CHAPTER 34

20.5K 370 15
                                    

CHAPTER 34

BRIANNA

"28K PO MA'AM." Napangiwi ako. Pinagpapawisan ako sa presyo ha.

Pinagmasdan ko yung singsing. Magugustuhan kaya 'to ni Dereck? Kung oo, bibilhin ko na ito.

"Uhm, sige po kukunin ko. Pwede po ba lagyan ng name?" Sana ma-gets niya.

"Opo, free na po 'yon. Ano po bang ilalagay? Pakisulat na lang po dito." May inabot siya sakin papel at ballpen.

Uhm. Ano bang maganda ilagay? Nai-stress na ako ha. Kanina pa ako nag-iikot dito sa mall.

Our memories

"Pahintay na lang po, Ma'am. Ito po yung pakilagyan na lang po ng mga kailangan. Cash po ba or credit?" Sabi ni ate.

"Cash na lang." Ngumiti ako sakanya. Nilabas ko ang wallet. Dalawang buwan ko din na sahod 'to pero okay na.

Inabot ko lahat ng kailangang iabot para matapos na. Gusto ko na umuwi dahil gabi na rin. Anong oras na kasi akong nagising.

"Thank you po, Ma'am." Sabay abot sakin ng singsing na naka-box.

"Thank you." Kinuha ko na 'yon pumunta sa parking lot. Nandito kasi si Carden at sabi niya hihintayin niya na lang ako.

Woah! Nandito nga! Hindi umalis? Bait naman pala. Sana binilhan ko ng ice cream.

Nakatulala ako buong byahe. Naisip ko kung paano ako makakapunta sa Palawan bukas ng gabi. Kung hindi eroplano ang sasakyan ko ay mahigit isang araw ang byahe at kung eroplano naman ay isang oras at kalahati lang.

Mag-e-eroplano na lang ako, 'no!

Nang makauwi kami ay sa swimming pool area muna ako pumunta para tawagan ang may ari ng bibilhin kong bahay

["Hello, Miss Brianna?"] Aba! Kilala niya ako?

"Uhm, Hi, Laira. Gusto ko lang sabihin na bukas ng gabi ang dating ko r'yan. Bibilhin ko na agad yung bahay para may matutuluyan na ako."

["Nako! Talaga po? Sige, sunduin ka na lang po namin pagdating niyo? Para mas safe ka."] Napangiti ako. Ang bait.

"Uhm, sure. Tatawagan na lang kita for updates."

["Sige, Miss Brianna. Aayusin ko na rin yung master's bedroom para comfortable ka."]

"Sige, salamat talaga, Laira." Ibinaba ko na ang tawag.

Ano kayang ulam? Si Dereck kaya asan? Umalis din kasi ang lalaking 'yon kanina dahil aayusin niya yung pagkain para bukas.

"Ma'am Brie, naayos ko na po ang maleta mo at isang malaking bag." Bungad ni Manang Cindy pagkapasok ko sa kusina. Nandito silang tatlo ni Steph at Tess.

"Thank you po, Manang Cindy." Niyakap ko siya.

"Aalis ka ba talaga, Ma'am Brie? Hindi ka ba mapipigilan?" Tanong ni Steph at parang maiiyak na.

"Naka-ayos na ang lahat, Steph. Ang pag-alis ko na lang ang kulang." Biglang umiyak si Tess.

"Tatawag ka, Ma'am Brie, ha? Kahit samin na lang." Inabot niya sakin ang pirasong papel na may laman na cellphone number nila.

"Susubukan ko." Bigla tuloy akong naiyak. Parang tanga naman.

"Mag-iingat ka, Ma'am Brie. Tawagan mo lang kami kapag may problema ka." Tumango ako at ngumisi sakanila.

"Thank you dito, thank you ng sobra sa inyo." Nag-group hug kaming apat.

Kung pwede ko lang sila isama isasama ko talaga sila kaso ayoko namang mahirapan si Dereck dito kung siya na lang mag isa. Ayoko din 'yon.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon