CHAPTER 54

17.5K 302 43
                                    

CHAPTER 54

BRIANNA

         “SAAN KA NA NGAYON tutuloy?” Tanong ko kay Dereck. Dala dala niya ang gamit niya dahil pinapaalis siya ni Papa.

Sabi nga kasi ni Papa na hindi raw dapat magkita ang mga malapit na ikasal kaya kailangan umalis ni Dereck.

“Kila dad. Uuwi sila bago ang kasal natin. Don't worry about me, hmm? I love you.” Hinalikan niya ang noo ko at hinarap si Spiro na katabi ko. Nandito kasi kami sa pinto ng bahay. “Take care of your mom, okay?”

“Yes, addy. Take care, too.”

“I love you, son.”

“I love you too, addy.” Hinalikan niya rin ang noo ni Spiro.

“I will go now. Don't miss me immediately, okay? Call me if something happens.” Tinitigan niya ako. “Susunduin kita kapag pupunta na tayong Ilocos for our wedding, okay?”

“Okay. Mag-iingat ka. I love you.” Hinalikan niya ako at niyakap. “Akala ko ba hindi dapat natin mamiss ang isa't isa agad? Mukhang miss mo na ako.”

“Kailangan ba talagang umalis ako?” Ngumiti ako.

“Wala namang mawawala kung susunod tayo. Sige na. Mag-iingat ka, okay? Tawagan mo ako lagi.”

“Yes, Ma'am.” Kumindat ito bago tuluyang umalis. Ngumisi lang ako hanggang sa makaalis siya at parang napansin 'yon ni Spiro.

“Why are you smirking, mommy?” Kunot ang noo nito. Bahagya akong umupo para mag pantay kami.

“Call your Lolo. Aalis tayo.”

“Huh? Where are we going?” Ngumisi ako sakanya at umayos ng tayo. Kinuha ko ang kamay niya at nilapat sa t'yan ko. “What's with your tummy, mommy? Do you want to poop? Ew...”

Natawa ako sa kaartehan nito.

“I think... You're going to have a sibling, baby.” Nanlaki ang mata niya at tinignan ang t'yan ko. Kung kanina ay isang kamay lang niya ang nakalagay ngayon ay dalawa.

“Really?! What is the gender? Is it a boy or girl? Mommy! Where's my sister or brother? I need to tell addy!”

“Nope. Hindi mo sasabihin sakanya.” Ngumiwi ito. “Isu-surprise natin si Daddy mo.” Mabilis siyang ngumiti at parang hindi makapaniwalang magkakaro'n na siya ng kapatid.

Kahit naman ako ay hindi ko akalaing makakabuo agad kami ni Dereck. Hindi kasi ako dinatnan ngayong buwan. Kahit na walang sign ay parang may nararamdaman akong kakaiba sa kin. Maging ang dibdib ko ay lumaki nitong nakaraang araw.

“I'm going to call Lolo!” Masaya itong tumakbo papasok sa bahay.

Wala sa sariling napahawak ako sa t'yan ko. Namiss ko ang ganitong pakiramdam.

“What is it, daughter?” Bungad ni Papa. Hila hila pala siya ni Spiro papunta rito.

“Uhm, Pa, can you accompany us to the hospital?” Kumunot ang noo nito at nilapat ang kamay niya sa noo ko na para bang tinitingnan kung may sakit ako.

“Why? Wala ka namang sakit. Wait, may hindi ka ba sinasabing sakit sakin, anak?” Ngumiti ako. All this time hinahanap hanap ko ang ganitong pakiramdam.

“W-wala naman po.”

“Hmm. I smell something fishy, but yes of course, I will accompany you.”

Iginiya niya kami papasok sa kotse niya. Nasa backseat si Spiro at mukhang excited na siya. Naeexcite din tuloy ako. Nag park muna si Papa at sabay sabay kaming pumasok sa hospital.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon