CHAPTER 37

19.1K 359 16
                                    

CHAPTER 37

DERECK

[“SIR, SORRY, HINDI KO KAYO mapupuntahan r'yan, yung baby ko kasi may sakit, kailangan kong bantayan. Sorry, Sir.”] It's Selene. She has a baby now.

A baby. I wonder, what is my baby? A girl? Boy? The color of my baby's eyes? Is my baby okay? I wish I could be with my baby, but I need to accept the fact that it won't happen anymore.

“Alright. Pakisabi na lang sa interior designer na pakigandahan yung opening ng resort. I want it to be memorable. Isa 'yon sa bunga ng paghihirap natin sa Canada.”

[“Okay, Sir.”] I ended our call.

I looked at the ceiling. I was in Canada for 5 years. Too much work. Madami din akong tinrabaho sa Canada dahil binigay na din sakin ni Daddy yung kompanya niya to help me.

I laughed.

To help me? To fucking move on? I wish it helped me, but nah. Na-stress lang ako ng sobra pero sa gabi siya pa rin ang nasa isip ko. Siya at ang baby namin. Iniisip ko kung paano niya nakayanan.

Anong naramdaman niya noong nagla-labor siya? Noong nanganganak na siya? Noong paggising niya? Hinintay niya kaya ako? Hinanap niya kaya ako? Umasa ba siyang dadating ako? Pumunta ba siyang Manila para kausapin ako?

Binalikan niya kaya ako?

Ang daming tanong. Tanong na hindi naman masasagot kahit anong gawin ko. Kung tutuosin kayang kaya ko siyang ipahanap pero natatakot ako. Nakakatakot akong aminin sa sarili kong naging miserable ako sa loob ng limang taon na wala siya.

I don't even know if I am moved on.

May asawa na ba siya? Baka mamaya may isa pa siyang anak. Paano kung nag-asawa na 'yon? Five years is long. Siguro nga meron na.

I looked at my ring. Our memories...

Nandito pa rin. Lahat ng ala-alang binuo namin noon, lahat 'yon hindi ko makalimutan. Parang siya, hindi ko makalimutan.

Yumi Steve. She's with me. I don't think she can help me to move on dahil ni hindi ko siya mahalikan dahil mukha lang ni Brie ang nakikita ko.

I remembered how miserable I am.

“Son, I suggest, leave this country. Ibinigay ko na sayo 'yung kompanya ko, diba? It's time for you to manage it.”

“Yeah. I guess you're right but, dad. Paano kung bumalik siya at wala ako dito? Sinong magbabantay sakanya?”

“Paano kung hindi?”

Is it true, Brie? Hindi ka na talaga babalik? Please, come back to me. I am nearly lost my sanity. If you do really care for me, come back.

“I don't know, dad. I'm pissed.”

I closed my eyes. My resort's opening is tomorrow night. Maganda ang simoy ng hangin dito sa Palawan.

Naalala ko kanina. May nag-propose sa park. Hindi na ako nakisingit dahil baka mainggit lang ako. And besides, Yumi was there. Yumi Steve, the owner of agency. She accompany me here. We're friends now.

What if umalis ng bansa si Brie?—Fuck! Enough with Brie! I'm done. Nakakagago na iniisip ko siya samantalang ni hindi ko alam kung iniisip niya ba ako.

Damn. I need to stop thinking about her. Ngayon na lang ulit siya pumasok sa isip ko and I have no idea why.

Sa loob ng limang taon, ginawa kong busy ang sarili ko para makalimot by the help of Jackson, of course. Lagi niya akong sinasama sa mga bar at club dahil lagi din siyang nakabuntot sakin dahil nag-break sila ni Loraine para daw makapag-focus siya sa sarili niya at para maging proud ang ama nito.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon