CHAPTER 18

20.8K 413 32
                                    

CHAPTER 18

BRIANNA

          SYEMPRE MAS MAAGA akong nagising kay Dereck dahil hindi naman ako nakainom. Ginawa ko na agad ang morning routine ko bago bumaba at kumuha ng tubig at pain killer.

Sure akong masakit ang ulo ng isang 'yon. Pag akyat ko sa kwarto niya ay tulog pa rin siya kaya naisipan ko munang maligo sa kwarto na tinutuluyan ko.

Nagbihis na agad ako at bumalik sa kwarto ni Dereck. Naabutan ko siyang nakahawak sa ulo niya at nakangiwi.

"Inumin mo 'to." Inabot ko yung gamot at tubig. Ininom naman agad niya.

"Thank you." Humiga siya ulit kaya napataas ang kilay ko.

"Hindi ka ba mag-aayos na? May pasok ka ngayon." Gumulong siya bigla sa kama niya.

"Fuck. My head... It hurts." Bigla tuloy akong nagdalawang isip na pumasok. Kawawa naman 'to.

"Ayos ka lang ba?" Tinukod ko ang isang tuhod ko sa kama niya at nilapitan siya.

Nakaawang ang bibig niya. Nilagay ko ang ulo niya sa hita ko at inumpisahan ko 'yon masahiin. Pikit ang mga mata niya at parang dinadama ang pagmamasahe ko sa ulo niya.

"Paano nga pala ako napunta rito?"

"Binuhat kita." Nanlaki ang mata ko.

"Akala ko ba lasing ka? Paano mo 'ko nabuhat?" Si Superman ba siya?

"Jackson tried to carry you 'coz I was so drunk but I refused, of course. I don't want him to touch you." Parang kinikiliti ang puso ko sa sinabi niya. Dumilat ang mata niya na deretsyong nakatingin sakin.

"B-bakit?"

"You look beautiful." Automatic akong napangiti sa sinabi niya kahit hindi ako sigurado kung binobola niya lang ako o ano.

"Mag-ayos ka na. Baka hinihintay na tayo ni Jackson sa baba." Biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya.

"Why do I have this feeling that you both have—ugh. Nevermind." Umangat na ito at pumunta sa banyo.

Natulala na lang ako sa sinabi niyang hindi niya naituloy. Alam niya na ba? Paano kapag nalaman niya? Magagalit ba siya?

Hindi 'yan.

Sabi ng maliit na tinig ng konsensya ko. Oo, tama, hindi siya magagalit. Mahalaga ako sakanya, dama ko 'yon.

Lumabas na ako ng kwarto niya at bumababa. Saktong mukhang kakababa lang din ni Jackson at mukhang gutom na din.

"Good morning." Bati niya.

"Morning." Pumunta ako sa kusina para tunulong na mag-lagay ng pagkain sa mesa. Masasarap ang mga pagkain kaya sure akong magugustuhan 'to ni Dereck.

DERECK

  
        I TOOK A DEEP BREATH before I pressed the call button. I'm done taking a bath. And Brianna's not around so I decided to call my close friend.

["Psyche Vicedo speaking."]

"Psyche, this is Cole."

["Oh, yes, bro, why?"] Damn. Bakit nga ba?

"I need your help. I want to know Brianna de Castro's past. She's with me now. Everything about her. Specially her former relationships. I want it tonight, can you give it to me?" I asked with desperation. My instinct kept disturbing my fuckin' mind.

["Brianna? Your?"]

"She'll be the mother of my child, Psyche." Natahimik naman siya.

["Oh! Yung tinawag mong Brie no'ng nasa restaurant kayo? I was there, but you didn't notice me."]

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon