Chapter 53

0 0 0
                                    


"Pwede ba akong makinig sa pag-uusapan nyo?" Kahit ayaw ko ay may nadadala talaga ako sa perpekto nyang mukha.Lalo na ngayong inosente nyang hinihingi ang permiso ko.Buong puso akong tumango sa kanya at kumurba ang masarap nyang labi.Masarap?

"Basta behave ka lang" Sabi ko.Parang bata lang ang kausap ko.

"Yes,Ma'am!" Masyado akong natuwa sa pag-uusap namin ni Am-jay, di ko namalayang nasa harap na pala si Wil na nakapamulsa.

"Wil" kausap ko sya pero sa ibang tao tumatakbo ang isip ko.In my peripheral vision, umiigting na ang panga ng boyfriend ko.Di naman ako tanga para di malaman na nagseselos si Am-jay.Kung nakakamatay lang ang titig,kanina pa may lamay dito.Kung makatingin si Am-jay kay Wil ay parang gusto nya na itong patayin.Yung tingin na umaaapoy.Nagbabaga.

"Fin" napabaling si Wil kay Am-jay.Kumunot ang makakapal nitong kilay habang tanaw si Am-jay na nanlilisik ang mga mata.Akala ko ba magbebehave?

"Wil,bat ka pala napabisita?" Kahit papaano ay may utang na loob ako sa kanya dahil sya ang naghatid nang maayos sa amin nung gabing yun.At pinahirapan ko pa talaga sya.

"May sasabihin lang sana ako sayo" palipat-lipat ang tingin nya saming dalawa.

"Ano yun?"

"Pwede bang tayo lang muna?"

"Bat ayaw mong marinig ko ang pag-uusapan ng girlfriend ko?" May diin sa huling salita.Hinawakan ko ang matitigas nyang braso para kumalma sya.
Nanlaki ang mga mata ni Wil habang tiinitingan ang kamay kong hinahaplos ang braso ni Am-jay.

"Tss" si Am-jay. Saglit pa ay pilyo itong ngumiti sa kaharap namin.

"Kayo na?"

"Kami na...so back off" maangas na sabi ni Am-jay at hinawakan nya ang kamay ko.

"Hindi pa naman kayo kasal,may chance pa" umusbong ang galit sa sistema ko.Kung ganito lang pala sya,mabuti pa lang di ko na sya pinapasok dito.Namula nang husto si Am-jay kaya siguradong galit na galit na ito.

"Wil!Kung pumunta ka lang dito para dyan!Mabuti pang umalis ka na!"

"Gusto lang naman kita makausap"

"Tss"

"Huwag muna ngayon.Mag-usap uli tayo pag di na ganyan ang ugali mo!"

"Get out,Man" Tuluyan na itong umalis kaya nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Gago talaga"

"Ganun pala ang totoong ugali nya,malayong-malayo sa nakilala ko noon"

"Kaya nga layuan mo na ang gagong yun,Fin" hinalikan ko nalang sya sa labi.Ako ang nag initiate ng halik!Natutop ko ang aking bibig.
Pati sya ay nagulat sa biglaang halik ko.Uminit ang pisngi ko at ganun din sya.Kumurba ang labi nya kaya napatingin uli ako dun.Parang gusto ko pa ng isa.Ano ba tong nangyayari sa akin!Masyado na akong mahalay!Ramdam ko pa rin ang labi.Ramdam ko pa rin ang lambot nito.Ramdam ko parin ang init nito.Matapang kong hinarap ang mga tingin nya.Isang dangkal na lang at magdadampi na ulit ang mga labi namin.Pumikit ako.

"Ma'am,pinapasabi po ng bisita nyo kanina na congratulations" dumilat ako para tingan nang masama ang dumistorbo sa amin.It was Asley.Nairita ako kaya wala akong naintindihan sa sinabi nya.

"Congratulations nya mukha nya,gago!"

"Ano daw sabi?"

"Kinocongratulate tayo,Fin"  lintik talaga na Wil.Kung di dahil sa congratulations nya,naudlot ang hindi dapat naudlot.

His Sweet EmbraceWhere stories live. Discover now