Chapter 28

3 2 0
                                    

Napatingin ako banda kay Am-jay at sa magandang babae na kausap niya.Napangiti ang babae sa sinabi sa kanya ni Am-jay.Sinapo ko ang dibdib ko......Hindi ko maipagkakaila na nasasaktan ako sa nakikita ko.At galit ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko ito.Gusto ko silang lapitan pero pinipigilan ko ang sarili ko.Magkatabi kami ni Drake pero ang atensyon ko ay nakay Am-jay.

"Fin??" si Drake.Medyo naguilty ako dahil kanina ko pa sya hindi pinapansin.Binaling ko sa kanya ang atensyon ko.Salita sya nang salita.

"Drake......"

"M-mmmm sorry....medyo masama kasi ang pakiramdam ko" binalik  ang tingin kina Am-jay. Sinundan yun ni Drake kaya naalerto ako.

"Mmmm ano nga palang sinabi mo?namungay ang mga mata nya at umiwas ng tingin.

" Wag nalang,Hindi naman yun ganun ka-importante"

"Sure ka ?"

"Yeah"

"G-girlfriend nya?"naging tunog malungkot yon.Nalaman nya naman kung sino ang tinutukoy ko.

" Hindi ko alam,hindi sya nagsasabi sa akin,.....B-bakit?"tunog malungkot narin.Nakita ko ang lungkot sa mga mata ang boyfriend ko pero nawala din kaagad.Ano nalang iisipin nito??Na boyfriend ko sya tapos interesado pa ako sa ibang lalaki?Baka isipin nya na hindi ko sya mahal?

"Wala....nagtataka lang kasi ako at medyo naninibago na rin.Kung g-girlfriend niya nga iyan....magiging masaya ako sa kaibigan ko." He sighed. Nagngitian kami sa isat-isa.Kinurot nya ang pisngi ko.

"Awww" nag-pout ako sa kanya at tumawa lang sya.Ayaw pa rin nyang tumigil kahit todo angal ko na.

"Ang cute mo kasi..."

"Ang sakit na ng pisngi ko" halos maiyak na ako.

"Sige time out muna.....mamaya nalang"

"May mamaya pa?" Nilakihan ko sya ng mata at nginitian lang ako ng nakakaloko.May narinig akong dabog kaya hinanap ko kung saan galing.Mabilis na umalis si Am-jay.

"Anong nangyari dun?" Tanong ko kay Drake

"Na-high blood"

"Huh"

"May high blood yun....Inatake" tumawa tawa pa sya

"Huwag ka ngang magbiro....."

"Totoo"hinayaan ko nalang sya na ngiting-ngiti.

Dumating na si Ma'am at kasunod nitong pumasok so Am-jay. Napahinga ako nang maluwag.

Habang nagsusulat ay nahulog ang ballpen ko.Yumuko ako para abutin pero hindi parin kaya.Nasa may sapatos ni Roxanne ang ballpen ko.

" Roxanne.....pakikikuha ng ballpen ko please.... Hindi ko maabot"kinalabit ko sya at tumingin sya sakin nang nakataas ang isang kilay.

"Tiningnan nya ako nang nakakaloko tapos sa ballpen ko na nasa baba nya.

" Ballpen mo?"tumango ako sa kanya

"Hindi ko kasi maabot eh" medyo nangangalay na nga ako eh.Yumuko sya.Akala ko ay kukunin nya ang ballpen pero sinipaan nya lang ito.

"Hala sorry!!hindi ko sinasadya...nasipa ko tuloy" hindi tunog sincere ang pagkakasabi nya.Tumayo nalang ako at pinulot ang ballpen.


"Sis....may something naba sa inyo ni Prince Drake?" Na-shock ako kasi biglang lumapit sakin si Ricky.Tsismis na naman!!

"Pano mo naman nasabi" Naalala ko yung agreement namin.Bawal pa ipagkalat ang relasyon namin.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now