Season 1: Episode 14

9.1K 795 408
                                    

"Here." Inabot ko kay Venice iyong catfood. She gladly accept it habang si Orion ay sarap na sarap pa ring nakahiga sa mga hita niya.

Siraulo talagang pusa 'to. Parang hindi na ako kilala. Walang utang na loob.

"Babalik na muna ako doon, ha?" I told Venice.

Baka kasi ma-issue na naman tayo ni Tito Theo. Mahirap na.

Tumango lang siya sa akin. Matapos ay itinuon niyang muli ang pansin kay Orion. Pinili ko na lang na iwan silang dalawa.

Noong makabalik na akong muli kina Tito Theo ay ngising-ngisi sa akin ang gurang. Ang sarap batukan.

"Mukha kang timang." I wince. Totoo naman kasi. Para siyang tangang ngising-ngisi ngayon.

Naiiling lang siyang tumawa sa akin. Matapos ay ibinaling na niyang muli ang tingin doon sa harap ng bus. "Malapit na silang maubos, maghanda ka na."

"Ako lang po?"

"Hindi, kasama iyong driver." He gave me a poker face, "Bangag ka ba? Siyempre, ikaw lang."

"Po? Bakit po ako lang?"

"Para maka-score ka na agad doon sa batang babae." He is wiggling his thick eyebrows. Gusto ko na lang talaga siyang saktan!

"Hindi ka po talaga maayos kausap." Tumaltak pa muna ako at muling ibinaling ang tingin sa harap ng bus.

True to Tito Theo's words, nauubos na nga ang mga zombies. Sa bilis siguro ng itinakbo ni Manong Driver ay hindi na namin namalayan na malapit na kami sa dulo ng Trece Martirez.

"Okay," Kuya Nero stood up. "Be ready. Lahat tayong lalaki ang lalabas mamaya except kay Manong Driver."

But Manong cut him off. "Sasama na ako, hijo. Maalam ako sa pag-ayos ng mga gulong. Mabilis ako doon. Sasama na lang ako para maging mabilis na rin ang pag-abante natin."

"Right." Kuya Nero nodded then point his gaze to our front again. "Mahigit sampung zombies na lang ang natitira ngayon. We should be ready dahil the moment na wala nang zombie ang nasa paligid natin, lalabas na tayo."

***

Sa tantiya ko ay mahigit sampung minuto ang itinagal noong mga zombie na iyon para makalagpas dito sa bus. Sinundan pa talaga namin sila mula dito sa loob. Sa bagal talaga nila ay para silang mga matatanda kung lumakad. Kung hindi man, para silang mga lasing.

"Tara na." Kuya Nero mumbled noong makabalik na kaming mga lalaki sa unahan ng bus.

Tumango kami sa kanya. Isang beses pa muna naming chi-neck ang paligid bago namin napagpasiyahan na tuluyan nang lumabas.

It was really dark when the door started to open. Hindi kagaya ng dati, iba na ang pakiramdam ng dilim na ito. Sa nangyayari ngayon, napaparanoid ako. Feeling ko, sa likod mg kadiliman na bumabalot sa labas ay may mga infected na nagtatago. Naghihintay para kami ay patayin.

Noong lahat kami ay nasa labas na, pinangunahan kami ni Manong Driver. Iyong gulong sa labas ang inuna niya. Mula doon, kitang-kita ko ang mga putol-putol na kamay, paa, at iba pang parte ng katawan ng tao. Sinamahan pa iyon ng basag na mga bungo kaya't naaninag ko mula sa buwan ang kanilang utak.

Sa mga nakita ko ay hindi ko na napigilan ang mapaduwal. I step away as soon as the smell of the corpses started to invade my system. Then when I turned my back to them, I puke my liver out.

Napakasangsang ng amoy noon.

Para bang bulok na katawan ng mga hayop. Iyon tipong naaagnas na. Iyong bulok na bulok na.

Sinundan ng pagduwal ko iyong pagduwal rin ni Kuya Finn. Agad kong ibinalik ang face mask ko at pinili na lang na 'wag indahin ang nakakasulasok na amoy.

"Naku, mga hijo. Mukhang doon tayo sa ilalim dapat magsimula."

"Bakit po?" Tanong ni Kuya Nero. Halata ang pag-ngiwi niya dahil sa amoy.

"Lahat kasi ng mga nakabara ay dito nagsipuntahan sa ilalim. Kakaunti lang itong nasa bukana."

"Sige, Tatang. Pangunahan mo muna para mas maintindihan pa namin." Suhestyon naman ni Tito Theo habang si Kuya Finn ay patuloy pa rin sa pag-suka.

Noong humiga na si Manong Driver sa kalsada ay ipinasok niya ang katawan sa ilalim ng bus. Matapos ay unti-unti, inilabas niya sa harap namin iyong putol na kamay, paa, hita at ulo ng mga infected.

Sa nakita ko ay napakagat-labi na lang ako.

Ayoko nang masuka!

Makalipas nga ang ilang minuto ay halos magbundok iyong mga parte ng infected sa harap namin. Ngayon, malinis na iyong gulong. Tanging mga bahid na lang ng dugo ang makikita.

Mula sa ilalim ay muli naming narinig si Manong Driver. "Ganoon lang, mga hijo. Doon muna kayo magsimula sa ilalim para tuloy-tuloy nang matanggal ang bara."

Matapos ay unti-unti niyang inilabas muli ang katawan mula sa ilalim ng bus. Noong makatayo siya ay nag-stretch pa muna siya bago humarap sa amin.

"Manong, wait." Pagpipigil sa kanya ni Kuya Nero noong doon na sana siya sa kabilang gulong didiretso.

"Bakit, hijo?"

On his eyes, I saw a drop of blood from the corpses. Maliit lang iyon.

"May dugo ho kayo sa bandang mata. Lagyan niyo ho muna ng alkohol para siguradong walang mangyaring masama sa inyo. Kami na ho ang bahala dito." Mungkahi ni Kuya Nero na agad namang sinang-ayunan ng matanda.

Noong makapasok na siya sa bus ay kami naman ang nag-asikaso sa pagtanggal ng mga bara. Si Kuya Nero ay doon pumunta sa isang gulong sa bandang harap ng bus. Si Kuya Theo naman at Kuya Finn ang dumako sa dulo. Ako naman ay pinili na lang na pagtuunang pansin iyong gitnang gulong.

I was about to lie down to the concrete road when all of sudden, the bus roared. Humuni iyon nang humuni habang sinabayan iyon ng pag-patay bukas ng flashers ng bus. Iyon ang dahilan kung bakit gumawa ng malakas na liwanag ang bus. At sinundan iyon ng pagtili ng mga tao sa loob.

"Putangina, anong nangyayari?!" Bulalas ni Tito Theo. Napatakbo siya sa unahan ng bus. Natataranta, sinundan ko siya.

Halos mawalan ng hangin ang mga baga ko nang makita ko si Kuya Nero mula sa pintuan. Sapilitan niyang binubuksan ang pinto.

Pero naka-lock na iyon.

Nanlaki na lang ang mga mata ko noong idako ko ang paningin sa loob ng bus.

There, I saw the bus driver and the two old ladies. They were already infected by the virus. Basag na ang bungo nilang tatlo. At ngayon, umaabante na sila para atakihin sina Ate Athena, Ate Cheska, Ate Alexis, Venice at Orion . . .

Orion!

Putangina!

Agad kong tinulungan si Kuya Nero. Pinagsisipa ko rin iyong pinto. Wala na akong pake kung mabali ma ang paa ko. Ang naiisip ko lang noong mga saglit na iyon ay ang sagipin ang alaga kong pusa.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon