CHAPTER 19

19.8K 333 82
                                    

CHAPTER 19

BRIANNA
 

         TULALA LANG AKONG nakaupo sa kama ng kwartong tinutuluyan ko. Hindi ko na alam kung paanong paliwanag ang sasabihin ko sakanya kahit hindi pa ako nakakapag paliwanag.

Bakit ba kasi hindi ko sinabi na lang agad? Pwede bang ibalik yung panahon na dapat sasabihin ko na sakanya yung about samin ni Jackson?

Naiinis din ako sa sarili ko dahil ako pa ang may ganang umalis sa kwarto niya. Bakit ba kasi hindi ko iniisip ang mga gagawin ko?

Tumayo ako para bumalik sa kwarto niya. Pero pagbalik ko ro'n ay wala na siya.

Parang piniga ang puso ko nang mapagtanto kong baka pumunta siya kay Kylie Santiago. Hanggang umaga ba siya ulit do'n? Hihintayin ko ba siya ulit? Sabagay, kasalanan ko naman kasi.

Bumaba ako at nagbabaka-sakaling nandoon siya. Nakasalubong ko si Manang Cindy na may hawak na basahan.

"Manang, si Dereck po nasaan?" Tanong ko.

"Nako, kakaalis lang, Ma'am Brie." Napayuko naman ako.

"Saan po raw siya pupunta? Anong oras daw ho siya uuwi?" Kailangan ko siyang makausap.

"Wala pong sinabi." Nagpasalamat ako at naupo sa sofa.

Kasalanan ko naman kaya hihintayin ko siya rito kahit gaano katagal. Kahit hindi na ako makapasok bukas basta hihintayin ko siya.

Nilamig na ako lahat lahat dahil pati dito sa sala ay naka aircon pero wala pa ring Dereck na dumating.

Nahiga na lang ako sa sofa dahil inaantok na rin ako. Dumaan pa si Manang Cindy at pinapaakyat na ako pero sinabi ko na lang na hihintayin ko si Dereck.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Sure naman akong magigising ako kapag dumating siya.

...

       NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang pinto na bumukas. Sabi ko sainyo magigising ako.

Tinignan ko muna kung anong oras na. 4 AM?

Napaawang ang bibig ko nang makita ko si Dereck na may kasamang babae. Hindi siya si Kylie pero magkasing sexy sila. Napaupo ako bigla.

Parang hindi nila ako napapansin dahil nagtatawanan pa sila. Parehas pa silang lasing kulang na lang dito na sila gumawa ng milagro sa sala.

Bigla silang naghalikan kaya nanlaki ang mga mata ko. Pucha. Dapat nagsasalita na ako. Dapat nagrereklamo ako.

Asan na yung tapang ko?

Nanikip ang dibdib ko nang nagtama ang mata namin ni Dereck pero hindi niya ako pinansin. Pasuray suray silang naglakad paakyat.

Para akong tanga na nakasunod sakanila. Hindi naman sila pumasok sa kwarto ni Dereck dahil pumasok sila sa isang guest room.

Bigla akong natauhan at mabilis na kinatok yung pinto.

"D-dereck!" Nanlabo ang paningin ko. "B-buksan niyo 'to!"

Naka-locked kasi parang tanga naman. Hanggang sa nawalan na ako ng lakas at napaupo na lang.

Pucha. Bakit sila ganyan? Hindi ba nila ako nakikita?

Teka. Umiiyak ba ako?

Nang hawakan ko ang pisngi ko ay nalaman kong umiiyak nga ako. Bakit? B-bakit ang sikit sa dibdib?

Kahit hirap na hirap ako pinilit ko pa rin makatayo at pumunta sa kwarto ko. Akala ko makakatulog ako dahil sa kakaiyak pero hindi. Dilat ako hanggang sa mag umaga.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon