Chapter 23

4 2 0
                                    

"Am-jay" dahan-dahan ko syang inalog.Namungay ang mata nya nang nakita ako.

"Fin?"

"Oo..dinalaw kita kasi nag-aalala ako sayo.Hindi ko alam kung saan ka nags-stay kaya nagtanong ako kay drake at hinatid nya ako.Hindi na sya sumamang pumasok....Siguro busy." Nakitaan ko ng sakit sa mga mata ni Am-jay.

"May masakit ba sayo?At ang daming bote ng alak...ikaw lang ba isa ang umubos nun?"I asked him.

"So nagtanung ka kay Drake?"at doon ko lang naalala na hindi nya pa alam ang tungkol sa amin ni Drake.Nakaramdam ako ng guilt dahil nagsekreto ako sa kanya.I'm sure na magtatampo sya sakin.Kahit ako...kung nagsekreto ang kaibigan ko,I'm sure na magtatampo ako sa kanya.Kaya kung ano man ang sabihin ni Am-jay sa akin,tatanggapin ko.

" K-kami na ni Drake.Sorry kung ngayon mo la-"

"Alam ko "

"Anong alam mo?Na kami na ni Drake...Sinong nagsabi sayo?" nagulat ako.Wala naman akong ibang  pinagsabihan.Kahit nga sa best friend ko...sinekreto ko rin.( One hundred percent magtatampo yun sa akin)

"Matagal ko nang alam.Simula noong palagi syang pumupunta sa bahay nyo" Another revelation!! pano nangyari yun?Nag-hire sya ng investigator?? Impossible!!Stalker ko sya?Admirer?Wow...Assuming itech!!

"Papaano?" mas lalong humina ang boses ko.The sadness in his eyes are still visible.

"Palagi kitang sinusundan lalo na nung nalaman ko na umaaligid si Drake sayo" Natahimik ako sa explanation nya.So palagi nya akong sinusundan?

"Sorry if I'm making you uncomfortable... pero yun ang totoo Fin"

"Mmmm...sorry parin kasi nilihim ko ito sa inyo ni Alivei.Natatakot lang ako sa magiging reaction mo.Sorry Am-jay."

"Wala na akong magagawa.It's your choice anyway" tumahimik ang paligid.Hinawakan nya ang kanyang sintido.Nahihilo?

"Isa pa,bakit ka umiinom..may problema ba?Family?Or what?"

"Pinapapunta ako ni Mama doon.Gusto nya na doon ko nalang ipagpagpatuloy ang pag-aaral.Hindi ko sya mahindian.

" Kaya ka pala umiinom.Bakit?ayaw mo ba doon?"

"Hindi sa ayaw ko in fact,gusto ko nga para magkasama narin kami ni mama"

"Eh yun naman pala eh.Bakit ayaw mong pumunta doon?"

"Alam ko kasing hindi ako magiging komportable doon kung hindi ko pa masasabi ang nararamdaman ko sa babaeng mahal ko" ang swerte naman ng girl na iyan.May isang Am-jay na nagmamahal sa kanya.

"Ang swerte naman ng babae nayan!"

"Pero hindi nya ako mahal"

"Nag-confess kaba or something?"

"Useless lang naman...may mahal na syang iba"

"Papaano mo naman nasabi?nag-usap na ba kayo then nagkwento sya ng may boyfriend na sya ganon?"usisa ko.

"Hindi.Nakikita ko lang ang kislap ng mga mata nya every time na magkasama sila" Nabigla ako nang pumula ang mata nya.

"Kung saan sya sasaya doon ako" grabe naawa na ako sa kaibigan ko.Sino ba naman kasi ang masuwerteng babaeng iyan.Sa panahon ngayon,mahirap ng makakita ng ganitong lalaki.

"Anong pangalan nya,Am-jay" Tumingin sya sakin ng diretso(namumula parin ang mga mata nya)Hindi ko yata kayang makita syang umiiyak.

"Finnesse" hindi ko alam pero may something sa tingin ni Am-jay sa akin.So magkapangalan kami ng babae?

"Finnesse....... Finnesse Alejandro" What!!!!??Am I dreaming??!!!

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now