CHAPTER 32

21.6K 369 24
                                    

CHAPTER 32

BRIANNA

"AH... IPAPALIWANAG ko na lang sayo mamaya, Hope." Parang wala sa sariling tumango si Hope at umalis sa harap namin.

"Hey, you okay?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako at ngumuso. "You want me to kiss you?" Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Siraulo," Bulong ko. Nasaan na ba si Paul? Gusto ko siyang makita.

Maya maya pa ay dumating na ang order namin. Si Kristine ang naghatid no'n at isang bago ata. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kristine nang makita niya si Dereck.

"Oh my, God, Dereck Cole Rivera?"

Kilala siya ni Kristine?

"Yeah?"

Tumingin sakin si Kristine. "Magka-ano ano kayo?" Kinagat ko ang pang ibabang labi ko.

"B-boyfriend ko siya." 'Yon ang sinabi ni Dereck, hindi ba? Wala naman sigurong masama?

"A-ah, s-sige." Binaba niya ang iced tea sa lamesa namin at umalis na.

Anong nangyari do'n?

Kumain ako nang kumain habang si Dereck ay kinakausap ako habang kumakain na sinasagot ko din naman. Ewan ko ba, kakakain ko lang kanina pero kumakain na naman ako ngayon.

Oh my, God! Baka tumaba ako!

"Bakit mo pala sinabing mag boyfriend tayo?" Tanong ko sakanya.

"Why? Ano bang gusto mo? Hmm. Husband and wife?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa naman niya.

Masaya ka? Suntukin ko mukha mo r'yan.

"Ewan ko sayo. Restroom muna ako."

"Take your time." Kumindat pa siya sakin.

Ang totoo nyan hindi talaga ako pupunta sa cr, pupunta ako sa mga kaibigan ko.

"Brie! Halika nga rito." Tawag sakin nila Hope at Kristine. Nagchichikahan sila ngayon.

"Bakit?" Tanong ko nang makalapit ako.

"Anong bakit? Magpaliwanag ka kung paano kayo nagkakilala ng Dereck Cole Rivera na 'yon? at bakit boyfriend mo siya? Kailan pa? At higit sa lahat bakit buntis ka? Bakit hindi mo samin sinasabi?"

Napapikit ako sa dami ng tanong nila.

"Nagkakilala kami sa bar na pinapasukan ko noon. Boyfriend ko siya kasi boyfriend ko siya, bawal ba? At magta-tatlong buwan na kami. Buntis ako kasi uhm... Syempre, ano bang ginagawa para makagawa ng baby?"

"Pero bakit hindi mo sinabi samin?" Parang mananapak na si Hope. Ngumuso naman ako.

"Hindi ko rin alam, e." Tinignan ko si Kristine. "Paano mo nakilala si Dereck?" Tumaas ang kilay niya.

"Hello? Halos lahat ng magazine siya ang laman. Siya lang naman ang may ari ng Rivera's Empire at ng iba pang kompanya sa iba't ibang lugar kaya kilala talaga siya." Tumango ako. Bakit hindi ko alam?

"By the way, paano na si Paul? E, crush ka no'n, e." Hala! Oo nga pala si Paul.

"Alam niyo?" Gulat kong tanong.

"Hello? Ikaw lang naman ang hindi. Manhid ka kasi." Umirap si Kristine pero ngumiti din. "Buntis ka nga pala, ilang buwan na? Ninang ba kami?" Napangiti ako sa tanong niya.

"5 weeks pa lang at oo syempre ninang kayo." Lumapit naman sila sakin at dinama ang tyan ko na hindi pa naman halata. "Si Paul pala?"

"Nandoon sa locker room. Bitter, e. Nakita kasi kayo ni Mr. Rivera na magkasama kanina." Tumango ako. "May name na ba ang baby?"

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon