CHAPTER 21

20.7K 374 3
                                    

CHAPTER 21
R-18

BRIANNA

             "SIGURADO KA BANG magre-resign ka na sa susunod na buwan?"

"Oo, lilipat na rin kasi ako." Ngumiti ako kay Paul. Nasabi ko kasi sakanya na magre-resign na ako.

"Saan ka naman lilipat? Sobrang layo ba? Pwede ka naman doon malapit sa tinutuluyan ko—"

"Gusto kong lumayo muna. Isang buwan pa naman." Ngumiti ulit ako at nilagpasan na siya.

Nilinisan ko ang apat na lamesa at binigay ang dalawang order. Pilit kong hindi inaalala yung nangyari kagabi dahil kumikirot ang puso ko.

Isang buwan na lang naman ang titiisin ko at makakapag layo layo na ako.

Kaninang umaga ay inagahan ko talaga ang gising kahit na masakit pa rin ang gitna ng hita ko. Ayoko kasing maabutang gising si Dereck kaya kahit sobrang agad pa ay umalis kaagad ako.

Wala rin akong pasok sa bar kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta muna. Siguro uuwi na lang ako at magpapanggap na tulog para walang kumatok.

"Brie, pakiabot naman 'to sa table #9." Kinuha ko naman 'yon at inabot sa table #9.

May bagong costumer na pumasok at umupo agad kaya nilapitan ko para kuhain ang order niya.

"Good morning, sir—" Natigilan ako nang makita ko kung sino ang costumer. "C-can I get your order, please?" Kahit gusto ko na siyang suntukin.

"I need a minute, Brie. Can we talk?" Pilit akong ngumiti.

"Your order, sir?" Napabuntong hininga naman siya.

"Carbonara and one pineapple juice." Tumango ako at nilayasan na siya. Binigay ko agad ang pirasong papel na may sulat ng order ni Jackson para magawa na agad.

Kasalanan niya kung bakit nagkagano'n yung nangyari kagabi.

"Brie, hindi ka pa magbibihis? Malapit na out mo, ah." Siko sakin ni Kristine na nagpapagpag na ng kamay.

"Mamaya na. Five minutes pa naman." Kung dati ay atat na atat ako, ngayon ay kulang na lang pahintuin ko ang oras dahil ayokong umuwi muna.

"Brie, ito na yung order." Napangiwi ako pero kinuha ko din.

Naglakad agad ako papunta sa table ni Jackson na kanina pa nakatingin sakin. Inilapag ko ang orders niya sa lamesa.

"Can we talk? Please?" Napabuntong hininga ako.

"Mamaya. Pagka-out ko." Tumango naman siya.

Kinuha ko muna ang order ng isa pang costumer bago nagbihis at kunin ang bag ko. Nilapitan ko naman si Jackson na kakatapos lang kumain.

"Please be seated." Umupo ako sa harap niya.

"Anong pag-uusapan natin?" Bumaba ang tingin niya.

"First, I want to apologize for what I have done last night. I was drunk and all I want was to see you,"

"Ayos lang. Nangyari naman na." Napalunok siya.

"Second, tanggap ko na. Hindi ka na babalik sakin." Pilit siyang ngumiti.

"Salamat."

"Third, can I have favor?" Kumunot ang noo ko.

"Ano 'yon?"

"Be happy." Kusa akong napangiti at nangilid ang mga luha ko.

"Masaya naman ako." Tipid siyang ngumiti.

A Deal with Mr. Billionaire [ Billionaire Series #1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon