8

24K 581 22
                                    

HER POV

Late na naman ako ngayon, at malapit na rin mag start ang second period namin at kung hindi pa ako magmadaling maglakad ngayon ay mahuhuli pa ako sa sexond period namin.

Kaya dali-dali naman akong umakyat ng hagdan para makaabot na sa floor namin.

Medyo hiningal pa nga ako bago nakarating sa room namin, ilang hakbang pa kasi 'yong lalakarin ko bago makarating sa floor namin at nakita kong nakalabas na ang first period prof namin. Kaya tumalikod naman ako para hindi niya ako mahuling late, alam ko kasing mapapagalitan ako.

Nang tuluyan na itong makaalis ay nagmadali naman akong pumasok sa loob ng classroom namin. Sa harapan na pinto na ako dumaan kasi nakasara na 'yong sa likod na pinto.

Nang makapasok na ako ay may paang humarang sa daraanan ko,at nung tignan ko naman kung sino ang nagmamay-ari nang paa na 'yon ay bigla namang uminit ang ulo ko.

He is staring coldy at me right now. "You're late." at tumiim pa ang bagang nito and his eyes became intimidating.

Tinignan ko lang ito. "Alam ko." aminado naman.

"You already know that I am the president here and I know that you are aware of my role here, especially in this university. And it's my obligation to warn you, you're late... again." he emphasize it, word by word.

I sighed. "I know it president, alam ko rin namang late ako eh." wala naman na akong magagawa dun.

He chuckled. "Mabuti naman at alam mo."

Nginitian ko naman siya ng nakakaloko. "Late nga ako for my first period, at least ang early ko naman for my second period, right?" at nginisihan ko siya.

Nakita kong napatawa naman si Theodore sa sinabi ko, at yung babaeng katabi niya ay tinitignan lang ako ng masama para bang sinusuri ang buong pagkatao ko. Mukhang mataray siya.

"I'm starting to like this transferee ha." sabi ni Theo habang tumatawa.

Napatingi naman 'yong katabi niyang babae. "What?!" at hinampas naman siya ng girlfriend niya.

Kaya napatigil naman siyang tumawa ngayon. "I'm just kidding, honey." agad naman itong lumapit sa nobya niya. Wow, sa harap ko pa talaga?

Oo na, ako na ang walang jowa.

"Tsk! Umayos ka nga Theo!" pagbabanta ng girlfriend niya sa kanya.

"Opo." at sinuyo niya pa ang girlfriend niya. Napatingin naman ito ulit sa akin. "At teka... Jethro, baka kinakawawa mo naman ang transferee natin ha." kung alam mo lang Theo, kung alam mo lang.

Tumaas naman ang kilay ni Jethro. "What?!"

Tumayo naman si Theo ngayon. At tinignan ako nito. "Veranice, right?" at nginitian ako ni Theo, ang swerte naman ng girlfriend niya, ang pogi din kasi ni Theo.

"Oo." at tumango tango naman ako sa kanya at ito ang unang pagkakataon na mag-usap kami ni Theo. Ngayon niya lang din ako napansin at mukhang mabait naman 'tong si Theo eh si Jethro lang talaga yung hindi.

"I'm Theodore Sy." pagpapakilala nito sa akin at kinamayan niya pa ako.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Veranice Maquiran." at nakipagkamay din ako sa kanya.

"Nice to meet you Veranice, you can take your seat now, pero sana huwag ka ng malalate sa susunod ha." sabi nito sa akin.

Tumango lang ako sa kanya.

"At sana maintindihan mo rin si Jethro." at tumingin pa ito sa kaibigan niya. "Alam mo naman kasing ginagawa niya lang 'to for your own good.'' mahinahon na sabi nito akin.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon