CHAPTER 44

19.5K 320 77
                                    

CHAPTER 44

BRIANNA

                 “P-PAANO KA NAKAPASOK?”

“Through the door? Pft. Long time no see, Brie. Where's my nephew?” Ngumuso ako. So, nagpunta siya rito para kay Spiro?

“Tulog na siya at,” Tumikhim ako. “Kagaya ng pangako ko noon, isa ka sa ninong niya.” Nanlaki ang mata niya at ngumisi.

“Really? Thank you!”

“Nasaan nga pala si Loraine? Bakit parang hindi mo siya kasama?” Natigilan siya. Naglaho tuloy ang ngiti ko. Mukhang may nasabi akong hindi maganda?

“Umiinom pala kayo? Sama ako, pwede?” Tumango ako at pinaupo siya.

“Kukuha lang ako ng beer.” Iniwas ko talaga ang tingin ko kay Dereck.

Muntik pa ako madapa sa kakamadali dahil parang matutunaw na ako sa tingin niya. Nang mailapag ko ang beer ay umupo na rin ako para maka inom. Wala namang pasok si Spiro bukas kaya pwede rin akong uminom.

Nagke-kwentuhan kami ni Jackson habang nananahimik si Dereck at nakikinig lang. Napag-alaman ko na sa Canada sila for five years at break na pala sila ni Loraine. Nakakalungkot lang dahil ngayon ay wasak pa rin ang puso ni Jackson.

Kinwento ko naman halos ang naging buhay namin dito ni Spiro pati ang favorite ni Spiro na si Spiderman.

Sa huli at niyaya ko silang matulog na lang sa guest room. Dalawang king size bed ang nandoon dahil malaki ang guest room kaya hindi sila makakapag reklamo.

Dereck wanted to talk to me, but dumiretsyo na agad ako sa kwarto ko. I even locked the door. Anong pag uusapan namin, ha! Baka masampal ko lang siya dahil hinalikan niya ako kanina!

...

“OH, GOOD MORNING, Brie.” Bati ni Jackson. Nakaupo na siya ngayon at katabi niya si Spiro. Teka, bakit sila ang magkatabi? Diba dapat kami ni Spiro?

“Good morning.” Umupo ako sa tapat ni Spiro. Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Dereck.

“May gagawin kayo ngayon? Beach tayo.” Yaya ni Jackson. Sumang-ayon naman agad si Spiro. Tatanggi pa naman ako. Bakit kasi nauuna 'tong mag-desisyon?

“Uhm... Kayo na lang. Marami kasi akong gagawin tsaka may pupuntahan din ako.” Kahit wala. Ayokong sumama.

“Saan ka pupunta?” Saan nga ba? Gosh. Kay Diego na lang?

“K-kay Diego. Pupuntahan namin yung venue ng kasal namin.” Nakita kong naging mahigpit na hawak niya sa kobyertos.

Walang nagsalita samin kahit si Jackson. Mukhang nararamdaman niya din na hindi maayos ang atmosphere dito. Oh, gosh. Next week pa naman kasi kami pupunta ni Diego sa venue ng kasal pero pwede naman i-advance diba?

“Invited ba kami r'yan?” Nakangising tanong ni Jackson. Ngumisi rin ako.

“Oo naman, birthday din naman ni Spiro 'yon. Isasabay namin sa kasal.” Wala nang nagsalita maliban kay Spiro na dumadaldal.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam ako na aayusin ko ang mga gamit ni Spiro para sa beach nila mamaya.

Maya maya ay biglang bumukas ang pinto. Buong akala ko ay si Spiro 'yon pero mali ako. Ano na namang ginagawa ng kutong lupa na'to sa kwarto ni Spiro?

“Bakit?” Malamig kong tanong. Hindi ko kayang makipag eye contact sakanya nang matagal kaya umiwas din ako. Inayos ko na lang ang gamit ni Spiro.

“Why are you avoiding me?” Nahalata niya? Halata ba?

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon