CHAPTER 13

22.9K 383 19
                                    

CHAPTER 13

BRIANNA

              "BRIE! LAST NA, paki-abot 'to sa table #3." Napasimangot naman ako. Wala namang kaso 'yon sakin kung walang naghihintay pero kasi meron.

"Kanina ka pa puro last." Bugnot kong sabi bago kinuha ang mga inorder at binigay sa table #3.

Nakita kong nand'yan na ang kotse ni Dereck kaya pumunta na agad ako sa locker room para kunin ang bag ko.

"Babush!" Paalam ko sakanila.

Naabutan ko namang nasa labas si Dereck ng kotse niya at parang hinihintay pa ako. Lumapit agad ako sakanya.

Pucha. Bakit ang pogi niya ngayon?

"Ready?" Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat.

"Salamat." Tipid akong ngumiti.

"My pleasure, gorgeous."

Kailan pa siya naging malandi? Saan niya natutunan 'yan? Bakit parang naging sweet siya? Weird.

"Saan pala tayo?" Tanong ko pagka-pasok niya sa driver's seat. Inayos niya muna ang seat belt kaya inayos ko din yung akin.

"Arcane Restaurant." Napahigpit ang kapit ko sa bag na dala.

'Yung Arcane Restaurant na sinasabi niya ay doon kami madalas kumain ni Jackson. Pribado ang restaurant na 'yon.

Pero umaasa akong hindi sila iisa. I mean, hindi iisa ang restaurant na pupuntahan namin.

"Bakit nga ulit tayo pupunta ro'n?" Hindi ko na napigilan ang pagtatanong. Bumibilis na din ang tibok ng puso ko.

Ayoko pa talaga siyang makita.

"I want you to meet my favorite cousin." Ngumiti siya sakin kaya napilitan din akong ngumiti. "It's been 5 years noong huli kaming magkita. Hindi ko na kasi siya napuntahan sa ibang bansa dahil naging busy ako." Napalunok ako.

Iba ang surname nila kaya imposible. Rivera at Calin. Masyadong malayo kaya imposible. Oo, tama, imposible.

"You okay?" Ngumisi ako sakanya.

"Oo naman."

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa Arcane Restaurant. Ito nga 'yon. Ang dati naming kinakainan ni Jackson.

"He's late. Tss."

Pumasok na kami sa loob. Pinaghila niya pa ako ng upuan kaya ngumisi ulit ako sakanya. Buti na lang at sa tabi ko siya umupo. Please, Lord. 'Wag po sana si Jackson ang—

"Zup?" Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang familiar na tinig.

Tumayo si Dereck at mukhang nakikipag harutan na ito sa bagong dating samantalang ako ay kahit paglingon hindi ko magawa.

"Damn! It's been 5 years, you idiot!" Rinig kong sambit ni Dereck. Nagtawanan pa sila.

Hinihiling ko na sana ay hindi muna ako mapansin ni Dereck. Na sana ay hindi niya muna ako ipakilala o na sana ay 'wag niya muna akong patayuin para harapin ang pinsan niya.

"Yeah. Sobrang busy din ako sa America." Natigilan sila saglit.

"Oh. By the way," Napalunok ako nang hawakan ni Dereck ang braso ko at mukhang pinapatayo ako. Wala akong ibang nagawa kundi tumayo at humarap sakanya.

Humarap kay Jackson.

Nakangisi silang dalawa kaya pinilit ko na lang din ngumisi. Magkasing tangkad sila at parehas ang pagtindig. Naka maroon na long sleeve polo si Dereck habang naka white long sleeve polo naman si Jackson. Parehas nakatupi hanggang silo ang mga suot nila at parehas pang may mamahalin na relo.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon