33

15.4K 424 43
                                    

Her POV

"Okay class, I have already checked all of your papers, ibibigay ko na lang 'to sa president niyo at siya na ang bahalang magbibigay sa inyo." sabi ni sir.

"Copy, sir." sabi ni Jethro.

Hindi ko alam kung nakapasa ba ako sa long test namin na hanggang 70 items. Masasabi ko namang pinag-aralan kong mabuti 'yon. Hindi nga lang ako sigurado sa resulta.

Napatayo naman si sir at ibinigay na kay Jethro ang papers namin. "Okay class, dismissed. See you again tomorrow." sabi ni sir.

"Good bye, sir.'' sabi ng mga kaklase ko at ljmabas na ng room si sir. Si Jethro naman ay nagsimula ng mamigay ng mga papel namin.

Sinundot naman ako ni Kiel. "Himala at mukhang naka focuse ka talaga kanina sa exam natin ha." sabi nito sa akin.

I heard Eula sighed. ''Paano ba naman? Si Jethro kaya ang tutor niyan." sabi ni Eula.

Nagulat naman ang iba sa sinabi ni Eula. "Ha? Paano?" si Fam.

"Pumunta 'yan sa bahay nila Jethro. Tapos si Jethro ang tutor niya!" sabi ni Eula.

"Talaga?! Wah! Nakakakilig naman yun." sabi ni Fam.

Tinignan ko naman siya. "Anong nakakakilig don?"

Hinampas niya naman ako. "Asus! Matagal na kayang nanliligaw si Jethro sa'yo no, kailan mo ba siya planong sagutin ha?" tanong ni Fam.

Napaisip na naman ulit ako. Hindi pa kasi talaga ako handa ngayon at hindi ko pa alam kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.

I massaged my temples. "I don't know."

"Bakit hindi mo alam, Vera?" tanong ni Shia.

I sighed. "Eh, paano ba naman kasi... hindi ko pa nga alam kung gusto ko na siya or ano." sabi ko. Habang tinititigan si na papalapit na dito habang nagbibigay ito ng mga papel sa mga kaklase ko.

"Alam mo... mararamdamn mo rin 'yan, Vera. Siguro kailangan mo lang mag-isip kasi iba rin ang nakikita ko sa mga mata mo habang nakatingin sa kanya." sabi naman ni Kiel na nakatangin sa akin.

My forehead knotted. "I really don't know, Kiel.'' sabi ko dito.

Napatingin naman sa gawi namin si Jethro at lumapit na ito dito habang nakangiti sa akin.

"Here's your paper."

Agad ko namang kinuha iyong papel sa kanya nang tignan ko ang papel ko ay nagulat naman ako sa score ko.

"Hala! Vera! Nakapasa ka! That's impressive!" sabi ni Eula habang inaalog-alog ako.

She's right. Totoo ba 'to?

"Himala! 11 mistakes ka lang ah!" sabi naman ni Famcy.

Tulala naman ako ngayon. Tama sila nakapasa nga ako ngayon. I didn't expect this.

Jethro pats my head. "You made it! Your tutor is so proud!" sabi niya at ngumiti sa akin kaya napangiti na rin ako sa kanya.

"Oo nga, Vera! You did great!" si Shia.

Jethro crossed his arms. "We all, deserved to eat outside later." sabi ni Jethro.

"What are you talking about?"

He chuckled. "Doon na lang tayo kumain ng lunch sa bahay mamaya." alok niya.

Nakakahiya naman kapag ganun. Siya na nga ang tumulong sa akin mag-aral. "Nako, wag na no!" I refused.

"No, I insist. It's on me." sabi pa nito.

"Jethro... huwag na."

Lumapit naman sa akin si Fam. "Ano ka ba Vera! Masama ang tumangi sa grasya! Let's grab this na lang" sabi ni Fam. Basta talaga pagkain eh no!

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon