CHAPTER 26

20.2K 338 8
                                    

CHAPTER 26

BRIANNA

          NAGISING AKO NANG maramdaman kong ihiniga ako ni Dereck sa kama pero hindi ko minulat ang nga mata ko. Sobrang inaantok pa talaga ako.

"You're going to be okay." Naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at akmang aalis na pero nagsalita ako.

"Dereck..." Naramdaman ko na naman na may tumabi sakin.

"Brie? Are you okay? Anong nararamdaman mo?" Tinignan ko siya.

"Natulog lang ako, ang OA mo." Natawa tuloy ako. "Yung lemon at lollipop ko... 'Wag mong kainin." Natawa siya. Loko 'to ah.

"Why would I eat it? I bought it for you," Pinaglaruan niya ang kamay ko.

"Para sakin?"

Tumango siya.

Ngumiti ako. "Bibilhin mo ang lahat ng gusto kong kainin kung sakaling maglihi na ako?" Nag-taas ako ng kilay sakanya.

He chuckled. "Yes, Brie. I will buy everything you want."

Hindi ko alam pero napanis ang ngiti ko. Hindi ko na hahayaang gawin niya pa ‘yon dahil ayaw kong lumapit pa lalo ang loob ko sakanya. O... ayaw ko lang paasahin ang sarili ko.

Kilala ko ang tipo ni Dereck. Mayaman siya at nasa kanya na ang lahat ng gusto niya. Kung mawawala man ako, hindi niya rin hahanap hanapin ang presensya ko dahil madali siyang makakahanap ng iba.

Pero ako...

Siya lang naman ang gusto at nag mamay-ari sa puso ko. Hindi ko na nakikita ang sarili ko na nararamdaman ito sa ibang tao.

Bumaling ang tingin ko sa bintana. Gabi na at kitang kita mula rito ang buwan. Mapait akong napangiti.

Ngayon ko lang napagtanto, mali, matagal na pala pero hindi ko lang inaamin sa sarili ko at gustong gusto kong sabihin sakanya na...

"Mahal kita, Dereck..."

...

        MAAGA AKONG GUMISING kanina. As in sobrang aga na halos ako na ang magbukas ng restaurant.

Hiyang hiya talaga ako sa nangyari kagabi.

Umamin lang naman ako. Ang tanga ko! Aalis din naman ako pero binigyan ko pa siya ng iisipin. 'Yun ay kung iisipin niya 'yon.

Nakatulala ako habang naghihintay ng costumer. Nakakahiya talaga. Gusto ko na lang maging bula kagabi.

"Mahal kita, Dereck..." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa.

Hanggang sa narealized ko kung anong sinabi ko. Putragis. Sinabi ko bang mahal ko siya? Oh my, God. No!

"Y-you w-what?" Bakit siya nauutal?

"H-ha?" Pucha! Ano? Ganito na lang kami?

"W-what d-did you s-say?" Napalunok ako. Uulitin ko ba? Baka mapahiya lang ako.

"A-ahm... K-kasi..." Napayuko ako. Wala na akong balak ulitin 'yon dahil sa kahihiyan ko. "A-ano..."

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Oh my, God. Ito na ba 'yon? Sasabihin niya din mahal niya ako at magiging kami na talaga at papakasalan niya ako tapos magiging masayang pamilya kami?

"It's okay. You don't need to repeat it," Hinalikan niya ako sa noo. "Rest now." Tumayo siya at lumabas ng kwarto niya

Gusto kong masaktan sa inasal niya pero paano kung nabigla lang siya at hindi agad nasabi ang nararamdaman niya?

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon