CHAPTER 20

21.7K 382 35
                                    

CHAPTER 20
R-18

BRIANNA

           WALA NA SI DERECK ngayon dahil pumasok siya. Siya din ang nagsabi sakin na hindi ako papasok para makapag pahinga at kung gusto ko daw pumunta sa kompanya niya magpahatid daw ako kay Carden.

Naabutan kong nag-uusap sina Steph at Tess, kasambahay dito.

"Alam mo ba kagabi naglilinis ako sa labas tapos nakita ko si Ma'am Brie pati si Sir Dereck na naghahalikan sa labas ng kotse. Grabe kilig na kilig ako." Nanlaki ako mata ko. Nakita niya kami?!

"Minsan nakita ko din silang dalawa na ang sweet dito sa kusina," Parang kinikiliti silang dalawa dahilan para matawa ako pero hindi naman nila napansin.

"Sana magkalaman na yung t'yan ni Ma'am Brie tapos sana kambal para may maghahabulan na dito sa bahay!" Napangiti naman ako.

"Oo nga! Pero sayang naman yung katawan ni Ma'am Brie, ang sexy e." Sexy daw ako?

"Magiging ganyan ka din ka-sexy kung hindi ka puro lamon." Napangisi ako at tuluyan nang nagpakita sakanila.

"Good morning po, Ma'am Brie." Sabay na bati nila.

"Good morning din." Nginitian ko naman sila. "May sinabi ba si Dereck kung anong oras siya uuwi?"

"Wala ho, e." Tumango naman ako at ngumuso. Mabilis lang akong kumain dahil mas gusto kong magpahinga.

Dahil wala naman akong magawa kaya itinulog ko na lang ang bagot na nararamdaman ko.

...

         NAGISING ako dahil gusto ko. Bakit? Masama bang magising?

Napatulala ako dahil may bigla akong naalala. Ang sabi ni Dereck ay dalawang buwan na lang at birthday niya na. Ibig sabihin October ang birthday niya?

October ano? Ay boba! Nabasa ko pala kung kailan yung birthday niya!

October 13.

Ang akin kasi ay September 9. Ngayong buwan na pala. Hindi ko namalayan na August pala kami nagkakilala ni Dereck at isang buwan na simula no'n.

September 1 na ngayon.

Hindi ko ramdam. Ako lang naman kasi ang may alam. Teka, anong oras na ba?

6 PM.

Bakit ba sobrang bilis ng oras? 6 PM na? Parang kanina kumakain lang ako ah. At bakit wala pa si Dereck? Dapat kanina pa 'yon nandito.

Napaigtad ako nang biglang may kumatok. Tumayo naman agad ako at pinagbuksan ang taong kumakatok.

"Bakit?"

"Ma'am, nandyan po si Sir Jackson hinahanap ka po." Napakunot ang noo ko.

"Bakit ako? Hindi ba si Dereck ang pinsan niya?" Weird naman. Ano bang ginagawa ng isang 'yon dito?

"H-hindi ko po alam, Ma'am Brie. Mukhang nakainom din po kasi si Sir Jackson. Pinapauwi ko naman po, e kaso ayaw." Tumango naman ako.

"Sige, salamat. Baba na ako." Umalis naman agad siya. Pumunta muna ako sa kwarto ko at kumuha ng jacket dahil naka sleeveless lang ako at malamig sa labas.

Takang taka ako habang naglalakad palabas. Bakit siya nandito? At bakit siya lasing?

Nakita ko siya agad paglabas ko ng gate. Nakasandal siya sa kotse niya at namumungay ang mata. Apat na metro ang layo ko sakanya pero naamoy ko pa din ang alak na ininom niya.

Bumaling sakin ang atensyon niya. Bigla siyang napangiti na parang tanga at susuray suray na lumapit sakin.

"Hey, Brie." Hindi ako nakaiwas nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon