CHAPTER 35

22.2K 431 117
                                    

CHAPTER 35

BRIANNA

"GIFTS NA!" Sabi ni Jackson kaya naglabasan na ang gift nila. Mamaya ko na lang ibibigay ang gift ko pag kaming dalawa na lang.

"This is for you, son," Inabot ng Mommy ni Dereck ang papeles at susi. "Beach house sa Palawan. Sayo na 'yan. Happy birthday, anak."

Pucha! Palawan?

"Thank you, mom." Nakangising sabi ni Dereck.

"This one is for my favorite son." Sumama ang mukha ni Dereck.

"I am your only son, dad!" Nagtawanan kami sa inasal niya.

"Kunin mo na bago magbago ang isip ko." Kinuha naman 'yon ni Dereck. "Private plane. Binili ko 'yan three weeks ago." Muntik na malaglag ang panga ko. Eroplano?!

"Woah, thanks, dad." Mas lalong ngumisi si Dereck.

"And this is our gift, bud. Condo unit sa Canada and a brand new car." Napalunok ako. Ano naman ang regalo ko? Huhuhu.

"Thanks!" Nakangising sabi niya at kinuha ang dalawang susi.

Napatingin silang lahat sakin. Oh my, God. Hinihintay nila ang regalo ko!

"Uhm... ano..." Ngumisi si Dereck.

"It's okay, baby." Sabay halik sakin. "You're enough to me." Niyakap niya ako. Inasar naman nila kaming lahat.

Nagkanya kanya na ulit silang usap habang ako at si Jackson ay pumunta sa pool area.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tell me, this is not the last time that I'm going to see you, right?" Malungkot niyang tanong.

"Hindi ko masasagot 'yan, Jackson." Nag-iwas ako ng tingin.

"Saan ka ba titira? Bakit kailangan mong umalis dito?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Ayos lang ako. Oo nga pala, masaya ako dahil may girlfriend ka na. Bagay kayo." Tipid siyang ngumiti sakin.

"I really like her. So bad. I think I'm in love again." Napangiti ako.

"Mabuti kung gano'n."

"Yeah, I'm so lucky. I'm finally moved on, Brie." Ngumisi ako. Masaya ako para sakanya

"Bagay kayo pero parang may kamukha siya." Tumawa naman siya. Anong nakakatawa? Nasisiraan ba ng ulo 'to?

"Magkamukha kayo." Nanlaki ang mata ko. Magkamukha kami?! Oo nga no.

"Woah. Hindi ko alam na magkamukha pala kami. Ang alam ko kulay green lang ang mata niya--- Oh my, God! Oo nga pala, kulay green nga pala ang mata ko." Napatampal ako sa noo ko.

Bakit ba pati kulay ng mata ko ay nakalimutan ko na din?

"It took me 6 years para maka move on, Brie. Akalain mo 'yon? Nasayo ang puso ka sa loob ng anim na taon." Ngumisi siya.

"Wala, e. Maganda kasi ako. Ang ganda pa ng mata ko." He laughed.

"Yes. Isa sa mga mata mo ang nakakuha ng atensyon ko." Inirapan ko siya.

"Nakakuha ng atensyon mo? Kaya pala iniinis mo ako noon."

Humalakhak siya.

"Yeah. Isa kasi 'yon sa paraan ko para mapansin mo noon, hindi naman ako nabigo, hindi ba?" Hindi ko mapigilang matawa.

"Oo." Natahimik kami.

"I'm sorry for the heartbreak, Brie." Ngumiwi ako.

"Ilang beses ko ba kailangan ulitin na hindi mo kailangan mag sorry sakin? Ang kulit ha. Hindi kita gagawin ninong nitong baby ko." Tumawa naman siya.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon