Season 3: Episode 14

4.7K 407 274
                                    

Nagbagsakan ang mga zombies sa mismong harap ko. Ang dugo nila ay umagos sa paa ko dahilan para mabahiran ng pula ang itim kong sapatos.

"Briela?" I said with an almost breathless voice. Dahil pula nga ang ilaw sa kwartong ito ay hindi ko maaninag ang dako kung saan nagmula ang mga putok ng baril.

I am squinting my eyes as I heard Manuel cuss. He even kick the head of the zombie who strangled him earlier. I chose to just focus with our uncertain savior.

Ngunit napuno ng katahimikan ang buong paligid maliban lang sa pagbuga sa galit ni Manuel.

Wala ni isang ingay akong narinig sa dako kung saan nagmula ang ilang putok ng mga baril. Kahit galaw, wala.

Pero . . .

Hanggang sa . . .

"Akin lang ang mga daddy ko!"

Pareho kaming natigilan ni Manuel. Kusa siyang napahinto sa pagsipa doon sa buhay na bangkay. Nanlalaki ang mga mata, sabay kaming nawalan ng hangin sa mga baga.

"Aww!" Ang matamis na boses na kanina kong narinig ay napalitan ng animo baliw na babae. The tone of her voice is lifting up and down until it became unbearable to anyone's ears.

She is not Briela . . .

That shit is for real.

"Mabuti na lang at nasagip ko ang dalawa kong asawa!" She is now laughing like a maniac. Hanggang sa mapangiwi na lang ako nang ibunyag na niya ang sarili mula sa kadiliman.

She is a woman with a big body. Her fat is evidently flashing through her tummy. Pero ang nakakadiri dito ay tapyas na ang kalahati ng kanyang mukha. Ngayon ay kita-kita ko ang payat niyang bungo. Tila bang nakikipagpaligsahan sa mataba niyang pangangatawan.

"Lord . . ." I swallowed hard. "Please, no."

Lumapit na sa amin ang matabang zombie. Sa bawat hakbang niya ay animo nakakagawa ito ng munting pagyanig mula sa sahig. Hindi ko alam kung exaggerated lang ba ako dahil sa kilabot pero dama ko talaga ang yanig mula sa sahig.

"Sir, kakainin tayo niyan nang buhay. Putangina . . ." Manuel mumbled with fear as the main theme of his voice.

Napalunok na lang ako dahil sa labis na takot. Ang pag-asang kanina kong nadama ay naglaho na para bang bula. Kasabay ito ng pagdalaw muli sa akin ng malalamig na pawis. Wala akong magawa kung hindi ang mapahinga na lang nang malalim. Pilit na pinapakalma ang sarili pero ang totoo naman ay halos mahimatay na ako. Hinding hindi ko kayang maatim na pagmasdan ang buhay na bangkay na ngayon ay nakangisi sa direksyon ko.

"So, sinong uunahin ko sa inyong dalawa?" She started to pout as if an obnoxious kid. Kung hindi ako nakagapos dito, kanina ko pa talaga naihampas sa mukha niya ang shotgun ni Manuel.

Walang umimik sa aming dalawa ni Manuel. Nanatili ang aming mga mata sa kanya na ngayon ay nakapamewang. Nakanguso at nakatingin sa kisame na para bang doon makikita ang kasagutan sa mababaw niyang tanong.

"Hmm!" Halos malaglag ang panga ko sa sahig nang tinuro niya ako. Ilang segundo iyong tumagal sa direksyon ko noong bigla niya itong iginiya kay Manuel na namutla dahil sa kanyang ginawa.

Hanggang sa . . .

"Eenie, meenie," nagpalipat-lipat sa amin ni Manuel ang kanyang hintuturo, "miney moe!"

Nagpatuloy lang siya sa palipat-lipat na pagturo sa amin. "Sino kaya ang papatayin ko?"

Tumigil ang kanyang hintuturo sa tapat ko. Nagtama ang mga mata namin. Halos manlambot ang mga tuhod ko nang mapansin ang mapanganib niyang tingin sa akin. Ngunit laking pasasalamat ko na lang talaga nang bigla niyang iginiyang muli ang kanyang hintuturo sa ibang direksyon.

"Ikaw ba o ikaw," sa akin na naman tumama ang kanyang daliri. Napapikit na lang ako habang nararamdaman ang panginginig ng labi.

"O-o, ikaw nga . . ." Noong magmulat muli ako ng mga mata ay kay Manuel na siya nakaturo.

Bagama't nakaturo kay Manuel ay nasa akin ang kanyang nalilisik na mga mata. Pakiramdam ko, sa kanyang pagtitig lang ay dama ko nang mamamatay na ako.

Hindi ko iyon inaasahan nang igiya niyang muli ang hintuturo sa akin. "Yon!"

Nagtatalon siya habang pumapalakpak. Iyon ang dahilan kung bakit nakasigurado akong siya ang dahilan ng munting pagyanig na naramdaman ko kanina. Sa imposibleng bigat niya kasi ay nagawa niyang iparamdam ang lindol sa buong paligid.

"Ikaw ang uunahin ko, daddy!"

I gasp.

I can clearly feel myself panicking as Manuel yell at me. "Putangina, Sir! Umalis ka na diyan! Tangina! Papatayin ka niya nang buhay!"

Noong makita ko nang tumatakbo sa akin nang mabilis ang matabang buhay na bangkay, nagalusan ako sa aking kamay. Pwersado kong inaalis ang gapos mula sa kamay ko. Pero hindi ko magawa.

Hindi ako makaalis.

Hindi ko kayang makawala sa kamatayan na ngayon ay kumakaway sa mismong harap ko.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon