CHAPTER 16

22.2K 375 9
                                    

CHAPTER 16

BRIANNA

  "SO, KAILAN ANG kasal?" Putragis. Anong kasal? Bakit may kasal? Wala naman sa usapan 'yon. Bakit may gano'n? Ayoko ikasal! Wala pa akong pang-ambag sa bill namin.

"Mom, can we just talk about it later?" Napalunok ako. Later? Ibig sabihin meron nga?

"Why not now?" Tumaas ang kilay niya. Bumaling na naman siya sakin at lumapit.

Nakita ko namang ngumisi si Dereck at kumindat sakin.

"Ito yung mga babaeng gusto ko for you, anak. Simple lang." Lumapit naman si Dereck sakin at pinalibot ang isang braso niya sa bewang ko.

"That's why I chose her to be the mother of my child, Mom." Kimi lang akong ngumiti. "Where's dad, by the way?"

"Nasa bahay, sleeping. Oh, by the way, son, and what's your name, hija?" Napaigtad ako at agad na inabot ang kamay ko sakanya.

"Brianna po. Brie for short." Ngumiti ako. Inabot niya naman ang kamay niya sakin.

"Such a nice girl. I'm Elaine Rivera. Dereck's mother." Ngumiti siya. "I'm inviting you both at my house. Magpapahanda ako ng pagkain." Napalunok ako. Pupunta kami sa bahay nila?

"Sure, mom. We'll be there." Ngumisi naman ang Mommy niya. Nagpaalam na din siya at bumeso na din sakin bago umalis.

Nang tuluyang nakaalis ang mommy niya ay hinarap ko na agad si Dereck.

"Hoy! Anong kasal yung sinasabi ni Mommy mo?" Tanong ko. Ngumiwi lang siya at bumalik na sa upuan niya.

"That's not true. Ang alam ng parents ko kailangang kasal din ako, but nah. Okay na ang kahit anak lang." Nakahinga naman ako ng maluwag. "Actually, I don't know why she's expecting us to get married if she's aware that my grandfather hates marriages."

Huh? Ayaw ng lolo niya sa mga kasal? Edi silang dalawa ni Jackson ay hindi ikakasal?

"What are you thinking?" May hawak siyang ballpen at nakatingin sakin.

"Wala naman." Inubos ko na ang soup at uminom ng nestea. Ang sarap talaga.

Ilang minuto ang lumipas tumayo na si Dereck at sinuot ang coat niya. Tumayo na din ako at niligpit ang pinagkainan.

"Hayaan mo na 'yan. Let's go." Sumunod naman ako.

4:30 PM pa lang. Ang bilis naman yata ng oras? Parang gusto ko na lang umuwi dahil baka nakakatakot ang itsura ng daddy ni Dereck.

Pinagbuksan niya ulit ako ng pinto ng kotse niya nang makarating kami sa parking lot na kotse niya lang ang naka park.

"Chill." Natawa naman siya ng makitang natetense na 'ko. Paano pa kaya kapag sasabihin ni Dereck na buntis na ako at baka mas maraming tao ang makakaharap ko.

"Are you nervous?" Napanguso ako. Ang daldal niya naman?

"H-hindi, bakit?" Natawa na naman siya.

"You look nervous, Brie. Calm down. Dad will like you just like mom." Nabawasan naman ang pag-aalala ko.

"Sabi mo 'yan ha?" Muntik nang tumalon ang puso ko nang hawakan niya bigla ang kamay ko.

"Trust me." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Mula nung gabing binigay ko sayo ang sarili ko, 'yun na din ang oras na ibinigay ko sayo ang tiwala ko." Bigla siyang natigilan saglit at kiming ngumiti.

Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at nag drive na ulit. Hindi naman 'yon kalayuan sa Rivera's Empire pero feeling ko matagal pa rin ang naging byahe.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon