CHAPTER 4

29.9K 538 18
                                    

CHAPTER 4

BRIANNA

          DAHAN DAHAN kong minulat ang mga mata ko. Nagising ako dahil sa lambot ng kama. Oo, sa lambot. Weird.

Kunot noo pa ako dahil sa sinag ng araw. Bakit ba bukas ang kurtina? Ang sakit sa mata. Noong nakapag adjust ang mata ko ay tinignan ko ang sarili.

Oh. My. God.

Kumot na lang ang nagtatakip sa katawan ko. Shit! Nangyari na ba talaga? Baka naman panaginip lang? Diyos ko! Wala na! Wala na ang iningatan ko buong buhay!

Tinukod ko ang braso para umangat. Tatayo na sana ako para isara ang kurtina dahil gusto ko pang matulog pero naramdaman ko agad ang kirot sa pagitan ng hita ko. Punyeta naman! Wala naman itong sakit na 'to kagabi.

Tinignan ko kung sino ang nasa tabi ko. Hala ka! Bakit ba ngayon ko lang naalala na nandito si Dereck?! Nakadapa siya at sakin nakaharap ang mukha niya.

Kung lalaki kaya ang magiging baby namin kamukha niya? Ang amo ng mukha niya at bahagyang nakaawang ang bibig niya.

Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi!

Tatlong beses. Tatlong beses namin ginawa 'yon. Kumbaga nagpapahinga lang kami ng ilang minuto tapos papaibabaw na naman siya. Hindi ko rin siya magawang pigilan noon dahil gusto ko rin.

Naramdaman ko ang lamig dulot ng aircon. Ewan ko ba, ang lamig lamig naman kagabi pero pawis na pawis ako.

Umatras ako para makatayo na. Ang lagkit ko kasi. Pero sa bawat paggalaw ng hita ko, kumikirot ang sa baba ko. Grabe naman, ang sakit talaga. Kailan kaya mawawala ito?

“Where are you going?” Muntik na ako mapatalon nang magsalita si Dereck. Akala ko ba tulog siya?

“S-sa banyo.” Nag-init ang pisngi ko dahil parang nag replay sakin ang tunog na nanggagaling sa bibig namin.

“Hmm, mamaya na. Stay here.” Inaantok pa ang boses niya dahil sa tono nito at nakapikit pa.

Bigla kong naalala yung ano niya. Grabe. Ang laki no'n at ang haba. Parang ang lusog lusog pa. Buti kinaya ko? Ang wish ko pa naman ay pututoy dahil gano'n ang binigay sakin.

Kinagat ko ang kuko dahil feeling ko konting push na lang lalamunin na ako ng kama dahil sa sobrang hiya. God! Naalala ko pa yung ginawa niya noong nasa gitna ng hita ko ang ulo niya.

“Ah, sige.” Humiga ulit ako at inayos ang kumot.

“Much better,” Yumakap ang braso niya sakin. “I know you're still sore.” Nanlaki ang mata ko sa binulong niya. Putragis.

Pucha.

Putragis.

Punyeta.

Nagmulat ang mata niya at agad 'yon tumama sa mata ko.

Ngumisi siya at nagkagat ng labi. God! Inaakit ba ako nito? Ayoko pa. Masakit pa, huhuhu.

“Uhm... Ano, uuwi muna ako. Maglilinis ako ng apart—”

“You'll stay here for today. Look at yourself, you can't walk.” Ngumiti ito sakin.

“K-kaya ko naman konti.” Sinubukan kong igalaw ang binti ko pero napangiwi lang ako.

“See? I got you last night. I'm your first and damn. I know it hurts. I'm sorry.” Umangat ang kamay niya at napunta 'yon sa dibdib kong natatakpan ng kumot. “Tell me your experience last night.” Humalik siya sa leeg ko. Oh, shit.

“K-kailangan ba talaga no'n?” Tumango ito. “A-ano, masakit.” Sabi ko.

“'Yun lang?” Nag-umpisang gumalaw ang kamay niya sa dibdib ko katulad nang kagabi.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon