CHAPTER 43

19.5K 330 89
                                    

CHAPTER 43

BRIANNA

              ISANG LINGGO NA lumipas pero hindi pa rin kami nagkikita. Ang sabi ng teacher ni Spiro ay may pumupunta raw doon kapag iniiwan ko na si Spiro. Nagpapakilalang tatay daw ni Spiro.

Iniiwasan niya ako. Ramdam ko naman 'yon. Kaya Spiro kay siya nagpapakita at nakakainis dahil dinadamdam ko 'yon. Alam ko naman na dapat talagang kay Spiro ang focus niya at hindi ako kasali pero nag-iisip pa din ako about do'n.

Ilang linggo mula ngayon ikakasal na kami ni Diego at birthday na rin ni Spiro. Hindi pwedeng wala si Dereck dahil birthday 'yon ng anak namin. Bakit naman kasi sa mismong birthday pa ni Spiro kami ikakasal.

Nakaayos na ang lahat. Si Diego ang nag-ayos at hindi niya ako pinakilos. Gusto niya surprise daw. Wala namang problema sakin 'yon dahil wala din ako sa mood mag-ayos ng kasal. Mas iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Dereck na ang pinsan niya ang papakasalan ko.

“You okay?” Pag agaw ng pansin ko ni Diego. Nandito kami ngayon sa condo niya. Nanonood kaming movie habang si Spiro ay naglalaro.

“O-oo.” Ngumiti ako para hindi siya mag-alala. Okay lang naman talaga ako. Walang problema. Oo. Tama. Walang problema.

“I'll take care of you...” Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Gumanti din ako ng yakap sakanya.

Nang matapos ang movie ay napagpasyahan namin na umuwi na. Ihahatid kami ni Diego dahil wala naman akong dalang kotse dahil sinundo niya kami kanina. Tulog na si Spiro sa backseat dahil puro sila harutan kanina.

Nakaawang ang bibig niya at mahinang humihilik. Cute talaga nitong bata na 'to. Gosh. Galing 'yan sakin? Sabagay, maganda kasi ako.

Kagat kagat ko ang kuko ko habang naglalakad paalis ng garden. Dumiretsyo ako sa kwarto ni Spiro at naabutan ko siyang tulog na. Ang bilis naman nito makatulog.

Bumaba din ako pagkaayos ko ng kumot ni Spiro. Ewan ko ba sa batang 'to. Ang lamig lamig ng kwarto pero bihira lang magkumot.

Narinig kong nagsisigawan silang dalawa pero hindi ako pumunta. Baka masuntok ako at mag alala pa si Spiro. Nanatili ako sa hagdan.

Maya maya ay lumabas si Dereck mula sa garden. Nagtama ang paningin namin. Parang biglang may sumipasa puso ko dahil sa luha niyang papalabas na.

Oh my, God. Nasaktan ko siya. Nasaktan ko na naman siya. Kitang kita ko ang galit at sakit sa mga mata niya. Gustong gusto ko siyang lapitan.

Tuloy tuloy siyang umalis sa bahay kaya bumaba ako sa hagdan pa sundan siya. Hindi ko kaya ng ganito. Ayokong masaktan siya at ako pa ang dahilan.

Oh my, God. Kung ako 'yon at malaman kong ikakasal na siya baka ipakulam ko ang babaeng papakasalan niya.

Susundan ko sana siya pero narinig ko ang boses ni Diego. “Susundan mo siya?” Nang lingunin ko siya ay nanlaki ang mata ko. Duguan ang mukha niya!

“A-anong nangyari sayo?” Hinila ko siya paupo sa sofa nang bigla kong maalala si Dereck. Susundan ko ba siya o gagamutin ko si Diego? “S-sandali lang.”

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng bahay. Nakita ko ang kotse ni Dereck na mabilis ang takbo.

Parang binagsakan ang puso ko sa nakita. Oh my gosh. Umalis siya? Baka mabunggo 'yon. Kawawa yung gulong sa bilis niya magpatakbo.

Bumalik ako sa loob at kumuha ng first aid kit. Nilinis ko ang sugat ni Diego habang nakatingin siya sakin.

“I won't mind kung babalik ka sakanya.” Napalunok ako sa sinabi niya.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon