CHAPTER 7

26.2K 502 13
                                    

CHAPTER 7

BRIANNA

           NASA MALL NA KAMI ngayon para manood ng movie. Hawak niya ang kamay ko habang papalapit sa bilihan ng tickets.

"Ano pong papanoorin niyo, Sir?" Tanong nung babaeng malagkit ang tingin kay Dereck.

"The Grudge, two tickets and sa taas kami then bandang gitna." Tumango ang babae tapos ibinigay yung ticket.

"Enjoy, Sir, Ma'am." Matiim ko lang siyang tinignan.

"Isang oras pa bago magstart yung palabas. Kain muna tayo?" Ngumiti ako at tumango.

"Saan mo gusto?" Tanong niya.

"Kahit saan." Walang gana kong sagot. Nabobored at nawalan na ko ng gana dahil don sa babae.

"Pft. What's wrong? Ayos ka lang?" Nakanguso akong tumango. "Gusto mo buhatin na lang kita? Mukhang tinatamad ka maglakad." Mabilis akong umiling.

"Ayoko, 'no! Mamaya sabihan pa tayong attention seeker." Tumawa na naman siya at inakbayan ako papuntang Shakey's.

Nakamasid lang ako sakanya habang umoorder siya. At nang natapos siya ay tinignan na naman ako.

"Bakit?" Umiling lang siya. "Para kang sira." Tumawa naman ito. Siraulo nga.

Dunggulin ko kaya mukha nito?

"Good morning, Sir, Ma'am. Here's your food po." Nilapag ng waiter yung mga pagkain. Chicken, mojos, nestea, carbonara, pizza.

Ang dami naman. Bibitayin na ba kami?

"Eat." Umirap ako. Malamang eat. Anong gusto niya? Titigan ko lang yung pagkain? Edi naglaway na ko dito.

Nag-umpisa na akong kumain. Hindi tulad ni Paul na puro daldal, siya naman ay minsan lang magsalita dahil focus din siya sa pagkain.

"You okay?" Mabilis akong tumango. Tapos na pala siya sa pagkain. Uminom ako ng nestea.

"CR muna ako." Tumayo na ako para pumuntang restroom. Kumuha din ako ng pad na kailangan lagyan ng 5 pesos.

"Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama bang magpa-gamit ako? Tama bang hayaan ko siyang gamitin ang magiging baby namin?" Ayan na naman yung mga tanong na feeling ko hindi masasagot. "Kung hindi na tama, paano ko naman sasabihin sakanya na tumigil na kami? Sigurado naman ako na hindi siya papayag lalo na't nasimulan na namin. Kasuhan ko kaya ng rape?"

Mabilis na nasampal ko ang sarili. Ang boba ko talaga.

"Ngayon ka pa ba makokonsensya? Nasimulan mo na. Tanggapin na lang natin." Saad kong muli.

Lumabas na ako ng restroom at bumalik na sa pwesto namin. Eh? Anong nangyari kay Dereck? Bakit bad mood? May umagaw ba ng pagkain niya?

"May problema ba?"

DERECK

ANG TAGAL NAMAN ata ng babaeng 'yon? Hindi kaya naflush na sa inidoro 'yon?

Tumayo ako para pumunta sa girls restroom pero syempre hindi ako papasok. Dito lang ako sa—

"Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama bang magpagamit ako? Tama bang hayaan ko siyang gamitin ang magiging baby namin?" May kausap ba siya? Tsaka anong pinagsasabi niya? Aatras na ba siya?

"Kung hindi na tama paano ko naman sasabihin sakanya na tumigil na kami? Sigurado naman ako na hindi siya papayag lalo na't nasimulan na namin. Kasuhan ko kaya ng rape?"

What the fuck?

Rape?

Tignan natin kung makakasuhan mo pa ako ng rape.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon