30

18K 442 18
                                    

Her POV

Isang linggo na ang lumipas at wala pa ring nagbago kay Jethro, he still keeps on bugging me at hindi na niya ako tinitigilan pa. Maybe Lucian was right, siguro nga ay seryoso talaga siya sa akin Jethro.

Kasi kung hindi naman siya seryoso he wouldn't go thia far, right?

"Uy, Vera. Ihahatid ka raw ni Jethro sa inyo nasa parking lot na siya naghihintay sa 'yo." sabi sa akin ni Theo. And yes, palagi niya na akong hinahatid pagkatapos ng klase namin sa bahay. At natutuwa naman si papa sa kanya kasi nakakauwi raw ako ng maaga at ligtas.

"Ganun ba?" and I packed by things.

He nodded. "Oo, sige na. Puntahan muna siya aalis pa kasi ako ngayon eh. May date pa kasi kami ni Lanny." at tinanguan ko lang ito para makaalis na siya

Pagkatapos nun ay umalis na rin siya. Well, mas naging close naman kami ni Theo at Lanny dahil kay Jethro.

Tinignan ko naman si Eula. "Ihahatid daw ako ulit ni Jethro, sabay ka na lang sakin pauwi." sabi ko dito. Siya na lang ang kasama ko ngayon kasi dumaan pa kasi kami kanina sa library eh. Humiram ako ng mga libro na kailangan ko para makareview ako. Kaya nauna na yung mga kaibigan naming umalis kanina.

"Nako, huwag na." she refused.

My forehead puckered. "Why?"

She sneered. "Ayokong maging third wheel sa inyo ni Jethro no!" at pinaikutan pa ako nito ng mga mata niya.

I laughed. "Are you sure?"

She nodded. "Oo nga, mag c-commute na lang ako." sabi niya.

"Sigurado ka diyan ha. Kasi mas madali kapag sumabay ka na lang sa amin." sabi ko sa kanya.

"I'm fine, Vera. Sige na, sumama ka na lang kay Jethro." sabi pa nito.

Alam kong hindi pa rin niya tuluyang pinagkakatiwalaan si Jethro para sa akin pero alam kung pinipilit niya namang baguhin iyon. Kasi nakikita niya namang iba ang pakikitungo ni Jethro sa akin.

I sighed. "Sige, ikaw ang bahala." at naglakad na kami pababa.

Habang naglalakad kami ay nagpaalam na ito sa akin kasi sa gate siya patungo at ako naman sa parking lot kasi nandoon si Jethro, naghihintay.

"Kita na lang tayo bukas." sabi niya sa akin, mag-aaral kasi kaming dalawa bukas, kahit na sabado.

Kailangan ko na ring magbago para hindi ako mapahiya kay Charlotte at higit sa lahat, para sa sarili ko.

"Okay, see you!" at ngumiti na lang siya at umalis na palabas.

Ako naman ay nagtungo na sa parking lot at hinahanap ko na kung saang banda ba nagpark si Jethro dito ng sasakyan niya.

"Over here." natigil ako sa paglalaka ng nay narinig akong boses at nakita ko si Jethro na nakasandal sa kotse niya at malapad na nakangiti sa akin and his eyes are sparkling.

I don't know why I find him handsome today. He looks cool with that position.

Kaya lumapit naman ako sa kanya at nginitian ito.

"Nakuha mo na ba ang libro na hinahanap mo?" he asked.

I nodded. "Yeah, I got it." at ipinakita ko sa kanya ang bag na dala-dala ko na naglalaman ng mga libro.

"That's good. Give it to me, ako na ang magdadala niyan." at kinuha niya naman iyong bag na hawak ko.

Kahit na unpredictable iyong ugali ni Jethro minsan ay hindi ko maiipagkakaila na sa loob ng ilang buwan na nakakasama ko siya ay naging malapit na rin ang loob ko sa kanya. And as time goes by, I am getting more comfortable around him.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon