Chapter 51

0 0 0
                                    

________ KINABUKASAN _________

Hinalikan ako ni Am-jay sa pisngi.Inakala ko na hahalikan nya ako sa labi kaya ngumuso ako.

"Bye,Am-jay" walang gana kong sabi.

"Bye,Fin" humarurot paalis ang sasakyan.Napaaga ang dating ko sa school ngayon...may halos isa pa kong oras bago magstart ang klase.Sa biyahe,pinag-usapan namin si Drek,my student.Nagtanong ako noon kay Am-jay kung kaano-ano nya si Drek.At kung bakit ito tinawag na papa.Ninong nya pala ang BOYFRIEND ko.Patay na ang parents nito dahil sa car accident at sa Lola nya lang ito tumitira.Naaawa ako kay Drek.At ang Mommy na kinikilala nito ay Bestfriend ng mommy nya.Ito ang palaging sumusundo kay Drake.Kaya pala absent si Drek nung may Family day na cinelebrate ng eskwelahan.Nakakalungkot isipin na sa mura nyang edad,nawala ang parents nya.


"Drek,bat di ka sumama sa mga classmates mo na magplay?" Playtime nila ngayon kaya nagtaka ako nang makita si Drek na nasa sulok lang,pinagmamasdan ang mga classmates nya na naglalaro.Ngayon lang sya naging ganito kaya nagtaka talaga ako.Di sya sumagot sakin kaya tinanong ko uli.

"Play tayo,Drek!" Ako na ang nagyaya sa kanya.Biglang tumulo ang mga luha nya kaya nabigla talaga ako.

"Anong problem,Drek?" Kinusot nito ang mata.Tumutulo na ang kanyang sip-on.Pinunasan ko yun by the use of my towel.









"Ang lalim ng iniisip mo,Bes"Kinuwento ko sa kanya ang talambuhay ni Drek.

"Nakakaawa naman pala yun!Minsan ko na syang nakikitang tumatakbo sa field.Napakagwapo ng batang yun!Kung pwede ko lang syang ibalot sa sako iuwi at...ginawa ko na!"

"Sa tingin mo,bakit kaya sya ganun kanina.Palagi naman syang nakangiti,ngayon ko lang talaga sya nakitang ganun umiyak"

"Baka wala syang baon"

"Errr!Impossible.Mas malaki pa siguro ang allowance nun kaysa sakin"

"Or baka naiwan ang baon?"

"Wala nabang iba?"

"Napagalitan" Posible.Pero iba talaga!Alam ko dahil naranasan ko na ring mawalan ng magulang.Yung ganung klaseng iyak,tahimik pero malalim.Naaalala ko pa nga nung bata pa ako na kapag death anniversary ng parents ko,magtatalukbong lang ako at tahimik na iiyak.Natatan-

"Pwede ring Death anniversary ng parents nya kaya ganun ang estudyante mo" tumpak!

"Oo nga" tinawagan ko si Am-jay.Concern talaga ako kay Drek,gusto ko syang icomfort pero papaano?Sinagot nya ang tawag.

"Miss me,Fin?" Kahit papaano ay napangiti ako.

"Asa!"

"Kunwari ka pa!Bat ka pala napatawag....aside sa nami-miss mo ako"

"May itatanong lang sana ako"

"Go on"

"Si Drek kase,nakita ko syang umiiyak kanina.Playtime nila pero di sya naglalaro.Tinanong ko syang pero di sumasagot.Nag-aalala ako,Am-jay"

"Death Anniversary ng magulang nya,Fin"

"Anong pwede nating gawin para sumaya sya?"

"Ganito nalang,ipapaalam ko sya sa mommy at Lola nya.Ipapasyal natin sya sa bahay nyo mamaya"

"Gumana ba yan?"

"Wala ka bang tiwala sa BOYFRIEND mo?" Diniinan nya talaga ang salitang boyfriend.Sinusubukan ako ng sang to ah!

"May tiwala ako sa BOYFRIEND ko"

His Sweet EmbraceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon