Season 3: Episode 20

5.7K 408 272
                                    

"You must be shitting on me . . ." Nanginginig ang boses ni Briela. Napaatras pa siya para i-lebel ang sarili sa amin ni Santhy.

"Saludar al rey del infierno."

"Ano nang gagawin natin, Dad?" Santhy asked me. I can't help but to avoid his eyes. I was afraid to show him that this must be really it. This must be our painful end.

"Saludar al rey del infierno."

Manuel butt in. "Kailangan na nating lumayo dito, Sir." His tone is flashing a flavor of horror. One that will make anyone understand his words as a warning rather than a mere statement.

"But, how?" I finally gave in. To be honest, wala na akong alam na paraan para malagpasan pa namin ito. Ngayon kasi ay tanging kamatayan na lang ang nagwawagayway sa sistema kong ano mang oras ay bibigay na.

"Saludar al rey del infierno."

"Kung hindi ako nagkakamali, Sir. Bawat hospital ay may dalawang uri ng hagdan." Manuel stared at me with a lot of ways on his mind. He is looking like giving up is never a part of his name. He wants survival and he will get it no matter what happen.

"Ang isa ay ang tipikal lang na hagdan, iyong may mga baitang." Iginiya niya ang kanyang ulo. He stretched his neck. "Ang pangalawa naman ay iyong walang mga baitang, iyong diretso lang na daan pababa. Idinesensyo ang mga ito para daanan ng mga wheelchairs."

Now, I get his point.

This kid . . . this kid is really brilliant.

"At kung hindi ako nagkakamali, makikita natin iyon . . ." He pointed the door near us, doon ay may signboard na nakalagay kung saan mga PWD lang ang pwedeng dumaan. "Doon."

"Saludar al rey del infierno."

I nod at him. I can't explain how proud I am for being his superior. Was even glad that the kid I've trained a few years ago will eventually save me and my son's life.

"Let's go! Quick!" I urged them for which they quickly followed.

Agad kaming napatakbo doon sa pinto na iyon. Mabilis ang ginawa naming paglapit doon. At sa kinamalas-malasan pa nga, naka-lock na naman ito. Napangiwi na lang ako sa nagsisimula na namang pamumuo ng kaba sa puso ko.

Ang kilabot sa aking dibdib ay nadagdagan nang huminto ang naririnig naming mga salita galing sa mga buhay na bangkay. Sila ay hindi kalayuan sa amin. Sa naranasan namin, alam kong hindi iyon magandang senyales. Alam ko, may nag-aabang na panganib sa mga segundong katahimikan ang bumabalot sa buong paligid.

Nagkatinginan kami ni Manuel. Parehong nangangamba ang mga mata, animo kaming nag-usap gamit lang ang mga utak namin. Walang ano-ano ay lumakad kami hindi kalayuan sa harap ng pintong iyon. Santhy and Briela were so quick to realize what we are up to. Agad nila kaming binigyan ng daan.

Wala pa ring sali-salita, sabay kaming napatakbo ni Manuel papunta sa pintuang iyon. Our arms bumped onto it and it created an impact towards the door. Matapos, muli namin itong inulit.

Mahigit tatlong beses ang ginawa naming pagbangga sa pintuang iyon nang bigla, narinig namin ang nakakakilabot na hiyawan galing sa mga buhay na bangkay.

Doon, minabuti naming binilisan pa ang ginagawa namin. Walang maidudulot ang takot ngayon. Hindi kami masasalba ng kilabot. Pinili namin ni Manuel ang maging matatag. Hindi namin tinigilan ang matigas na pintuan. Kahit na mabalian kami, hindi kami tumigil sa pagbangga ng aming katawan doon.

At sa huli, ilang ulit ang ginawa namin bago ito tuluyang magbukas. Wala na kaming hinintay pang sandali. We run for our lives. We fucking entered the door with the hopes of achieving our one main goal right now-- survival.

Una naming pinapasok sina Briela at Santhy. Sinundan sila ni Manuel. Ako ang huling pumasok kung kaya't nadatnan ko pa ang nagbabadyang panganib na papalapit sa amin.

Sa kaliwa at kanan namin, bumabaha ng mga nagsisitakbuhang buhay na bangkay. Gutom na gutom silang pumatay. Kitang-kita ko iyon sa nagtatangis nilang mga mata.

Bago pa man nila ako mabiktima ay tumakbo na rin ako papasok ng pintuan. Nasa dulo na sina Santhy. Iyon ang dahilan kung bakit doble ang bilis na ginawa ko para maabutan sila.

Nang marating ko na rin ang dulo ay taranta silang naghahanap ng tamang corridor na tatakbuhan. Naabutan ko pa silang nagdedesisyon.

"H'wag na kayong pumili!" I yelled on the top of my lungs. "Wala na tayong oras para diyan!"

And that was the cue for them to just run towards an uncertain corridor with defective lights. Tagaktakan ang mainit naming pawis nang magpatuloy kami sa pagtakbo.

Noong makarating kami sa dulo ay may nakasalubong kami. Iyon ang dahilan kung bakit kami biglang napahinto.

"Tangina!" Manuel is about to hit them when they started to beg for their lives. It was then when we realized that they are also our fellow virus survivors. Consisting of two female teenagers and an adult male and female, they raised their hands as if surrendering.

The adult male was the one who spoke up, "Hindi ho kami infected! Hindi ho!"

Manuel calmed down. Pero wala na kaming oras para makipagkilala sa isa't-isa. Rinig na rinig na kasi namin iyong mga buhay na bangkay sa aming likuran. Sa kung papaano yumanig ang paligid, alam ko at ramdam ko na sa dami nila ay wala kaming magagawa.

Nagsimula na kaming magsitakbuhang lahat. Hinayaan namin ang aming mga paa. Dumako kami sa kung saan man kami anudin ng pagkakataon.

Pero ni isa sa amin ay hindi naging handa sa panganib na sumalubong sa amin sa dulo ng corridor na ito. Bumungad sa amin ang hindi mabilang na mga buhay na bangkay. Nakatayo lang sila sa magkabilang gilid na tanging daan namin. Nakangiti sila na animo tuwang-tuwa makita ang pangambang bumakas sa mga mukha namin.

And after a few seconds, I didn't expect that the end was near.

We were trapped. Hindi na kami makakabalik pa sa tinakbuhan namin. Ngayon kasi ay papalapit na nang papalapit iyong mga zombie na humahabol sa amin kanina lang.

"Diyos ko . . ." Ang sinambit noong babaeng hindi namin kilala.

Nangangamba man, pinili kong hawakan sa braso si Santhy. Inilapit ko siya sa akin. I was up to protecting my only son. I was about to risk my life for him.

And then it happened . . .

Malakas at nakakabinging hiyawan ang una naming narinig. Sinundan iyon ng mga mabibigat na yabag. At wala kaming nagawa. They trapped us and we have no other choice now but to try killing them with our hands.

Isang buhay na bangkay na may dalang kutsilyo ang unang umatake sa akin. Nagpupumiglas man, pinilit kong isalya sa likod ko si Santhy. Prinotektahan ko ang anak ko. I challenged that zombie. Siniko ko siya sa leeg dahilan para mawalan siya ng balanse. Doon, mabilis kong inagaw ang dala niyang kutsilyo. Matapos ay saka ko siya ginilitan sa leeg. His blood drip down his body and he fell down to the floor.

Ang sumunod na nangyari ay si Santhy naman ang inatake ng mga buhay na bangkay. I did everything to protect him. And he helped me too. We killed the zombie who attacked him.

"Dad!" Ang bulalas ni Santhy.

Hindi ako naging handa nang isalya ako noong estrangherong lalaking nakasalubong namin kanina. He used me as a shield against the zombie who attacked him. And I was suprised, that was the reason why I came defenseless-- with my eyes widened as I felt that zombies teeth on my arms.

"Sir!" Sigaw nina Briela at Manuel. Silang dalawa ang siyang tumulong para patayin ang buhay na bangkay na kumagat sa akin.

Then I fell down to floor.

My energy left my system. Nanghina ako. Bumigat ang paghinga ko. Hanggang sa mapapikit na lang ako habang pinapakinggan ang sunod-sunod na putok ng mga baril hindi kalayuan sa amin.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon