CHAPTER 46

16.8K 301 15
                                    

CHAPTER 46

BRIANNA

KINUHA NA ULIT sakin ni Dereck ang singsing niya. Diego left the country for his business... kung business nga ba talaga ‘yon.

Sa buong relasyon namin, madalas kaming magkasama pero bihira lang ang kaming dalawa. I mean, kahit nasa iisang lugar kami, hindi kami napag isa. Laging kasama si Spiro.

Tuwing kailangan ko ng companion for Spiro, he was always there. Seems like my son is his priority more than our relationship and I thank him for that.

I bit my lower lip.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho nang biglang tumawag sakin si Dereck.

“Bakit?” Bungad ko.

[“Where are you?”] Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

“Papunta ako sa school ni Spiro. Fifteen minutes na lang kasi uwian niya na. Ikaw? Asan ka?” Casual kong tanong dito.

[“I'm on the way to your house. May kasama ako, ipapakilala kita.”]

“Oh, okay. Pakihintay na lang kami ni Spiro sa bahay.”

Napailing ako at pinuntahan na lang si Spiro. Nang pagdating ko ro'n ay sakto lang dahil lumalabas na silang lahat. Napangisi ako nang makita ko ang anak kong nakanguso.

Nang mag tama ang mga mata namin ay agad siyang nasiyahan at tumakbo papunta sakin.

“Mommy!” Binuhat ko siya kahit na nabibigatan ako. My baby is growing up so fast.

“How was your day, baby?” Kiniss ko ang pisngi niya at pinapasok siya sa backseat ng kotse.

“Boring. Where's addy?”

“Sa bahay.” Simple kong sagot. I'm sure sa bahay dederetsyo si Dereck.

Kinausap ko si Spiro buong byahe namin pauwi dahil maka mainip siya. Lagi niyang sinasabi na ang boring daw sa school.

Nakita ko ang kotse ni Dereck sa tapat ng bahay.

Hindi na ako hinintay ni Spiro na pagbuksan siya dahil ginawa niya na ito buhat ang bag niya. Napairap ako. Nagugutom siguro 'to.

“Addy!” Sinalubong niya ng yakap ang tatay niya na nakaupo sa sofa. Lumipat ang tingin ko sa babaeng kasama niya.

Biglang nanikip ang dibdib ko dahil ito ang babaeng kasama ni Dereck noon sa park noong nag-propose sakin si Diego at sure ako na siya rin ang kahalikan ni Dereck.

Umiwas ako ng tingin at humalukipkip habang pinagmamasdan ang anak ko na nakikipag usap kay Dereck. Bakit ba kasi wala si Jackson? Ang weird tuloy ng atmosphere.

Biglang tumikhim yung babae kaya nabaling sakanya ang atensyon namin maging ni Spiro.

“Who is she?” Tanong ni Spiro na medyo hindi maganda ang tono.

“Her name is Yumi. Your dad's friend.” Hindi ko kita ang mukha ni Spiro pero alam kong nakasimangot siya.

“I don't like her.” Nanlaki ang mga mata ko.

Sa lahat ng araw ngayon pa siya naging ma-attitude? Nakakahiya!

“Spiro,” Tawag ko sakanya. “Don't say that again. She's older than you. Say sorry.” Ngumuso at umiling si Spiro.

“Nah.” Nalaglag ang panga ko. Baka isipin nila hindi ko siya napalaking tama!

Umalis ito sa tabi ni Dereck at tumakbo papunta sa kwarto niya. Napahawak na lang ako sa temple ko dahil do'n. Gosh.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon