Chapter 16: Under the Meteor Shower

1.9K 94 5
                                    




Napamulat ako dahil sa ginaw na nararamdaman ko. Bumangon ako at napatingin sa harap where I could see the other beds. Napatingin ako sa paligid and I was amazed by how spacious our room was. We even have our own dining area. It was filled with golden ornaments at para talaga kaming nasa palasyo.

"Oh, gising ka na," biglang sabi ni Evie at pumasok na may dalang plato na may lamang pagkain. "Kumain ka na dun," she said with a smile and pointed outside the door. "Nakatulog ka kasi kanina habang hinahanap ang room namin. I guess you were too exhausted and stressed sa nangyari," she added at umupo siya sa upuan at inilapag ang plato niya sa table at nagsimulang kumain.

"Ganon ba," sagot ko at lumingon ako sa likoran kung saan ko nakita ang malaking bintana and I was surprised to see the full moon. Gabi na pala? Ang taas pala ng tulog ko. "How long do we have to travel by train?" I asked.

"Northern Terrax is not really that far but the previous rails were destroyed due to the war few years ago kaya iba na ang daan ngayon and it's quite far kasi iniiwasan yung war zone. Most probably we'll arrive in 2 days," she explained at napanganga ako. 2 days? In this train?!

"Lalabas muna ako, I'm gonna check kung anong meron sa VIP cafeteria. Ang sarap kasi ng kain mo," pabiro kong sabi bago ako tumayo at lumabas.

Sinalubong ako ng malakas na hangin kasi nakabukas ang ibang bintana. Napahawak ako sa mga kamay ko dahil sa ginaw na naramdaman ko. I continued walking as I began to warm myself at tinititigan ko ang labas. I was mesmerized by the full moon and the twinkling stars. It seemed like I was looking at another world. Habang papalapit ako sa isang pinto, naaamoy ko na ang mga pagkain kaya binilisan ko ang lakad. I crossed multiple of rooms bago ako nakarating sa paroroonan ko, but most of them ay walang tao. Most people here are royalties and politicians.


Pumasok ako sa pinto kung saan nanggagaling ang amoy. Bago pa man ako makapasok ng tuloyan, bigla akong hinarang ng isang guard na may suot na armor.

"You're badge, ma'am," biglang niyang sabi. Agad akong napahawak sa bulsa ko at nanigas ako nang hindi ko ito nadala. Nakapasok na nga kami dito, kailangan pa bang ipakita ulit yun? Napatingin ako sa guard and I saw him frowned as if he was doubting me that I was an intruder. "Your badge, ma'am," ulit niyang sabi but this time, his voice was louder and deeper kaya napalunok ako.

"N-Naiwan ko, saglit lang po, babalik ak-" bago ko pa man matapos ang sinabi ko, hinwakan niya ako.

"Everyone knows that badges are important, ma'am," sabi niya at hinigpitan niya ang hawak ko. "Sigurado ka bang isa ka sa may VIP pass?" he asked. "Marami na kaming nahuli na nagpapanggap na mga tao. Hindi mo ako madadala sa uniporming iyan. Ang dami ng nangloko sa amin," he added. Napatingin ako sa paligid at pansin kong pinagtitinginan na ako ng mga tao. Putangina, nakakahiya to.

"Sir, I promise, babalik po talaga-" hindi ko na ulit natapos ang sinabi ko kasi may humablot sa kamay ko kaya nabitawan ako ng guard. My eyes widened and napatingin ako sa gilid ko. It was Cairo. His one hand was holding a plate with food and his other hand was holding my wrist.

"She's with me," he said with a tone with annoyance. Napatingin ulit ako sa guard and he wasn't able to say anything nang nakaharap niya si Cairo. "Now if you don't mind," he paused at hinila ako papasok. "Can we have our dinner peacefully?" he asked and the guard immediately nodded with an awkward smile.


He began to walk, grabbing me gently papunta sa table na walang tao. Nauna siyang umupo at umupo na rin ako. He stared at me as if I did something wrong.

"Ano? Titingnan mo lang ako? Kumuha ka na dun," reklamo niya. "This is self-service," he added at agad akong napatayo. I didn't know, omg.

Pumunta ako sa malaking table kung saan inihanda ang pagkain. There were many unfamiliar foods na gusto kong tikman pero mukhang hindi kaya ng tiyan ko kaya konti lang muna ang kinuha ko. I got some sushi, some fillets and beef as well. Syempre, hindi mawawala ang mga gulay na kinalakihan ko. After I gathered the food on my plate, bumalik ako sa table at umupo.

The GrimoireWhere stories live. Discover now