A Deal With Mr. Billionaire

70.8K 979 122
                                    

Hello, everyone! Alam kong sobrang tagal na simula nang magpaalam akong ie-edit ko muna ang Billionaire Series. It took me more than a year to ibalik ang first story of the Billionaire Series. Ang plano ko sana noon ay sabay sabay silang ilabas pero pakiramdam ko kasi, baka hindi lang isang taon ang itagal kung gagawin ko ‘yon. Since nauna kong matapos i-edit itong A Deal with Mr. Billionaire, ito na muna ang ilalabas ko dahil hindi ko pa tapos iedit ang Chase Once Again and You Were Mine because I'm so, so busy talaga. Sorry for making you guys wait! And thank you for waiting for Dereck and Brie. Enjoy reading!

———

Prologue

"What's your name?" Tanong ng lalaki na nasa loob ng kotse. Pinapasok ako rito nung lalaki na kumausap sakin kanina habang nagta-trabaho ako.

"Brianna de Castro, uh, Brie for short." Ang weird naman. Bakit ba kailangan pumunta ako dito? Baka naman kidnapper 'to?

"I need to fuck you right now." Nalaglag ang panga ko.

Ano raw? May sayad ba 'to?

"Teka naman, hindi pa nga tayo gano'n magkakilala tapos gusto mo agad akong ikama? Ano yon? Kama muna bago getting to know each other?" Sarcastic kong tanong. "At isa pa, hindi ako gano'ng klaseng babae."

"I'll pay you." Tumaas ang kilay ko. Tingin naman niya madadaan niya ko sa pera. Never. Hindi pera ang kailangan ko.

"Teka, bakit ba ako? Ang dami namang magaganda d'yan. Hindi ako pwede. Para sa asawa ko lang itong sarili ko." Sabi ko bago ako umusog palayo.

Malay ba natin kung may lahi siyang aso at bigla niya akong sunggaban dito? Nire-reserve ko ang sarili ko para sa magiging asawa ko, 'no.

Hindi porket gwapo at hot siya ay papakama na lang ako ng gano'n.

"Fuck," Umungol siya. "I need to have a child before my 25th birthday. I need a baby to get my grandparents money and company." Natigilan ako. So, business ang gusto niya? E, pano 'yan wala naman akong business?

"Anong mga pwede kong makuha?" Pagiging praktikal ko.

"Everything you want." Napaawang ang bibig ko. Paano kung hilingin ko sakanya na after niyang gamitin ang baby namin ay kukunin ko ito?

"P-paano kung hilingin kong makuha ang baby ko, m-maibibigay mo ba?" Ngumisi ito at lumapit sakin.

"Just like what I said, everything you want." Mas lumapit pa ito sakin kaya napaatras ako.


Ano ba?! Bakit ang bango niya?! Ilang beses kaya 'tong naliligo sa isang araw?

"T-teka, paano 'yon?" Bumuntong hininga siya at lumayo sakin. Mabaho kaya ang hininga ko kaya lumayo siya?

"Pagkatapos kong ipa-alam sa lawyer ko na nagka-anak na 'ko kasama ng DNA nito ay makukuha ko na ang mana ko, sayo na ang anak mo—natin at bibigyan ko pa kayo ng pera para makapagsimula." Napaisip ako.

Makakatulong na ako, magkaka-baby pa at magkakaro'n din siya ng sustento. Pwede na siguro kesa naman sa iba ako magka-baby tapos bubugbugin lang ako. Feeling ko kasi hindi na ako magkakaro'n pa ng boyfriend pagkatapos noong huli kong naging boyfriend na walang ibang ginawa kung hindi paglawayan ako.

"S-sige, payag ako," Huminga ako ng malalim. "P-paano kung sa unang try natin hindi tayo nakabuo—"

Lumapit siya. "Then we'll try again, and again until we succeed." Bulong nito. Umayos siya ng upo. "Ihahanda ko yung mga mapagkakasunduan natin bukas, you just need to sign it."

"P-para saan?" Inosente kong tanong.

"To make sure na hindi mo ko tatakasan." Napalunok ako at tumango.

Ano naman akala ng lalaking 'to? Feeling ko nga bawal pa kong mabuntis kasi 22 years old pa lang ako pero yung iba nga 13 pa lang buntis na kaya siguro pwede na 'ko. Wala rin naman akong pamilya at kung mabubuntis ako, magkakaron na.

Tinignan ko ulit ang lalaking katabi ko. Tama naman siguro itong desisyon ko, 'no?

LESSURSTORIES
hi! i'm kinda curious kung paano kayo napapadpad sa story ko. a little favor hehe. if you're from tiktok or facebook, can you please drop the username/page name? thank you in advance!

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon