CHAPTER 1

42.3K 702 59
                                    

CHAPTER 1

BRIANNA

          KAGAT KAGAT KO ang kuko dahil sa kaba. Oh my, goodness! Tama ba talaga na makipag kasundo ako? Ano na lang sasabihin ng parents ko sa heaven? Shit! Bakit ba naman kasi hindi ako nakapag college? Gusto ko pa naman maging flight attendant para lalandiin ko lahat ng piloto. Charot!

Pumasok na ako sa tinutuluyan kong maliit na apartment na pang dalawang tao lang pero mukhang pang isa lang. Ayos na din ito dahil medyo fresh naman. Galing ako sa labas para bumili ng milo at para makapasok na ako sa restaurant na pinapasukan ko. Actually, may milo ako dito kagabi kaso hindi ko na alam kung saan napunta.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Tumakas na lang kaya ako? Or bawiin ko yung sinabi ko? Mali! Hindi pwede. Naka-oo na ako. Wala nang atrasan 'to.

May makakasama na din ako sa wakas.

Nag-init na ako ng tubig at inayos ang tinapay na binili ko kagabi dahil trip kong mag midnight snack kaso naka tulog naman ako.

Kung tinatanong niyo kung paano kami nagkakilala ng magiging tatay ng anak ko ay dahil sa bar na pinapasukan ko. Isa akong bartender doon at doon ako kinausap at inalok ng lalaking may saltik.

Wala bang girlfriend ang isang 'yon kaya kailangan kumuha ng isang babaeng maaanakan? Sayang gwapo pa naman.

Ang habol ko lang naman dito ay ang baby dahil gusto ko na magkaroon ng makakasama.

Pucha! Kailangan ko na manood ng porn?!

Pumasok na ako sa maliit na banyo nitong maliit kong apartment at nag-umpisang maligo. 2,500 ang bayad ko dito at masasabi kong pwede na dahil may sarili akong banyo dahil nag-iisa lang daw akong nakatira at para safe ako.

Mabilis akong nag-bihis at kumuha ng uniform para mamayang gabi sa bar at siniksik yon sa bag kong isang langgam na lang ang pipirma ay bibigay na.

Tinimpla ko na ang milo at kumain na din. Muntik kong masampal ang sarili ko dahil tulala ako.

Napanguso ako nang marealize na baka mamaya or bukas at hindi na ako virgin. Well, ayos na din 'yon at least may experience na ako at magkaka-baby pa.

Hindi na din ako lugi dahil sobrang pogi naman ng magiging tatay ng baby ko. Nang matapos akong kumain ay humarap ako sa maliit na salamin.

Ano kayang meron ako at ako pa ang napili non?

Bumaba ang tingin ko sa labi. Sinubukan kong halikan ang sarili kong kamay bilang practice sa gagawin namin. Nahalikan na ako ng mga naunang boyfriend ko pero ewan ko ba at hindi ako natuto tuto dahil dampi lang ang mga 'yon.

Kinuha ko na ang bag ko at ang cellphone kong niluma na ng panahon. Pumara na ako ng bus at ano ba naman! Ang mahal naman ng pamasahe. Dose pesos, nakakaiyak, bibili pa naman sana ako ng mentos.

Kuripot ako at aminado ako do'n.

Nagmamadali akong lumabas dahil punuan ang restaurant na pinapasukan ko. Madaming costumer talaga kapag nandito ako. Wala eh, maganda ako.

"Good morning!" Bati ko sa mga co-waiter ko dito.

"Morning, Brie!" Bati nila. Napangisi na lang ako at pumasok sa locker namin at binaba ang gamit ko. Naglagay na ako ng hairnet at lumabas na.

"Brie! Pabigay naman 'to sa table #13." Inabot niya sakin ang tray.

"Okay!" Ngiting ngiti ako habang naglalakad papunta sa table #13. "Good morning, Ma'am, Sir. Here's your order." Nilagay ko na sa table nila ang order. "Thank you so much!" Ngumiti ako.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon