16

21.1K 630 70
                                    

Her POV

WARNING! Please read at your own risk!

"Oh, Theo." agad na bati ni manang kay Theo. Nandito na kasi kami ngayon sa bahay ni Jethro pagkatapos kasi ng pasok namin ay agad kaming pumunta dito at hindi ito alam nina Eula. At mabuti na lang at pinayagan kami ng girlfriend niya na si Lanny.

"Manang Jean." at nagyakapan pa sila. Mukhang malapit na ata talaga sila sa isa't-isa.

Napatingin naman sa akin si manang. "Kasama mo pala ngayon si Vera?"

Napatingin naman sa akin si Theo. "Opo manang, nag-aalala daw kasi siya kay Jethro. Kaya gusto niya raw ulit itong bisitahin." at ngumisi naman silang dalawa.

"Mabuti naman at nakabalik ka diyo kaagad, Vera." bati rin sa akin ni manang kaya nginitian ko siya.

"Oo nga po manang. Kamusta na po si Jethro?" I asked.

She sighed. "Kaninang umaga nakalabas 'yon sa kwarto niya pero napagalitan na naman ulit ng Daddy niya kaya nagkulong na naman sa kwarto niya. Naaawa na nga ako sa batang 'yon." So, totoo nga pala ang sinabi ni Theo.

Napatunghay na lang ako. "Ganun po ba manang."

"Oo, Vera."

"Eh kahapon po manang, nainom niya po ba ang gamot na binilin ko?"

Tumango naman si manang. "Oo iha, kumain rin siya ng sopas." Kakain naman pala bakit kailangan niya pang magsungit sakin.

"Mabuti naman po kung ganun manang. Pwede ko po ba siyang puntahan ulit? Gusto ko lang sanang ibigay 'tong dala kong prutas." sabi ko kay mamang. Bago kasi kami pumunta dito ay dumaan pa kami ni Theo para bumili ng prutas para sa kanya..

Tumango naman siya. "Oo, Vera pwede naman."

Pumagitna naman si Theo sa amin ni manang. "Sigurado po ba kayo manang?"

"Oo naman."

"Pero manang baka kasi magalit si Jethro kapag pinapasok natin si Vera sa kwarto ni Jethro. Kilala naman nating lahat si Jethro." sabi naman ni Theo.

Napangiti naman si manang. "Nako, it's already given, Theo. Nagagalit naman talaga iyon kahit sa kunting bagay eh. Huwag ka na lang mag-alala kakayanin ko ang galit niya ." biro ko sa kanya.

"Sigurado ka bang pupuntahan mo siya sa taas?" paninigurado ulit sa akin ni Theo.

Nag thumbs up pa ako sa kanya. "Oo nga."

Ngumiti naman siya. "I guess you're really one of a kind. Good luck sayo, Vera." at nginisihan pa ako nigo.

"Ako na ang bahala sa kanya."

He tapped my shoulder. "Sige, pupunta lang ako sa kusina at maghahanap lang ako ng makakain dun. Hihintayin na lang kita dito sa baba." sabi ni Theo.

"Sige."

Lumapit naman si Theo kay manang. "Tara na manang. Gutom na rin kasi ako."

"Nako, ikaw talaga Theo. Sige na sasamahan na kita." sabi sa kanya ni manang sa kanya. At umalis na rin silang dalawa.

Kaya nagsimula na akong umakyat sa hagdan. Hindi ko naman maiwasang kabahan.

Pag ako pa talaga ang mapapaagalitan nito ay aayaw na talaga ako sa kanya. Tapos bahala na talaga siya sa buhay niya pagkatapos. Sayang lang ang pag mamagandang loob ko sa kanya kung hindi niya man lang ako na-aapreciate. Nang makarating na ako kwarto niya ay huminto muna ako sa labas.

Inhale. Exhale.

Kaya mo 'to Vera. Si Jethro lang yan oh.

Kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. At hindi naman ito naka lock, mabuti naman.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon