chapter 9

9 6 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay....dumiretso ako sa kusina at nakita kong hindi pa nakakaluto si Tita ng hapunan.Nagsaing ako at umakyat ako sa taas para makita si tita at nandoon pala sya sa kanyang kwarto nagpapahinga.Isa nga pala janitress si Tita sa isang sikat na kompanya since nasa elementarya palang ako..Nagbihis ako ng pambahay at bumaba para tingnan ang sinaing.

Habang hinihintay na maluto yun...kinuha ko ang notebook ko at nag study sa itinake note ko kanina sa mapeh time.Magkakaroon pa naman kami ng 100 items quiz bukas.Bumaba sa hagdan si Tita at bahagyang nagulat sa presinsya ko.

"Aga nyo naman atang nag dismiss....sayang hindi ako nakapag handa ang snacks mo"

"Ahhh....nakapagluto na po ako...."

"Ehh sige at mukhang busy karin dyan"

Nakapaghapunan na kaming dalawa ni Tita at dumiretso na ako sa taas.At tuluyan na akong nilamon ng antok habang binabasa ang notes ko.Nagising ako ng madaling araw at doon ko pinagpatuloy ang pay study.

Sabi kasi nila mas pumapasok sa utak ang minimemorize kapag madaling araw.At agree din naman ako dahil naging gawain ko yan dati.

Hindi kami sabay ni Roxanne ngayon dahil baka matatagalan daw sya ngayon kasi may pupuntahan pa sya.Nakarating ako sa school ng hindi nalalate.Dapat hindi pa 8:00 ay nasa school kana.Kapag limang beses ka nang na-late in 1month...its either masu-suspend ka or magbabayad ng penalty.

Nakita ko nanaman ang gwapong lalaki...magkasabay silang pumasok ni Roxanne.At sumunod doon. pumasok na si ma'am.Nag elect kami at naging Muse si Roxanne at prince ang kasabay nya kanina samantalang ako....auditor... ang nag nominate sa akin ay yung gwapong lalaki sa restaurant.Hindi ko memorize ang pangalan ng mga classroom officers.Ang hahaba kasi ng mga pangalan nila hahaha


Its mapeh time.Wala pa si sir may nags-study na may iba namang nagce-cellphone lang.Aware naman ako na lahat ng students sa room na ito ay matatalino kaya siguro pachill chill lang ang iba.

"Hey" Nabigla ako ng biglang may nagsalita sa kilid ko.Sya yung gwapong lalaki na nag nominate sakin.

"By the way,I'm Amorlito Jay Iswala" pakilala nya at pinakilala ko rin ang sarili ko sa kanya

"Wag mo na pala akong tawaging Amorlito ang baduy....Am-J nalang ...it sounds cool diba?"Ngumiti nalang ako sa kanya
Bahagyang natawa sa joke nya.

" Bakit mo pala ako ni-nominate kanina"

"Wala lang"tugon nya

" Anong wala lang"parang may topak ang lalaking to ah.Ang dali lang naman ng tanong ko tapos wala lang ang isasagot.tsk.tsk.kabataan.kabataan.kabataan.

"Basta"

Naputol ang conversation namin nang dumating si Sir.

His Sweet EmbraceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant