CHAPTER 41

19.5K 327 34
                                    

CHAPTER 41

BRIANNA

        LUMULUTANG ANG ISIP ko habang inaayos ang gamit ni Spiro sa kwarto niya. Hindi ko inaasahang magkikita silang dalawa kanina. Hindi ko inakalang magkikita ulit kami at sa gano'ng sitwasyon pa.

Kung hindi kaya lumayo si Spiro, hindi sila magkikita? Hindi ko na alam. Maglilimang taon na si Spiro next month at siguro nga kailangan niya malaman kung sino ang totoong tatay niya.

“Mommy? Are you okay? You're not listening to me.” Bumaling ang tingin ko sakanya. Hindi daw ako nakikinig? May sinasabi ba siya?

“H-ha? Ano ulit 'yon?” Sumimangot siya. Hawak niya na naman ang eroplanong laruan niya.

“Yung lalaki po kanina sa beach. Who's that? Kilala mo siya, right?” Hinila ko siya at pinaupo sa kama niya.

“Baby, alam mo naman na lahat ng mga baby na katulad mo ay may daddy, hindi ba?” Tumango siya pero nakangiwi.

“And?”

“Your dad is busy kasi these past few years kaya hindi kayo nagkikita, pero kung ikaw ang tatanungin, gusto mo ba siya makita?” Sunod sunod siyang tumango kasabay ng pagngiti niya.

“Yes! I want addy! I want to play with him! I'll play with him together with Tito Diego! Where is he, Mommy? Is he going home?” Napangiti ako sa tanong niya. Mukhang hindi naman siya naguguluhan sa nangyayari.

“Yes, baby. Daddy is going home and he will play with you. He loves you so much, baby.” Kitang kita ko 'yon sa mga mata niya kanina kung gaano niya kamiss ang anak namin.

Nakita ko din na gusto niyang yakapin si Spiro pero nilayo ko muna ang anak namin dahil baka maguluhan. Masungit pa naman 'tong batang 'to.

“And I love him, too! Let's invite him sa wedding mo, mom!” Biglang naglaho ang ngiti ko. Oo nga pala. Ikakasal ako kay Diego.

Speaking of Diego. Hindi niya pa alam na nagkita na si Spiro at Dereck pero sasabihin ko din agad dahil ayoko naman maglihim sakanya.

“Y-yes, baby. But let Mommy to tell that to your dad, okay?” Tumango siya at nawala na ang focus sakin.

“I want to see him...” He whispered.

Lumabas muna ako ng kwarto niya para ma-text si Dereck. Kinuha ko agad ang number niya sa secretary niya para maging madali ang lahat.

Pagkatapos ko siyang i-text ay sinabi ko kay Spiro na magluluto muna ako para mamaya.

DERECK

“ANO PONG FLAVOR, Sir? Chocolate? Mocha? Ube? Or ito pong—”

“Lahat ng flavors.” Napaawang ang labi ng babaeng nasa harap ko.

I'm here at the store. Buying some cake—uh, I mean, cakes for my baby. Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ni Spiro kaya naisipan kong bilihin lahat ng flavors.

“Okay po, Sir. 3,866 po lahat.” Binigyan ko siya ng ilang libo.

“Keep the change.” Ilang saglit lang binigay na sakin ilang piraso ng cake. Nilagay ko 'yon lahat sa backseat at nag drive papunta sa bahay ni Brie.

I can't believe this. May sarili na siyang bahay at kotse. Isa na rin siyang interior designer, while me? I'm just a billionaire. I chuckled and shook my head.

Ilang minuto lang itinagal ay nandito na agad ako sa bahay ni Brie. I guess, I was so excited kaya nagmamadali akong magmaneho.

I arched my brow. So, this is her house. Not too big and not too small. Sapat lang para sakanila ng anak namin. I nodded before I pressed the doorbell.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon