CHAPTER 57

20.1K 311 12
                                    

CHAPTER 57
R-18

BRIANNA

    
   “LET'S THROW THE BOUQUET NA!” Anunsyo ni Loraine na kanina pa palakad lakad dahil halos siya na ang mag-organize nitong kasal namin.

Sa beach ang reception. Napaka ganda nito. Twilight talaga ang datingan magkatabi kaming tatlo nila Spiro at Dereck na nakaupo sa engrandeng upuan. Nagsisikain na ang lahat.

Tumayo ako at pumunta sa pinaka gitna. Nagsilapitan ang mga single sakin. Ngumisi ako at tinignan ang bulakbulak ko. Sana naman saluhin nila. Sayang 'to kapag nalaglag lang. Nangunguna si Loraine at parang gusto niyang siya ang makakuha ng bulaklak ko.

Tumalikod na ako at hinagis ang bulaklak. May narinig akong nagsigawan at nang lingunin ko 'yon ay si Loraine ang nakakuha. Ang laki ng ngisi niya at parang parang tuwang tuwa. Nang tignan ko si Jackson ay nakataas lang ang kilay nito kay Loraine.

“Yey! Omg! Ako naman ang next, Papa!” Lumapit ito kay Papa at pinakita ang bulaklak ko. Babalik na sana ako sa upuan ko pero bigla akong hinila ni Loraine.

“Bakit?”

“Yung garter naman ang ihahagis!” Anunsyo ni Loraine. Nagsihiyawan na naman sila at nagsipwesto ang mga lalaki.

Hindi ko alam kung nakainom na si Jackson pero mukhang determinado din siyang makuha ang garter sa legs ko since si Loraine ang nakakuha. May nagbigay ng upuan para doon ako maupo.

“Ready, baby?” Ngumisi ako at tumango.

“Mas ready ako mamaya.” Kinindatan ko siya. Nakita kong umigting ang panga niya sa panunukso ko kaya natawa ako. “Tanggalin mo na.” Inabot ko sakanya ang hita ko. Dahan dahan niya iyon tinanggal.

Katulad ko ay nakatalikod din siya at hinagis niya 'yon ng malakas. Mas natawa ako dahil hindi 'yon pinalagpas ni Jackson sakanya dahil tinalon niya talaga para maabot 'yon.

Nakita kong inis na inis si Loraine sa ginawa ni Jackson. Napanguso ako nang bigla akong buhatin ni Dereck papunta sa pwesto namin. May nagtilian tuloy dahil sa kalandian niya.

Natikman na namin ang cake, uminom na din kami ng wine pero ang akin ay juice, nakapagpalipad na din kami ng dove at nagbigay na ng speech si Loraine at Jackson bilang Maid of Honor and Best Man. Pati ang pagkain ay natikman ko na maging ang mga ice cream. In short, si Dereck na lang ang hindi ko natitikman.

“Are you tired?” Tanong ni Dereck. Umiling naman ako.

“Hindi naman. Ayos lang ako. Madami pa akong energy para mamaya.” Malakas ang loob kong magsalita ng gano'n dahil kinuha na naman si Spiro ng mommy ni Dereck. Hindi naman pala talaga sila umalis ng bansa dahil nauna lang sila dito sa Ilocos.

“Lalo na ako. I'm so damn ready, my Brie. Ilang linggo din ako nagtiis.” Kumindat ito at akmang hahalikan ako nang may tumikhim. Sabay naming nilingon 'yon.

“How are you, my dear grandson?” Grandson?!

“Grandpa L!” Tumayo agad si Dereck at yumakap sa matanda. He's old pero gwapo pa rin!

The old man was wearing a panama hat and his luxurious tuxedo. He looks so expensive and... not so old looking for his age, I must say.

“Congratulations, Cole. I'm so happy for you, my grandson.” he smiled.

“I thought you can't make it, grandpa? Well, I didn't see you at the church.” Napalunok ako. Mukhang english speaking pa ito. Mapapasabak pa ata ako.

“Well, I have so many things to do, but even though I have many things to do, I can't resist my heir. I'm sorry, I'm late. Oh, wait. I heard you already have an heir?” English speaking nga!

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon