CHAPTER 30

23.5K 358 48
                                    

CHAPTER 30

DERECK

                I woke up 8 in the morning, but Brie is still sleeping. Napatingin ako sa t'yan niya. I smiled bitterly. Four months pa bago malaman ang gender pero paano ko malalaman kung aalis na siya next month?

My baby is in there.

'Yun na lang ang inisip ko. Na dala niya na ang anak namin. Fuck. It's 8 in the morning. I should get her some clothes and foods.

I stood up. Lumabas ako ng kwarto niya at nagmamadaling umuwi. I took a quick bath bago kumuha ng isang set na damit niya.

"Good morning, Sir. Si Ma'am Brie po?" It's Manang Cindy. Nakahanda na ang pagkain.

"She's in the hospital."

"Ha? Bakit? Anong nangyari?"

"I'll explain it to you later. Pakibaon ako ng pagkain, Manang, para makakain na si Brie."

Pagkatapos no'n nagmamadali akong bumalik sa hospital at sa kwarto ni Brie.

And then I saw her... Slowly opening her eyes. Well, I'm just on time.

BRIANNA

            ASAN BA AKO? Bakit wala akong makita? Bulag na ba ako? Hindi pwede! Paano ang future baby ko? Sinong mag-aalala sakanya kung bulag na ako?

Napagtanto ko na nakapikit pa pala ako. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakamulatan ko ang hindi familiar na kwarto. Nasaan ako?

"Good morning." Nabaling ang tingin ko sa pinto. Nando'n si Dereck.

Bigla kong naalala yung kagabi kaya umiwas ako ng tingin sakanya. Masakit pa rin sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya kagabi. Birthday ko 'yon, e. Dapat hindi masama ang araw na 'yon para sakin.

"Nasaan ako?" Tanong ko sakanya. Dahan dahan akong umupo kaya lumapit siya agad sakin para tulungan ako pero umiwas ako.

"Brie..." Hindi ko siya matignan.

"Nasaan ba ako?" Tanong ko nang makaupo ako.

"Sa hospital," May inilapag siyang pagkain sa kama. "You need to eat." Pinaghain niya ang pagkain na dala niya.

Inilibot ko ang tingin sa kwarto. Anong meron? Bakit nandito kami sa hospital?

"Bakit ako nandito? At bakit dito tayo kakain? Hindi ba pwedeng sa labas o kaya sa bahay na?" Umiling siya.

"Sayang ang oras. You should eat baka nagugutom na ang baby natin." Natulala ako sakanya.

"Baby natin?" Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. Ni hindi ko magawang iiwas ang kamay ko nang kunin niya 'yon sa gulat ko.

"Yes, baby natin." Ngumiti siya habang ako at tigalgal pa din. Hinalikan niya ang kamay ko.

Nilapat niya ang isang kamay namin sa t'yan ko. Biglang nag-blurred ang paningin ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at sumunod ng tingin sa kamay namin na nasa t'yan ko.

"B-baby..."

"Yes, our baby. Feel it." Tumulo ang mga luha ko sa saya.

Oh my, God. Nanay na ako! May baby na kami. Ito na yung deal! Oh my, God. Baby ko. Niyakap ko ang sarili ko. Hindi na ‘ko mag-isa, sa wakas.

Baby ko... Aalagaan kitang mabuti. Ibibigay ko sayo ang lahat.

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Ang lagkit ng paligid ko at kinakapos ako ng hininga. Alam ko ring may lumalabas sakin no'n at sobrang sakit ng t'yan ko.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon