Chapter 16

6 2 0
                                    

Am-jay P.O.V.

She's beautiful. Unang kita ko palang sa kanya nagkaroon na ako ng kunting attraction towards her.Sa restaurant ang una naming pagkikita hindi ko lang alam kong naaalala nya pa ako.Simple yet beautiful. Yan ang una ko kong description sa kanya.Hindi sya tulad ng ibang mga babae na grabe ang arte sa mukha.Masaya din syang kasama at kausap.

Nang nalaman ko na palagi syang nilalapitan ni Drake ay nagkaroon ako ng doubt sa pakikilos ng kaibigan ko.As far as I know,hindi palakaibigan si Drake lalong-lalo na sa mga babae.Except kay Roxanne.Matagal na nililigawan ni Drake si Roxanne at alam yan ng maraming estudyante.

Kahit hindi sabihin ni Fin sakin ang tungkol sa kanila ni Drake...alam ko.Alam ko na bumibisita sya sa bahay nila na may dalang bulaklak at chocolates itago man ni Fin yun.Alam ko na may pagtingin na si Fin sa aking kaibigan dahil palagi ko syang nakikita na nakatitig sa kanya.

Ang sakit dahil sa dalawang dahilan.Una,hindi sya nagsasabi sa akin tungkol sa kanila.Hindi ko naman sya pagbabawalan gaya ng ginawa ko noong una.Gagalangin ko kung ano ang desisyon nya.Sino ba naman ako para diktahan sya?At pangalawa kung bakit nasasaktan ako is that because I love her.Hindi ko alam kung kailan nagsimula.Nagising nalang ako na mahal ko na sya.

Wala akong ibang choice kundi ang maghintay kung kailan sya mago-open up sakin.Close friend ang turing nya sakin at yun ang pinakamasakit.Na hanggang kaibigan lang ang turing nya sakin.

Bawat performance ko every time na magpe-perform ang banda sa school,sa kanya ko inaalay kahit sa iba nakatingin ang mga mata nya.Bakla na kung bakla pero may mga  times na tumutulo ang mga luha ko habang nags-strum ng guitar.

Natatakot akong magtapat sa kanya dahil baka masira ang pagkakaibigan naming dahil dun.Malabo din naman na magustuhan nya ako dahil may iba na syang gusto.

His Sweet EmbraceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora