Season 1: Episode 11

10.3K 908 619
                                    

"Tito Theo!" Swear, sa sobrang saya ko, muntik ko nang makalimutan na pinaliligiran na pala kami ng mga zombies.

I was really about to hug him out of bliss when he scowled at me. "Anak ng pucha namang bata ka! Hindi ito oras para sa reunion! Umayos ka kung ayaw mong mamatay!"

I wince.

Yeah.

Natatawa akong napakamot sa aking batok. Matapos ay itinuon ko na uli ang atensyon ko sa mga zombies. To my horror, wala na kaming malusutan! Lahat ng espasyo ay na-okupa na nila!

Tangina, heto na ba ang katapusan ko?!

Ngayon, hindi ko na alam kung ano ang dapat naming gawin. O kung may dapat pa ba kaming gawin kung hindi ang paghandaan na lang ang kamatayan namin.

"Tito Theo . . ." My body suddenly shook. Nakakainis! Ang yabang-yabang ko pa kanina tapos heto ako ngayon, malapit nang maihi sa pantalon dahil sa takot!

"Bata," Tito Theo started while giving me a choke look, he is still holding two katanas on his hands, "ready ka na bang makita si San Pedro?"

"Syempre hindi!" Lalo akong napangiwi, "Hindi ko pwedeng iwan si Orion!" Sa dismaya ay halos magwala na ako sa kinatatayuan ko.

Ngayon, pinapaligiran na kami ng mga zombies. With our backs leaning on the wall, we are trapped. Nakakainis dahil iyong hagdan na dapat ay escape option ko ay napakalayo naman sa akin.

Sino ba kasing tanga iyong lumakad nang patalikod?!

Napakamot na lang ako sa aking ulo. Ginulo-gulo ko ang gulo ko nang buhok. Dismayadong dismayado sa katangahan ko, muli kong ibinaling ang aking mga mata sa mga zombies.

Teka nga . . .

Madilim na, ah!

Hindi na dapat nila kami nakikita!

So, fake news pala iyong dilim ang kahinaan nila? Aba, lintik na 'yan!

Halos masipa ko na iyong pader dahil sa mga naisip ko. Pero natigil ako nang maibaling ko ang aking mga mata doon sa zombie na babae. Nakasuot siya ng uniporme ng CvSU at may sugat sa leeg. But what really caught my attention was the thing I saw from her face.

Bakit may liwanag sa mukha niya?

Wait, may liwanag na nangagaling sa amin ni Tito Theo?!

Confused, I turn my gaze at him.

At napatingin ako sa mga katana niya . . .

There, I saw how the light from the bus reflects towards it. That made it lit. Maliwanag ito na animo fluorescent lights ang hawak niya.

"Tito Theo! Ibaba mo 'yang mga katana mo! Lintik ka!" Halos mabatukan ko na talaga siya habang inaagaw ang mga katana sa kanyang mga kamay.

"Aba, teka! Pang-dipensa ko ito sa mga kumag na 'to!" Agaw niya pabalik sa kanyang armas.

"No!" Patuloy ako sa paghila ng isang katana mula sa kanyang mahigpit na pagkakahawak, "Kahinaan nila ang dilim! Liwanag lang galing sa ilaw ang basehan ng pag-atake nila!"

Ngunit hindi siya nagpatinag, kaya't mas nilakasan ko pa ang paghila, "At heto nagrereflect dito sa hinayupak mong mga sandata iyong ilaw kaya nila tayo inaatake!"

"Talaga?!"

Nabitawan niya iyong katana. Iyon ang dahilan kung bakit bigla kong nasaksak sa noo iyong zombie sa likuran ko. Muntik na talaga akong mapahiyaw sa takot nang makita ko kung papaanong lumandas pababa ng kanyang leeg ang dugo niya.

"Shit!" Itinulak ko siya gamit ang paa ko. Sinipa ko siya sa tiyan para mabawi iyong katanang nakatusok sa kanyang noo.

The moment when the katana disconnect on his forehead, natumba siya. Iyon ang dahilan kung bakit natumba rin iyong mga nasa likuran niya.

Domino kayo?!

Agad kong itinago sa aking likod iyong katana. Ginaya ako ni Tito Theo. Then one moment after, the approaching zombies started to stop their feet. They look around while sniffing. Para ba silang mga hayop na gutom na gutom pero hindi nila alam kung nasaan naroroon iyong pagkain nila.

"Syet! Napakatalino mo talagang bata ka!" Pinagkukutusan ako ni Tito Theo sa ulo ko. Okay lang sana kung pabiro iyon, kaso hindi! Napakasakit ng mga kutos niya! Kaunti na lang, gaganti na talaga ako.

"Let's go, Tito. We need to leave, baka maiwan tayo ng bus."

He blinked, "Buhay pa sila?"

"Opo." Then when I land my gaze on the bus, namatay na ang ilaw nito. Hudyat na nasa loob na sina Kuya Nero.

"Kailangan na nating magmadali! They are leaving at any moment! Maiiwan talaga nila tayo!"

"Ay putangina! Ano pang hinihintay mo?! Tara na!" Natataranta si Tito Theo. Tapos bigla niyang itinaas ang kanyang katana. Nagulat na lang ako nang lumapat iyon sa leeg ng zombie na nakatalikod sa harap niya. I was really about to shout in horror noong makita kong gumulong ang ulo niya papunta sa paanan ko.

"Ganoon lang ang gawin mo, pogi. Ang pag-putol lang sa ulo nila ang tanging solusyon para mapatay sila!"

Shit.

Nagkakalintikan na talaga!

This zombie apocalypse is really teaching me how to become a killer. But then again, this situation is all about to kill or to be killed. And I wll never choose the latter!

Tumango ako kay Tito Theo. Matapos ay pikit mata, itinaas ko ang katana at dinampi iyon sa leeg ng zombie na nasa harap ko. Noong muling magmulat ako ng mga mata ay lumaglag iyong ulo niya sa paa ko. Sa takot at pandidiri ay nasipa ko iyon palayo sa akin.

"Oh, tara na?! Basta ganiyan lang ang gawin mo, pugutan mo lang nang pugutan ang mga siraulong 'yan! Mga peste sila!"

Muli akong tumango kay Tito Theo. When he started to move forward with his katana being gestured in the air, I immitate him. Sa bawat pag-abante namin ay may mga zombie na natutumba. Iyong ulo nila ay paminsan-minsan ko pang naaapakan pero mabuti na lang at napapanatili ko ang aking balanse.

It was a few moments after when we started to see the bright sides of everything. Nakalapit na kami doon sa bus. At halos magwala kami sa gulat nang bigla itong umandar.

"Aba, puta kayo! Nandito pa kami!" Tito yelled. Matapos ay mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa naming pagtakbo papunta sa pintuan ng bus.

Kalampag. Suntok. Mura. Iyan ang tinanggap ng pintuan sa amin bago kami pagbuksan ni Kuya Nero.

And when he saw Tito Theo, his jaw goes slack. "Guys! Buhay si Kuya Theo!"

Nagmadali na kaming pumasok. Then Tito Theo smirked when we saw how shocked Kuya Finn and Ate Alexis are just by seeing him. Natural na aroganteng boses ang lumabas sa kanyang bibig. "Sorry. Ayaw ko pa palang mamatay. Pero 'wag kayong mag-alala, sabay-sabay naman nating makikita si San Pedro mamaya."

Sa sinabi niya ay nalaglag ang panga ko sa sahig. At one moment, I really want to just throw him off the bus and leave him alone!

Siraulo talaga!

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon