CHAPTER 6

27.5K 481 26
                                    

CHAPTER 6

BRIANNA

                NAKABUSANGOT AKONG habang binibigay ang order ng mga costumer. Susunduin pa kaya ako ni Dereck mamaya? Or baka naman hindi na.

Imposible din naman na sunduin niya ako, e, mukhang badtrip kanina. Ano ba talaga ikinagagalit no'n? Baka naman nasisiraan na ng ulo?

"Brie!"

"Paul?" Ano namang ginagawa ng isang 'to dito? Maglalasing? "Anong ginagawa mo rito?"

"Wala naman na akong gagawin sa bahay kaya naisipan kong dito na lang muna tumambay." Tumango ako.

Wala akong gana makipag-usap. Feeling ko naapektuhan din ako ng pagiging bad mood ni Dereck.

"Beer nga." Umirap ako.

"Hindi dito ang beer. Doon oh." Tinuro ko ang waiter na nagbibigay ng mga hindi gaanong nakakalasing na alak.

"Amp. Ayokong umalis. Bigyan mo na lang ako ng low percentage na alak mo d'yan. Ayokong maglasing." Binigyan ko naman siya.

Natigilan ako dahil parang nabasa ang gitna ng mga hita ko. T-teka, anong araw na ba ngayon?

"Paul, anong petsa ngayon?" Tanong ko.

"12, bakit?" Nanlaki ang mata ko.

"Dito ka muna. Magbabanyo lang ako." Tumakbo ako papuntang banyo.

Kumuha ako ng napkin sa bag. Buti na lang lagi akong may dalang ganito. Nang tignan ko ang undies ko wala naman. Eh? Ano bang nangyayari?

Tutal, nasa cr na din ako umihi na rin ako pero may pulang likidong humalo sa tubig.

Sinasabi ko na nga ba.

Naglagay na ako ng napkin at lumabas ng cubicle.

Napatitig ako sa salamin. Ibig sabihin ba hindi pa ako buntis? Nakakalungkot naman.

Nakasimangot akong bumalik sa pwesto ko. Nakakainis talaga. Ngayon lang ako nainis sa buong buhay ko kapag dadating 'to.

"Brie!"

"Ano?" Wala talaga ako sa mood magsalita.

"Anong oras ba out mo?" Tanong ni Paul.

"Bakit?"

"Hahatid kita." Eh? Diba susunduin ako ni Dereck? Pero parang hindi naman.

"Maya maya pa." Tumango naman ito at kumain na lang ng chips. Sana naman maaga dumating yung kapalit ko dito. Gusto ko na matulog.

"Brie." Nag-angat ako ng tingin.

"Ikaw?" Siya yung bodyguard ni Dereck. Ano namang ginagawa niya rito? Namamasyal?

"Gusto kang kausapin ni Sir Dereck. Same place." Ngumuso ako at tumango.

Umalis na siya sa harapan ko kaya binigyan ko na ng order ang mga costumer para mapuntahan ko na si Dereck. Hindi naman napansin ni Paul ang pag-alis ko kaya wala akong narinig na reklamo.

Naglakad ako sa laging pwesto ni Dereck at nando'n nga siya. Umiinom ng alak at madilim ang mukhang nakatingin sakin.

Kinabahan ako bigla. Baka mamaya patayin ako nito.

"Bakit?" Tanong ko. Wag kang magpapahalatang kabado ka, Brie.

Tinignan lang ako nito pero hindi nagsalita. Akala ko ba gusto niya akong kausapin? Ano? Joke joke lang? Nasasayang lang ang oras ko dito, ah.

"Wala ka bang sasabihin? Babalik na ako sa trabaho ko." Tinalikuran ko na ito. Nakakabadtrip ang ganitong klaseng tao.

"Hihintayin kita. Doon ka sa bahay ko matulog." Napairap ako. Matulog? After ng gagawin namin?

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon