayo sa lugar na to.

"Fin!Napatawag ka!"

"Wil"bulong ko.Naging matigas ang awra ni Am-jay habang pinapakinggan akong kausap si Wil.Pinunasan ko ang luha na muling bumagsak sa mga pisngi ko.

" Pwede mo ba akong sunduin ngayon?"sinabi ko narin sa kanya ang address.

"Hindi ka sasama sa kanya" puno ng awtoridad ang boses nya.Hindi ako nagpatinag.

"Bakit ba nangegealam ka?" Kumurap ako ng dalawang beses.

"May pakealam ako kase girlfriend kita"

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now