CHAPTER 38

19.3K 338 12
                                    

CHAPTER 38

BRIANNA

TAHIMIK KONG PINAGMAMASDAN si Spiro na natutulog na ngayon. Mahimbing ang tulog niya katulad nang dati dahil katabi niya ako. Ganito naman palagi, papatulugin ko muna siya bago ako pumasok sa kwarto ko.

Hinalikan ko ang noo niya bago ako pumasok sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop na may lamang files about sa resort na mag-o-opening this week.

Actually, tapos ko na iayos 'to at napuntahan ko na din ang resort. Ido-double check ko na lang para sure. Hindi ako pwedeng mapahiya, malaking kliyente ito.

Ilang beses ako umiling dahil hindi matanggal sa isip ko ang nakita ko kanina sa park. Pagkauwi kasi namin dito ay umalis na si Diego dahil may gagawin pa siya. Biglang nag-request si Spiro ng noodles kaya wala akong ibang magawa kung hindi bilihan siya.

Leche talaga! Bakit ba ang lakas ng hangin dito sa park? Buti na lang nakapag jacket ako pero leche ulit! Hindi ko naitali ang buhok ko kaya isinasayaw 'yon ng hangin.

Huminto ako saglit para ipatong ang dala kong noodles sa bakanteng upuan dito sa park para makapag tali ng buhok. Medyo matagal na rin ako at baka hinahanap na ako ni Spiro.

Wala sa sariling napatingin ako sa mag jowang naglalandian sa tabi ng puno. Parehas kong hindi makita ang mukha nila kaya hindi ko na pinansin. Mas inayos ko na lang ang buhok ko para makauwi na din ako.

Hindi sinasadyang makita ko ang mukha ng lalaking may kahalikan sa park. Biglang nanigas ang katawan ko nang marealized ko kung sino siya.

Pinaglalaruan ba kami ng tadhana? Bakit sa lahat ng oras ay dito ko pa siya makikita at may kahalikan pang iba?

Pero, sino kaya ang babaeng 'yon? Siya na kaya ang asawa ni Dereck? Siguro siya nga dahil siya din ang nakita ko kanina na kausap ni Dereck noong nag-propose sakin si Diego.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makaramdam ako na lilingon siya kaya dali dali kong kinuha ang plastic bag at parang walang nangyari na naglakad ako palayo sakanila.

“Huh? Sino?” Rinig kong boses ng babae.

Nakita niya ba ako? Binilisan ko ng konti ang lakad ko. Malapit lang naman ang bahay namin dito ni Spiro kaya hindi na ako sumakay.

Napabuntong hininga ako. Nahihiya na ako kay Diego dahil lagi niya na lang ako hinahatid sa mga venue na kailangan kong lagyan ng design kaya naisipan kong bumili ng kotse. Yung maliit lang, uhm, yung pang apat na tao, ayos na 'yon sakin.

Ayoko rin naman kasing maglakad o commute kapag susunduin at ihahatid ko si Spiro. Gusto ko yung komportable siya sa lahat ng bagay.

Umiling ulit ako. Biglang may tumawag sa telepono ko. Siguro ito na yung hinihintay kong tawag mula sa secretary ng owner ng resort. Kainis, ha. Kanina pa ako naghihintay.

[“Good evening. Am I talking with Ms. Rian?”] Rian, ako 'yon. Nagsasawa na kasi ako sa maganda kong nickname na Brie kaya nag imbento ako ng bagong nickname.

“Yes, who's this?”

[“This is Selene po, the secretary of the Resorts owner. I just want to ask if is the venue is already done?”] Tinitingnan ko ang mga picture ng venue para makita kung ayos na ba.

“Yes. Everything is fine. Maaga siyang natapos.” Sagot ko.

[“Great! Can I have the pictures of the venue?”]

“Sure. Ise-send ko na lang through email, is it okay?” Tanong ko habang binubuksan ang email ko sa laptop.

[“Sure. Selene0069 is my account. I will wait for the pictures. Thanks, Ms. Rian.”]

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon