CHAPTER 3

29.4K 610 43
                                    

CHAPTER 3
R-18

BRIANNA

HUMINGA AKO NANG malalim. Sigurado ba talaga siya?

“Grade 5 ako nung huling mag-sama si Mama at Papa sa iisang bubong. Nag-sasama sila para sakin at hindi para sa pagmamahalan nila. Alam ko naman na wala na silang feelings sa isa't isa pero nagbabaka-sakali akong magkaro'n ulit ng spark sa kanila pero nang tumungtong ako ng grade 6 nangaliwa si Papa.” Napayuko ako.

“Why did he do that?” Umiwas ako ng tingin.

“Dahil hindi na maibigay ni Mama ang gusto niya. Pwede naman silang mag siping pero ang magkaro'n pa ng isang anak ay hindi na maibibigay ni Mama. Kumbaga, isa lang ang kinaya niya kaya naghanap ng iba si Papa at doon nagkaro'n siya ng dalawang anak pero hindi ko sila kilala. Wala akong balita.” Kumirot ang dibdib ko nang maalala ko ang lahat ng nangyari.

“And then? Nagbalikan ba sila?” Umiling ako.

“Nalungkot ng sobra si Mama kaya halos hindi na niya ako maalagaan. Minsan na lang umuuwi si Papa para tignan ako at bigyan ng pera pero... Hindi ko kailangan ng pera niya, ang kailangan ko ay isang ama.” Kinagat ko ang ibabang labi. Ayokong umiyak.

“Where are they now? Bakit parang mag-isa ka lang sa tinitirahan mo?” Naramdaman ko ang tingin niya sakin.

“Namatay sila noong grade 10 student ako. Car accident, nabangga ang bus na sinasakyan nila dahil pupunta silang probinsya at naiwan ako samin noon dahil grade 10 na din naman ako. Nalaman ko na lang na wala na sila. Naiwan akong mag-isa.” Nangilid ang luha ko pero push parin ako sa pagpigil sakanila.

“Nabuhay kang mag-isa?” Mapait akong ngumiti at tumango.

“Hindi ako nakapag college dahil na rin sa kakulangan ng pera. Nagtrabaho na lang ako para may makain araw araw.” Binasa ko ang labi. “Miss na miss ko na sila kahit na hindi nila naparamdam ang pagmamahal na kailangan ko.” Hindi ko na pinigilan ang luha ko dahilan para kumawala sila.

“Brie...”

“Kulang na kulang ako sa pagmamahal, Dereck. Gustong gusto kong mahalin pero ayokong magtiwala kahit kanino kasi feeling ko lahat iniiwan ako,” Napahikbi na ako. “Kaya sa magiging baby natin, hindi ko siya hahayaan na maramdaman na hindi siya mahal ng Mama niya kasi kahit pagmamahal ko sa sarili ko, ibibigay ko sakanya.” Hinawakan niya ang kamay ko. "Ibibigay ko lahat ng gusto niya, kahit hindi niya hilingin ay ibibigay ko."

“I'm here, Brie.” Tinignan ko siya at nginitian.

“N-nagnakaw ako noong grade 8 student ako. Mahigit ten thousand ang ninakaw ko.” Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

“B-bakit?”

“Na-hospital si Mama at wala kaming pangbayad kahit si Papa, kaya naisipan kong gawin 'yon,” Napayuko ako. “Buong buhay ko kasama ko ang Mama ko pero parang hindi. Para pa rin akong mag-isa.”

Humawak ako sa kamay niya at tinignan siya.

“Naniniwala ako sa pangako mo, ikaw na lang ang pag-asa ko para magkaroon ako ng kasama sa buhay,” Nilapit ko ang labi ko sa kamay niya na ikinagulat niya. “Please, tuparin mo 'yon.” Wala sa sariling tumango siya. 

“Y-yeah.” Ngumiwi siya.

“Good,” Ngumisi ako rito at pinahid na ang luha. “Ikaw naman magkwento.” Napabuntong hininga ito.

“Masaya ang childhood ko pero naging boring nang maisip kong kailangan ko ng freedom pero hindi 'yon mabigay ng parents ko kaya pagtungtong ko ng 18 nagpagawa na ako ng bahay.” Ngumuso ako.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon