CHAPTER 28

19.8K 326 21
                                    

CHAPTER 32

BRIANNA

            "HI, BRIE! HAPPY birthday!" Bati ni Hope. Hindi niya duty ngayon dahil nag-off siya pero pumunta pa rin siya dito sa restaurant.

"Thank you," May inabot siya saking regalo. "Salamat. Nag-abala ka pa."

"Nako, wala 'yon, 'no. Ano? Nasaan na ba sila?"

"Kinukuha na lang ni Kristine yung gamit niya para makaalis na tayo." Tumango siya.

"Ilang taon ka na ba?" Oo nga no?

"Twenty three na." Tinaasan niya ako ng kilay.

"Seryoso ka r'yan? Parang hindi naman." Humagikgik siya at may tinignan sa cellphone niya.

Napabuntong hininga ako. Lahat sila binati na ako pero si Dereck hindi. Gusto kong kutusan ang sarili ko. Syempre, paano niya malalaman na birthday ko e hindi ko naman sinabi.

Hindi ba talaga siya uuwi? 3 PM na. Tumawag naman siya sakin kanina para mag-good morning pero hindi niya talaga alam na birthday ko ngayon.

"Tara na sa Padi's Point!" Umakbay si Kristine samin.

"Brie, ayos ka lang?" Tanong ni Paul na nasa gilid ko.

"Oo naman." Tinignan niya ako na parang hindi naniniwala. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Bahala siya kung ayaw niyang maniwala.

Hindi ba talaga alam ni Dereck na birthday ko? Nakakainis naman. Parang gusto kong maglumpasay sa inis kaso hindi ko naman pwedeng gawin 'yon.

DERECK

            "SIR, ITO PO yung budget na kailangan natin para sa lahat lahat ng kailangan na gastusin para sa resort. Ni-list na rin po ng mga tao natin yung kailangan niyong i-check at dagdagan ng funds." Tumango ako kahit medyo wala ako sa sarili. Mula nang dumating dito si Selene medyo nabawasan na ang trabaho kong minamadali ko talaga.

"And after that, ano pang kailangan kong gawin?" Tinignan niya ang list ng mga gagawin ko.

"May dalawang meetings pa po kayo."

"Alright." I looked at my wrist watch. It's 3:45 PM. "After no'n, wala na akong gagawin?"

"Wala na, Sir. Tinapos niyo na agad, e." I smirked.

"Uuwi tayo ngayon."

"Po? Hindi ba pwedeng bukas na lang? This day is so tiring." I shook my head. I miss Brie so much. Mababaliw ako kapag hindi ko pa siya nakita ngayon.

"I want to go home tonight. Kahit last flight ayos na."

"Sige po." Bumuntong hininga siya at tumawag sa Cebu Pacific. "Sir, 8 PM po ang alis ng plane mamaya."

Wait for me, Brie. It's a surprise, beautiful. I'm sure you'll be happy to see me after days.

BRIANNA

          "CHEERS!" Nag-cheers kaming lahat.

Tatlong oras na kaming nandito pero parang tatlong minuto pa lang. Lahat sila umiinom maliban sakin. Ang layo layo nga ng alak sakin dahil parang masusuka ako sa amoy.

"Magpa-request tayo ng kanta, guys!" Pagyayaya ni Hope. Tumawag siya ng waiter. "Anong gusto niyong kanta?"

Hindi pa rin tumatawag si Dereck. Gano'n ba siya ka-busy? Parang wala na siyang oras sakin. Kailan ba kasi siya uuwi?

"Ako na lang kakanta, pwede?" Tanong niya sa waiter.

"Pwede naman po pero pang apat pa kayo kasi may mga nakapila pa. Tatawagin na lang po namin kayo." Sabi nung waiter.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon