Season 2: Episode 5

7K 574 333
                                    

"So what are we going to do now?" Santhy broke the silence between us. Mahigit isang oras na kasi kaming nandito sa loob ng madilim na office. Walang umiimik sa amin. Lahat, para bang nagiipon ng lakas para sa isang madugong digmaan.

"We have to leave as soon as possible," Kuya Brylle started, "because if we won't, mamamatay tayo sa gutom dito."

Sa sinabi niya, doon ko lang narealize na ilang oras na pala akong hindi kumakain! Bigla akong pinanghinaan. Sa lahat ng lakas na nailabas ko sa buong pandemic na ito, mukhang ang kumain ang isa pang kailangan kong gawin para maka-survive. Kasi ramdam ko, anytime ay manginginig na ako sa gutom.

"Right," Santhy heaved a sigh. "Ilang oras na rin tayong hindi nakakakain, maybe ten or something?" Napasandal siya doon sa table na sinasandalan ko, "We really need to eat para lalo tayong maka-survive."

"Nakakainis lang ang sitwasyon." Ate Janelle said. Bumuga siya ng iritadong hangin. "Kapag nag-stay tayo sa loob, papatayin tayo ng gutom. Kapag sa labas naman, papatayin tayo ng mga zombies. Kapag naman pinili nating 'wag kumain, hihina naman ang immune system natin and that will pave a way to that shitty virus to enter our weak system."

She then threw her hands dramatically. "Para bang sinasabi lang ng tadhana na wala tayong choice kung hindi ang mamatay! Nakakainis lang talaga!"

"Hey, luv. Calm down." I saw how Kuya Brylle hugged Ate Janelle with all his bottled genuine concern.

Ate Janelle only pouted when she leaned her head on Kuya Brylle's broad chest. Nagyakapan na naman sila na para bang wala kami ni Santhy sa harap nila.

Napa-iwas tuloy ako ng tingin nang halikan ni Kuya Brylle ang noo ni Ate Janelle. Dahil doon ay kusa namang napangiti si Ate Janelle.

"Tignan mo 'tong dalawang 'to. Mamatay na nga tayo't lahat, landian pa rin ang inaatupag." Bulong sa akin ni Santhy. And I only scowl at him! The least that he can actually do to someone who saved Orion is to be nice!

Sinimangutan naman niya ako bago muling ibinaling ang tingin doon sa dalawang nagyayakapan. "So, ano na nga pong gagawin natin bukod sa mag--"

Siniko ko talaga siya.

He gave me a poker face noong hinahaplos niya ang parteng siniko ko. "Bukod sa . . . ano-- uhm, right. Bukod sa palakasin ang loob ng isa't isa?"

"Maybe we should do the motherfucking camouflage." Kuya Brylle suddenly said. Sa sinabi niya, bigla siyang binatukan ni Ate Janelle.

"Luv, bibig mo talaga! May mga bata!"

Napangiwi ako. I agree, Ate Janelle. I definitely agree.

"Paano pong camouflage?" Santhy asked. Seems unbothered of what just came out from Kuya Brylle's mouth.

"Do you see their eyes earlier?" Kuya Brylled responded. Nagkakamot siya ng batok. Tila bang nasaktan nga talaga siya sa ginawa ni Ate Janelle sa kanya.

Santhy and I both nod at him.

"Kung maihahalintulad sa isang normal na tao ang kondisyon nila. Punong-puno ang mga mata nila ng katarata. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nila tayo nakita noong tinakpan na natin ng punting kurtina iyong pinto." He pointed the door with his thumb.

Para kaming mga musmos na bata ni Santhy noong muling tumango sa kanya.

"So, what we really have to do is to just use the weakness of their eye sight as our strength. Balutin natin ng kurtina ang mga katawan natin."

Ate Janelle pursed her lips. Then she place his finger on her chin as if assessing the moment. "You have a point."

"Pero paano naman tayo makakakita kung babalutan natin ang sarili natin ng kurtina? Paano kung mabangga tayo ng mga zombies?" Ate Janelle winced. "They are running. Hindi tayo agad makakaiwas lalong lalo na't wala tayong ka-ideya-ideya sa nangyayari sa paligid natin."

"Luv, don't worry. I will protect you. I got you." Kuya Brylle winked at his girlfriend with a knowing naughtiness on his tone.

"Ayan na naman sila. Nakakairita." Bulong na naman ni Santhy. I only scowl at him and that only earned me a shrug from him.

Umubo nang pilit si Santhy. Dahil doon ay na-realize uli nina Ate Janelle at Kuya Brylle na nandito pa rin pala kami. Thinking about what Santhy said earlier, hindi ko mapigilan na sumang-ayon sa kanya.

Pero . . .

Pero hindi ba't ganiyan din ang sinasabi niya sa akin kanina?

Weird.

"So, ano. In ba kayo sa plano ko?" Kuya Brylle asked us and I am unsure if I am going to nod.

"Wala namang choice, Kuya Brylle, eh." Tumayo na si Santhy. Matapos ay humugot siya ng malalim na hininga. "I am in."

Sa narinig ay napilitan akong sumang-ayon. "Me too . . ."

"Good." Kuya Brylle started to walk towards the glass wall of the office. Binaklas niya lahat ng puting kurtina dito kaya't dahil doon, bumungad ang sinag ng araw sa buong office. Doon ko lang napagtanto na magtatanghali na pala.

"Now, this is the plan." Inabutan niya kami ng tig-isang kurtina.

"We are going to go out of this office while creating a line. Ako ang mauuna at hawak-kamay tayong lalabas hanggang sa makalabas na tayo dito sa building, okay ba?"

I nod. As well as Santhy.

"One more thing. Higpitan niyo ang hawak niyo diyan sa pusa. Baka kasi hindi na natin siya masagip kapag naulit uli ang nangyari kanina."

"Yep," Ate Janelle added. "Hawakan niyo nang mahigpit si Orion. It will really break my heart kapag may masamang nangyari sa kanya."

"Aww, so cute." Kuya Brylle was about to hug Ate Janelle again when Santhy decided to stop them. He literally walked in between them. He is obnoxiously blocking Kuya Brylle's way on Ate Janelle while acting as if busy grabbing the white curtain beside them.

"Gawin na natin po itong puting kurtina po." Santhy told them as he handed more curtain on his hands. Sarcasm on his tone is evident on the way how he redundantly used honorifics.

Ang dalawa naman ay para bang hindi nasesense ang pagkasarkastiko sa tono ni Santhy. They both nod as they head their time on doing their own comouflage.

A few minutes had passed, natapos na rin kami. Ang ginawa naming strategy any ang butasan sa gitna ang kurtina. Doon namin inilusot ang mga ulo namin.

And then we also improvised the thing that will hide our face. Binutasan namin nang dalawang maliit na butas ang kurtina saka namin iyon nilagyan ng tali. Iyon ang dahilan kung bakit kumpyansa kaming hindi ito mahuhubad sa amin sakali mang mabangga kami ng mga zombies mamaya.

"Let's go?" Kuya Brylle mumbled noong matapos na kaming alisin ang mga nakaharang sa pintuan.

I nod as soon as I heard Ate Janelle and Santhy's approval. Wala akong lakas para magsalita. Magkahalo ang panghihina at gutom ko sa mga oras na iyon.

"I am going to open the door, ready yourself." That was the last words of Kuya Brylle. The next thing that I heard was the opening of the door. Then before I knew it, there was the growl from the zombies once again . . .

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon