21

19.6K 497 41
                                    

Her POV

Lunch break na namin ngayon at ito ako ngayon, binibilisan ko ang paglalakad ko. Iniiwasan ko kasi si Jethro at kaninang umaga ko pa ginagawa 'yon. Ayaw ko kayang sumama sa kanya no. Mas gugustuhin ko na lang sumama kay Lucian.

"Bakit ba kasi tayo nagmamadali?" tanong ni Kiel.

Nilingon ko naman siya. "Basta, bilisan niyo na lang."

"Hay nako, Vera. May iniiwasan ka ba?" si Eula.

Agad naman akong lumingo. "Nako, wala ah!" agad na sagot ko sa kanya.

"Dahan-dahan naman kasi... bakit ba parang atat na ata ka diyan." sabi ni Famcy.

"Basta bilisan na lang natin."

Pero bigla naman itong napahinto. "Uy! Si Lucian oh. Papunta siya dito." sabi ni Fam, at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita ko siyang papunta na rito. Mabuti naman at nandito na siya.

"Hi guys." bati nito sa amin.

"Hello, Lucian!" si Fam at si Shia naman ay nakayoko lang.

He looked at me. "Hi, Vera." at nginitian ako nito.

"H-hello." Damn. Ba't ba kasi ang pogi niya ngayon.

"Kakain na ba kayo?" he asked.

"Ah oo. Papunta na rin kami sa Cafeteria.'' sabi ni Famcy.

"Ah, I see." lumapit naman ito sa akin. ''How about you Vera? Are you free right now?" he asked me.

Wala naman na sigurong rason para iwasan ko siya diba? Kasi una sa lahat ay hindi naman pala siya gusto ni Shia. At kinausap ko na rin si Eula tungkol dito. I told her that Lucian is harmless. At hindi naman siya masamang tao para iwasan ko.

"Yes, I'm free" at ngumiti ako sa kanya.

A smile formed in his lips, "Really? So, can we go out now?" he asked.

"Sure." mabilis na sagot ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa mga kaibigan ko. "Guys, can I have Vera today? Ibabalik ko rin siya sa inyo mamaya." biro naman ni Lucian.

Hinawakan naman ni Kiel ang balikat ni Lucian. "Oo pre, kahit huwag mo na ngang ibalik sa amin yan eh." sabi naman ni Kiel kaya hinampas ko naman siya.

Bigla namang pumagitna si Shia. "Sure, you can have Vera, Lucian." sabi ni Shia kaya napatingin kaming lahat sa kanya. She's smiling from ear to ear.

Pati si Lucian ay nakatingin na rin sa kanya. "Yeah." at nginitian siya ni Lucian.

"Enjoy." at tinignan ako Shia at nginitian. I don't know what to feel right now.

I fake a smile, "Thank you, Shia."

"Alright, so let's go na Ver-"

"Who says you have her? at nagulat naman ako ng biglang lumitaw si Jethro sa tabi ko. Napaangat naman ako ng tingin kasi ang tangkad niya sa'kin. At paano niya ako nahanao dito? Kanina ko pa siya iniiwasan tapos makikita niya lang din pala ako dito.

Pati si Lucian ay hindi inaasahan na makita si Jethro dito. "Oh, Jethro. You're here." sabi ni Lucian.

He crossed his arms. "Yeah and I am taking her away from you." Sino ba ang tinutukoy niya? Ako ba? Wait, parang nangyari na 'to ah.

Ngumisi naman si Lucian. "You mean, Vera?"

Habang kinakausap ni Lucian si Jethro ay nakaiwas lang ng tingin si Jethro kay Lucian.

Galit pa rin ba sila sa isa't-isa?

Bigla namang hinawakan ni Jethro ang kamay ko. "Yes." at tumingin sa akin bigla si Jethro. "You're coming with me." he said. At diniian nito ang pagkakasabi sa akin. Halatang may pagbabanta.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon