CHAPTER 50

18.7K 304 34
                                    

CHAPTER 50

BRIANNA

       HINDI KO MAALIS ang tingin ko sa singsing na binigay niya kagabi. Hindi pa din ako makapaniwalang nag-propose siya sakin at may nangyari samin kagabi. Pinagsabihan ko pa siya kagabi na maghintay sa honeymoon namin pero ako rin pala ang bibigay.

Rose gold ang kulay ng singsing na bigay niya sakin pero syempre kulay puti ang dyamante sa gitna. Napapangiwi ako sa tuwing tinitingnan ito dahil masyadong mahal. 99.9% gold and diamond ito.

Nasabi na rin namin sakanilang lahat na engaged na kami. Napangisi ako nang maalala kong 'yon pala ang dream proposal ko. Sunset.

Dumapo ang tingin ko sa katabi kong tulog na tulog pa. Tanghali na pero nakahilata pa rin siya at mukhang pagod dahil sa ginawa namin kagabi. Hinaplos ko ang gwapo niyang mukha at hinalikan 'yon. Napaka-gwapo ng mapapangasawa ko.

Inayos ko ang kumot na nagtatakip sa katawan niya. Oo, siya lang dahil kanina pa ako gising at pinaliguan at pinakain ko na rin si Spiro habang natutulog pa ang lalaking 'to.

Nilapit ko ang mukha ko sakanya. Kamukha niya talaga si Spiro. Pinindot ko ang ilong niya.

“Hmm...” Omg! Mukhang magigising na siya. Mabilis kong pinikit ang mga mata ko para hindi niya malaman na ako yung gumising sakanya.

Napalunok ako nang maramdaman kong humalik siya sakin. Omg! Nararamdaman ko ang init ng katawan niya lalo nang pumaibabaw siya sakin!

Naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko at nabungaran ko ang nakangisi niyang mukha. Inilapit niya ang mukha niya sakin. Malapit na malapit.

“Good morning...” Oh my gosh! Bakit hindi mabaho ang hininga niya kahit bagong gising?!

“Afternoon na.” Humagikgik lang siya at siniksik ang mukha niya sa leeg ko.

“Really? Hindi ko namalayan, pinagod mo kasi ako kagabi.” Nagsimula siyang halikan ang leeg ko. Nararamdaman ko na rin na nabubuhay na ang kanya.

“T-tumigil ka nga. A-anong oras na.”

“Saan mo gustong ikasal? Hmm?” Bulong niya.

“S-sa simbahan syempre.”

“Saang simbahan?” Nagtama ang mga mata namin.

“H-hindi ko pa alam.” Siniksik niya ulit ang mukha niya sa leeg ko.

“Ang bango mo.” Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. “Let's plan our wedding. Can't wait to wake up every morning with you.” Parang sasabog ang puso ko sa sobrang pagmamahal sakanya.

“Paano natin mapaplano ang kasal kung tanghali ka magising?”

“Ito na nga, oh. Gising na 'ko. Let's plan our wedding. Madaliin na natin.” Hinalikan niya ang pisngi ko.

“S-sige. Maligo ka na.” Tinulak ko siya para makabangon dahil nabibigatan na 'ko. Buti na lang tumayo siya agad at kumuha ng twalya.

“Hindi mo ba ako sasamahan?” Mabilis akong umiling at tumakbo na palabas ng kwarto.

Pagbaba ko ay nagulantang ako nang makitang may interior designer na nandito. Isang kilalang interior designer kaya kilala ko. Bakit kaya siya nandito at mukhang pinapunta siya ng parents ni Dereck.

“Oh, she's here. Brie hija, come here.” Lumapit naman ako kay Tita Elaine.

“Ano pong meron?” Tanong ko. Hinagilap ko si Spiro na naglalaro na naman.

“Let's plan your wedding! This is Cristina Juanta, an Interior designer and also a wedding planner. Cristina, this is my future daughter in-law, Brianna de Castro, she's also an Interior designer.”

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon